Winter POV:
"Lets go?" Tanong ko sakanya habang pinapaikot ikot ko sa daliri ko ang susi ng car ko. Ngumiti sya saakin saka tumayo. Lumapit sya saakin para ayusin ang necktie ng uniform ko.
Hinalikan nya rin ako ng smack sa labi bago nya pinagsiklop ang mga kamay naming dalawa.
Napangiti ako."Lets go." Hinila nya na ako palabas ng bahay. Wala na rin akong nagawa kung hindi magpahila sakanya. Para lang akong tanga na nakangiti habang nakatingin sa kamay naming magkahawak.
Ang tagal kong pinag dasal na dumating ang araw na to."Oh my god?" Inangat ko ang mukha ko para tignan ang tinitignan nya. Yung mukha kong nakangiti onti onting nawala dahil sa taong nasa harapan namin ngayon.
Napalunok ako.
Si maam autumn.
Nababakasan ng pagkagulat ang mukha nya pero onte onte rin yung sumeryoso. Hindi rin nya maitago ang pag guhit ng sakit sa mga mata nya.
Mula sa pagkakatingin nya sa mga mata ko bumaba ito papunta sa magkahawak naming kamay ni maam summer.
Muli akong napalunok.
"Im sorry, I forgot to tell you that winter is back home from last night." Nag iwas ng tingin si maam autumn.
"Sinundo mo pa tuloy ako.""Its okey, at least ngayon alam ko na." Nag simula na itong tumalikod at naglakad papunta sa sasakyan nya. Bago sya sumakay muli syang tumingin saamin.
"Lets go." Tuluyan na syang sumakay sa sasakyan nya at mabilis itong pinatakbo paalis.Pag dating namin sa school parking inalalayan
ko sya palabas. Pagbaba nya, tumingin sya saakin."Hintayin kita dito mamaya." Nakangiting sabi ko sakanya. Lumapit ito saakin at pinulupot ang braso nya sa batok ko.
"Punta ka sa office ko after class mo." Sabi nya bago nya ako hinalikan sa labi pero agad rin syang napalayo saakin dahil sa taong nagsalita sa likoran nya.
Si sir alcantara. At base sa pananalita nya mukhang lasing ito. Nakasuot ito ng pang professor na outfit.
Hindi nya ba alam na bawal ang pumasok ng lasing? Lalo at professor sya."Ito ba?" Agad kong hinawakan si maam sa kamay at hinila ko sya papunta sa likoran ko.
Natawa si sir alcantara dahil sa ginawa ko.
"Hindi ako makapaniwala na nagawa mo akong ipagpalit sa babaeng ito summer." Umatras ako ng mag umpisa itong naglakad palapit saamin.
Ngayon ko lang napansin na medyo namumula ang mga mata nito.
Hinawakan ko ng mahigpit si maam summer
"Hindi ka naman nito mabibigyan ng matagal mo ng pinapangarap na pamilya summer." Tumawa ito.
Napatiim bagang ako. Hindi ko gusto ang mga lumalabas sa bibig nya.
Lumapit pa ito hanggang sa tuluyan na nga syang nakalapit saamin."Hayaan mo na ako andrew, nag usap na tayo diba?"
Nababakas ang takot sa boses ni maam summer.
Natawa si sir alcantara."Summer, bumalik ka na saakin, promise kakalimutan ko ang lahat ng nangyari bumalik ka lang. mag sisimula tayo ng panibago." Napatiim bagang ako
"Yun naman ang usapan natin diba? Magpapakasal tayo at bubuo ng sariling pamilya."Tinulak ko sya ng malakas ng akma nyang hahawakan sa braso si maam summer pero dahil lalake sya hindi man lang sya natinag sa kinatatayuan nya. Parang mas nadagdagan pa nga ang galit sa mga mata nya dahil sa ginawa ko.
Naramdaman ko na hinawakan ako ni maam summer ng mahigpit sa braso at hinila paalis, pero agad rin kaming natigil ng mahawakan ako ni sir alcantara sa isa kong kamay.
"Sa tingin mo makakatakas kayo?"
"Andrew ano ba?" Inis na sabi ni maam summer habang pinipilit nyang tanggalin ang mga kamay ni sir alcantara saakin.
Pinilit ko ring bawiin ang kamay ko dahil nasasaktan ako sa higpit ng pagkakahawak nya.
"See? Itong pinagpalit mo saakin? Ni hindi nya kayang ipagtanggol ang sarili nya? What a downgrade, summer." Yung galit na nararamdaman ko mas lalong nadagdagan ng hawakan nya rin si maam summer gamit ang isang kamay pa nya.
"Andrew ano ba? Nasasaktan ako."
"Nasasaktan ka? Bakit ako hindi ba nasaktan? Mas doble yung sakit ko ng pinagpalit mo ako sa babaeng ito summer." Hinila nya palapit si maam summer sakanya.
Kahit masakit pinilit kong hilain ang kamay ko sa pagkakahawak ni sir alcantara hanggang sa magtagumpay ako.Buong lakas kong sinampal si sir alcantara. Kaya ko pang palampasin kung ako lang pero kung idadamay nya si maam summer dito yun ang hindi ko kayang palampasin.
Binitawan nya si maam summer at tumingin sya saakin. Yung galit kaninang nakikita ko sa mga mata nya ngayon ay mas domoble na.
"Andrew, please tama na." Pagmamakaawa sakanya ni maam summer.
Mabilis ako nitong hinawakan sa braso. Napapikit ako ng akma ako nitong sasampalin. Pero ilang sigundo na ang lumipas wala pa ring kamay na dumadapo sa pisngi ko.
"Dont you dare." Agad akong napamulat ng mata dahil sa galit na boses na narinig ko. Pag mulat ko ng mata si maam autumn ang bumungad saakin.
Seryoso itong nakatingin kay sir alcantara habang hawak ang kamay ni sir alcantara na nakaangat sa ere.
Nakatingin sakanya si sir alcantara.
"Bitawan mo sya." Dahil sa sinabi nyang yun binitawan ako ni sir alcantara.
Agad akong lumapit kay maam summer para tignan kong nasaktan ba sya. Napapikit ako ng makita ko na namumula ang pulso nya. Marahil dahil ito sa higpit ng pagkakahawak ni sir alcantara sakanya.
Shit.
"Im sorry." Hingi ko ng tawad sakanya.
Hinaplos ako nito sa pisngi"Im okey. Ikaw? May masakit ba sayo?" Nag aalalang tanong nya saakin bago nya tinignan ang parte na hinawakan ni sir alcantara saakin.
"Okey lang rin ako."
Muli kaming tumingin kay maam autumn. Napansin ko na wala na si sir alcantara at si maam autumn na lang ang nakatayo sa harap namin, habang bored na nakatingin saamin dalawa.
"Than-" hindi na namin natapos ni maam summer ang sasabihin namin dahil bagla na lang itong naglakad paalis.
Napahinga ako ng malalim habang sinusundan ito ng tingin. Nang mawala ito sa paningin ko muli ka akong humarap kay maam summer.
"Lets go."
Hinila ko na si maam summer. Sinundan namin si maam autumn. Nadatnan namin si maam autumn na may kausap na dalawang student.
"Wala kayong narinig at nakita, okey?" Naniningkit ang mga mata nya habang nakatingin sa dalawang studyante. Takot na takot ito habang nakayuko. Tumango ng sunod sunod ang dalawang studyante.
Dahil doon, tumayo na si maam ng tuwid saka naglakad paalis.
..
••