Chapter 1. Distant Star
I watched him make his way to the crowd, he was towering and was known for being the best of their section. The guy has a strong physique and a dark demeanor, and despite of him being famous, no girls tried to get close to him.
And as for me. . . he was a distant star.
Matagal ko nang napapansin ang lalaki, simula noong tenth grade pa lang ay palagi ko na itong nakikita sa hallway kasama ang mga kaibigan nito. Stem student at isang Humss student, mukhang bagay ‘di ba?
But of course, that should stay that way.
Para lang akong tangang iga-gaslight ang sarili na baka sa tagal nang panahon ay mahulog ang loob nito sa akin. Is that possible? Wala kaming kahit ni isang interaction, at tanging sa mata lang. And alam ko namang nagkaka-eye contact kami dahil napapansin nitong panay ang tingin ko sa kanya.
Binabawasan ko na nga e.
"Peter, para kang natuod diyan." Bumalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Ella. "Dumaan ba naman sa harapan ang crush, sinong hindi masta-starstruck!" Sabi pa ni Nicole na siyang ikinatawa ng dalawa pang sina Ness at Sam.
"Huwag niyo ngang inaasar si Pete, nagmo-move on na nga eh!" Depensa naman sa akin ni Echo.
This is my circle. Ella who loves shipping me with him, Sam who loves to end my daydreams, Nicole who's the bitch, Ness who's go-with-the-flow and Echo, the one who protects us.
We met on our tenth year, apat sa amin ang humss at ang dalawa naman na si Ness at Nicole ay sa stem. Kaya rin ako nagkagusto sa lalaking 'yon dahil sa madalas na pagdalaw sa classroom ng stem e! "Nabalitaan kong may kinikita daw siya," Kuwento ni Sam habang kinakain ang biscuit na palagi niyang dala.
"Nakuu, mukhang may nasasaktan ngayon ah?" Segunda naman ni Nicole. Napaikot nalang ang mata ko at naglakad na, sumunod naman ang lima sa akin. Lunch break ngayon kaya nagtungo kami sa cafeteria.
The cafeteria was of course, crowded. Pero hindi naman iyon napupuno to the point na wala nang table at chairs. "Ang init!" Reklamo ni Nicole pagkapasok. Nakahanap naman agad kami ng mauupuan. Ella and Echo decided to take our orders para sila nalang dalawa ang pumila.
"Anong religion naba ang magre-report sa world religions?" Sam was referring to our specialized subject, individual reporting kasi at nahati kami sa iba't ibang religions. "Mukhang hinduism na ata e." I answered.
Magsasalita pa sana si Sam nang bigla akong kurutin ni Ness, "Dito kakain 'yung idolism mo, Pete!" She exclaimed. Tinakpan ko naman agad ang bibig nito. Baka may makarinig! Nakakahiya naman. Baka sabihing napaka-landi ko.
Minutes later. . . something happened.
"We're going to sit here." It was his voice. Deep as a well and cold as an ice. Or I'm just exaggerating? Hindi ko rin alam. May epekto talaga ang lalaki sa akin. "You're supposed to ask permission, Rage!" Bulyaw naman sa kanya ng kasama nitong naka-puting uniform.
Isang college student.
I-iyan ba ang s-sinasabi kanina ni Sam? "Sorry for that, can we sit here guys?" The girl asked, her voice sounds soothing and soft. She has this light make-up, her hair was tied in a neat bun. Walang kahit ni isang buhok ang nahuhulog.
"A-aah, sure p-po!" I nervously answered. Wala kasing balak na sumagot ang mga kasama ko. Sam has her eyes settled on the girl, paniguradong puring puri na ang babae sa mata ni Sam!
"You're in your eleventh grade right? Have y'all met this grumpy man?" She then pointed the guy in front of her. . . The guy I have always dreamt of, the guy my heart has been screaming for ages.
"Classmates po kami actually, hindi naman po masyadong grumpy si Rage." That was of course, sarcastic! She made sure that the word Masyadong was emphasized enough. Coming from Nicole, we're expecting it. Lalo na't classmate sila at kinukwento nito kung gaano raw kasungit ang lalaki kapag nagka-groupmate sila.
The guy suddenly scoffed. Nakatingin ito kay—no, s-sa'kin? B-bakit naman? Para itong may gustong sabihin na matagal niya nang hindi nasasabi, siguro talaga crush ako nito.
"There's an upcoming research project that the faculty has planned. It is a collaboration for the Stem and Humss students. I'll have you as my pair." Napatingin ako sa mga katabi ko, sa mga kaibigan ko. They were all looking at me as if they were telling me something. Ayaw ko rin namang humarap kay Rage pero wala akong choice!
Nang lingunin ko na siya, para akong nalulula sa titig niya sa akin. Para itong tumatagos sa buong katawan ko. Hindi rin ako makapagsalita dahil sa ayaw kong may masabing mali, atsaka nagulat ako sa kung ano man ang sinabi nito.
Hindi ako naga-assume, sinisiko na rin ako ng katabi ko, I'm sure he's talking to me, ako ang tinitignan nito. "Silence means yes. I'll have it settled." Nanlaki ang mata ko at 'di makapaniwalang napatayo sa kinauupuan, parang sirang plakang paulit-ulit na nag replay sa utak ko ang sinabi nito sa akin.
I couldn't process the thing that he said. I'm sure he's telling the truth, may posisyon kasi ito sa council kaya alam nito ang mga nangyayari sa curriculum namin. And I think, he's also given the chance to pick a partner? Pero bakit ako? He doesn't even know my name!
Or baka naman, gusto nitong makasama ako, makilala ako, para mabuo ang sana'y matagal na naming pagmamahalan? No, hindi. Ang assuming naman kung gano'n, pero kung gano'n naman, sino ba ako para tanggihan iyon?
Of course, I'd definitely be his partner! In terms of academics, hindi naman ako pabaya at kaya ko namang makipagsabayan sa kanya. I know hindi ako magiging pabigat sa kanya. Baka mahulog pa siya sa akin. Ay naman.
Rage. . . what did you do to me?
BINABASA MO ANG
Out Of Reach [Completed]
RomanceTHIS IS A BL STORY! Has anyone fell for someone who were too far above? In terms of status, intelligence, and way of thinking? Because that's what happened to Peter. Peter thinks of Rage as someone who is a distant star. A place he could never trav...