015

2.5K 96 16
                                    

WINTER

"MAAM...."

Malakas na tawag ko kay maam autumn na naglalakad palabas na ng gym.
Kakatapos lang ng meeting namin para bukas

akala ko papahatid sya saakin.

Tumigil ito at lumingon saamin ni maam summer.

"Akala ko po sasabay kayo saakin?"
Ngumiti ito pero hindi iyon katulad ng ngiti na binibigay nya saakin simula kahapon.

Kahapon ko lang kasi ito nakitang ngumiti.

"Hindi na." Sabi nya.
Nag iwas ito ng tingin.
"M-may gagawin pa ako sa office." After nya yung sabihin naglakad na ulit sya paalis. Sinundan ko lang sya ng tingin hanggang sa mawala sya sa paningin ko.

Napabuga ako ng hangin. Tumingin ako kay maam summer na isa ring tahimik sa tabi ko.

"Tara na." Sabi ko sakanya.
Kinuha ko ang bag na dala nya para ako na ang mag bitbit nito.

"Thanks."
Ngumiti sya saakin bago kumapit sa mga braso ko.
Pasimple ko yung tinanggal dahil ayaw ko na magkaroon kami ng physical contact.

May boyfriend sya at nirerespeto ko silang dalawa.
May gusto ako sakanya, pero ayaw ko naman syang e take advantage.

Lumingon ako sakanya. Nakita ko na nakatingin ito sa mga braso ko. Lumingon ito saakin at ngumiti.

Gusto sana sya ihatid ng boyfriend nya pero hindi sya pumayag dahil baka may makakita sakanila.

Kahit kagabe daw nag taxi sya pauwi galing sa date nilang dalawa. Hindi ko kasi sya nasundo dahil sa kadahilanang nalasing ako.

"Maam, ihahatid lang kita sa bahay."
Sabi ko sakanya pagkasakay namin sa sasakyan.
Pagka seatbelt nya, lumingon sya saakin.

"Why?"
Tanong nya saakin.
Nag iwas ako ng tingin.

Balak ko kasi na sa parents ko ako matutulog ngayon dahil gusto ko silang e invite sa championship namin bukas sa MU.

Naiinis ako sa parents ko pero bilang anak gusto ko rin na kahit isang beses maramdaman ko na importante rin ako sakanila.

Gusto ko na sa unang beses ay manuod sila ng laro ko.

"Sa mansion ako matutulog ngayon." Sabi ko sakanya.
Binuhay ko na ang makina at balak ko na sanang paandarin ang sasakyan pero hindi natuloy dahil sa hindi inaasahang tanong nya.

"May problema ba tayo winter?" Natahimik ako sa naging tanong nya. Napapansin rin pala nya ang pagbabago ng pakikitungo ko sakanya.
"Akala ko, okey na tayo."
Simula kasi nung araw na naging okey kami, ay naging maayos na ang pakikitungo namin sa isat isa.
Nag uusap kami at sobrang sweet na naming sa isat isa.
Pero that was the time na hindi ko pa alam ang nararamdaman ko sakanya. Yun yung time na wala pa akong nararamdama. Yun yung time na gusto kong maging okey lang kami. May time din nun na para ko syang tinuturing na kapatid, dahil wala nga akong kapatid.

Tapos bigla yung nagbago nung onte onte ko ng nararamdaman na hindi lang pala yun ang gusto ko sakanya.

At onte onte akong lumalayo ulit dahil alam ko sa sarili ko na pag pinagpatuloy ko yun ay baka hindi ko na macontrol ang sarili ko.

Ang hirap. Dahil kailangan kong isakripisyo yung nararamdaman ko para sakanya.

Ayaw kong magbago yung tingin nya saakin oras na makagawa ako ng hindi dapat dahil sa pagkakagusto ko sakanya. Kaya mas pinili ko na lang na ilayo ang sarili ko paonte onte sakanya.

Minsan sa condo ako na tutulog pag sobra sobra na akong nasasaktan at feeling ko kailangan kong huminga, dahil sa mga nakikita ko tuwing nagkikita sila ni sir alcantara. Ako kasi ang naghahatid kay maam sa tagpuan nilang dalawa kaya nakikita ko ang mga nangyayari.

ARRANGED MARRIAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon