026

3.3K 109 30
                                    

WINTER

"Nasaan na ba yun?" Tanong ko sa sarili habang nag iikot dito sa tabing dagat. Kanina pa ako paikot ikot para hanapin si maam summer.

Nahihirapan akong mahagilap sya gawa ng sobrang daming tao. Dapat kasi sinundan ko na lang sya kanina nung umalis sya, idi sana hindi ako nahihirapan ngayon sa pag hahanap.

Hindi ko kasi nagawang gumalaw kanina sa sobrang pagkabigla sa sinabi nya saakin.

Sino ba naman kasing hindi mabibigla?

Umamin na sya saakin. Narinig ko na mula sa bibig nya ang isang katagang matagal kong pinangarap na marinig mula sakanya.

Kinuha ko ulit ang cellphone ko para tawagan ulit sya kaso katulad kanina hindi nya pa rin sinasagot ang tawag ko.

Posibleng nahihiya sya dahil sa mga sinabi nya saakin. Kitang kita ko kasi kung paano mamula ang mga pisngi nya kanina.

Pinasok ko na sa bulsa ko ang cellphone at muling nag lakad habang tumitingin tingin sa paligid pero agad akong napatigil, dahil sa isang babaeng nagmumula sa hindi kalayuan saakin.

Ito ang unang beses na nakita ko sya na ganito.
Nakikikanta kasi sya sa mga batang kasama nya, na sa tingin ko ay kinakantahan lang sya para mang hingi ng pera.

Kung hindi ko lang sya nakilala nitong mga nakaraang buwan, iisipin ko na isa ito sa napaka imposible nyang gawin, dahil sa aura na binibigay nya sa mga tao dahil sa pagiging seryoso nya.

Maya maya pa natapos na sila sa pagkanta nakipag kulitan pa muna si maam autumn sakanila bago ito umalis, suot ang seryosong aura nya.

See?
Gano'n kabilis mag bago ang aura nya.

Pero ang ipinagtaka ko bakit hindi sya nag bigay ng pera?

Kinuha ko ang wallet ko para ako na lang mag bigay sakanila, sisingilin ko na lang si maam autumn, tutal ang yaman naman nya.

"Bata" tawag ko sakanila ng makalapit na ako sakanila. Agad naman silang nag sitinganan saakin. Apat na bata sila.
"Kilala nyo ba yun?" Tanong ko sakanila habang tinuturo ko ang likod ni maam autumn na naglalakad palayo. Umasa ako na kilala nila dahil una si maam ang may ari ng resort na ito.

Baka ganon sila. Inaalayan nila ng kanta si maam pag pumupunta dito.

"Hindi po." Muli kong nilingon ang direction ni maam kaso wala na sya, hindi ko na sya makita pa.

"Binigyan ba kayo ng pera?" Tanong ko sakanila.

"Opo."

"Talaga? Bakit hindi ko nakita?" Tanong ko sakanila.

"Bago po kami kumanta inabutan nya kami ng pera, anlake nga po e." Masayang masayang sabi saakin ng babae.

Kumuha ako ng pera sa wallet ko at inabot sakanila iyon. Sila kasi ang rason kung bakit ko nakita ang isang side ng kabutihan ni maam autumn.

Akala ko kasi, saakin lang sya mabait dahil nga may gusto sya saakin. Hindi ko alam na ganon pala talaga syang tao.

Mas lalong lumawak ang ngiti ng apat na bata dahil sa inabot kong pera sakanila.

"Maraming salamat ate ganda."

Hinaplos ko sila isa isa sa ulo bago ako nag lakad paalis.

Mga ilang minuto pa akong umikot para hanapin si maam summer pero wala talaga kaya naisipan ko na lang bumalik sa hotel. Baka naandon na sya pero pag wala dederetso na ako sa resto bar dahil sure ako na nagsisimula na ang parte.

Naisip ko tuloy kung pupunta rin ba si maam autumn sa party since wala sya sa stadium kanina.

Pag pasok ko sa hotel dumeretso ako sa elevator at pinindot ang 15th floor, kung saan naroon ang penthouse ni maam autumn.

Magkasama kasi sila ni maam summer sa room.

Pag dating ko sa harapan ng penthouse ni maam autumn, agad akong kumatok.

Tumingin ako sa orasan ko.

8:34pm

Sana nandito sya dahil kanina pa ako hanap nang hanap sakanya.

Maya maya pa narinig ko ang pag galaw ng doorknob kaya tumayo na ako ng tuwid, hanggang sa tuluyan na itong bumukas at bumungad sa harapan ko si maam autumn na naka bathrobe.

Halos malunok ko ang dila ko dahil ang unang tumambad talaga saakin ay ang collarbone nya.
At hindi ko pa nga alam kung ilang sigundo akong nakatingin sa parteng iyon. Nahihiyang nag iwas ako ng tingin sa parteng iyon. Nilipat ko ang tingin ko sa mga mata nya na seryosong nakatingin saakin.

"If you're looking for summer, she's not here."
Seryosong sabi nya saakin.

Hindi ko alam pero parang may sumikdong sakit sa dibdib ko dahil sa paraan ng pakikipag usap nya saakin. Hindi naman sya ganyan saakin nitong mga nakaraan e.

Akma nya na sanang isasara ang pinto pero agad kong hinarang ang paa ko sa pinto para hindi ito tuluyang mag sara.

Muli nya itong binuksan.

"She's not here, what else do you need?" Ngayon naman hindi nya na matago ang pag kairita sa boses nya.

Galit nga talaga sya.

"Galit ka ba?" Tanong ko sakanya.
Napapansin ko kasi na iniiwasan nya ako simula kahapon.

Nilabanan ko ang mga titig nya kaya sa huli sya na rin ang nag iwas. Tumingin ito sa likod ko.
Napansin ko rin na parang nanlambot sya dahil humigpit ang pagkakahawak nya sa doorknob para kumuha ng lakas doon.

Tinignan nya ulit ako bago sya yumuko.

Agad akong nakaramdam ng pagkataranta na makita ko na may tumulong luha galing sa mga mata nya.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung hahawakan ko ba sya para e comfort.

Akma ko na sana syang hahawakan pero agad nya akong pinigilan.

"P-please dont."
Sabi nya habang nakaharang ang kamay nya saakin.
Muli akong lumayo sakanya.

"M-maam." Tawag ko sakanya.
Dahil grabe na ang pag iyak nya. Tahimik lang syang umiyak pero mahahalata mo naman dahil sa mga luha na lumalabas sa mga mata nya.
"Bakit?" Nag aalalang tanong ko sakanya.

""Stay away from me, winter." Napanganga ako dahil sa sinabi nya. Nag punas sya ng luha bago matapang na tumingin saakin.
""I love you, I did everything to be close to you, so it's hard for me to just walk away from you, winter."
She looked at me
"But, for the feelings you two have for each other, I will stay away from you, out of respect for the feelings you both have for each other." She wiped her tears saka ngumiti pero halatang pilit naman.

Gusto ko man syang tutolan sa gusto nyang gawin pero yun na ang desisyon nya, kesa naman mag away pa sila ni maam summer dahil saakin.
Ayaw ko naman mangyari yun, antagal tagal na nilang magkaibigan tapos magkakasiraan lang sila dahil saakin.

Pero hindi ko maiwasang malungkot dahil kahit papaano napalapit na ako kay maam autumn. Tapos sa isang iglap biglang mawawala na lang.

"Tutol ako sa gusto mong mangyari pero wala naman akong magagawa, maam." Sabi ko sakanya.
"Im sorry kung nararamdaman mo yan ng dahil sa'kin" sabi ko sakanya.

"Nasa resto bar sya." Pagkasabi nya nun, sinara na nya ang pinto.

Napahinga ako ng malalim bago nag lakad paalis.

••

ARRANGED MARRIAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon