33. Beat It

275 14 1
                                    

Chapter 33. Beat It

Malaki ang ngiti ko habang nakatingin sa gymnasium na may mga disenyo sa itaas, at maganda ang pagkaka-ayos ng stage. Sina Ella at Sam kasi ang isa sa gumawa nito. Nanlalamig ako, hindi ko alam pero may nararamdaman akong kakaiba.

This day is the day that everyone's been waiting for. Kasi pagkatapos nito, we'll be taking another big step towards the future. Magg-grade twelve na kami pagkatapos nito. Pero hindi ako natutuwa. Mama and Papa are always present in times like this; recognition day, graduation and the likes.

Ngayon ay si Mama nalang, naiiyak habang nakatingin sa akin. "Anak, nasaan nga pala si Rage?" Napakurap-kurap ako. She's been asking where Rage is, hindi ko naman alam nasaan ang lalaki. Kakausapin niya raw. Alam ko naman anong sasabihin ni Mama, baka sapakin niya pa 'yon.

Napalunok ako. "Hindi ko po alam, ma." Tanging sagot ko. Mukhang nahalata naman ni Mama na mukhang hindi ko gustong pag-usapan siya kaya hinanap niya nalang ang mga kaibigan ko. Nang sumapit ang alas otso, nagkita na rin kaming lahat at humiwalay na sa parents namin.

"Stem at Humss ang magtatabi, tapos Gas at Abm." Nanlaki ang mata kong nakatingin kay Ma'am Araneta habang nagi-instruct ito. Hindi niya naman sinabing gano'n e! atsaka baka makatabi ko pa si Rage. . . Ayoko, siguro napaka-awkward no'n!

Natuod ako sa kinakatayuan nang biglang magsalita si Ma'am Araneta habang pinapaupo niya kami sa upuan. "Dela Cruz, tabi ni Fernandez. Walang E, 'di ba?" Marahan akong napapikit, ano ba naman 'to? Tinulak tulak naman ako ni Ella kaya wala na rin akong nagawa kundi maglakad sa pwesto ni Rage.

"Huwag a-arte-arte, umupo agad kayo!" Galit na ani ni Ma'am kaya napayuko akong nagpunta sa upuan na katabi ni Rage at naupo doon. I immediately felt the awkward feeling. Hindi na kasi talaga kami nag-usap. But honestly, I miss him so much. Hindi ko nalang iniinda, kasi wala naman akong magagawa.

Bumalik ako sa dati, admiring from afar kung sa madaling salita pa. It wasn't a problem though, nasanay naman na ako noon pa. Kaso, ngayon, may memorya na kaming nakabaon dito sa kaloob-looban ko. Dati kasi, nakatingin lang ako sa kanya. . . tapos ngayon, katabi ko na siya, inaalala ang mga dating nangyari na hindi pa sigurado kung mauulit.

Both of us stiffened when we got closer that made our skin touch.

Mabibigat na ang hininga ko, gusto ko nalang umuwi at hilahin siya at i-cuddle. Napailing-iling naman ako, minor kapa lang, Peter! Natigilan naman ako nang maalala ang kuwento sa akin ni Casper. . . that Rage liked me even before. That was surely unexpected, lalo na 'yung sa hindi niya pagkagusto kay Kyrie.

You know, I want to hear everything coming from him. Kung totoo ba talaga 'yon. Ang sarap kaya sa pakiramdam, kung iisipin, matagal nang may gusto sa akin ang lalaking hinihiling ko gabi gabi? Aba, baka magwala ako! "What's your topic in your internal monologue?" Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Rage.

Napairap naman agad ako. Alam agad nitong nagi-internal monologue ako, atsaka mabuti nalang hindi siya nakakabasa ng iniisip. Baka sabihing baliw na baliw ako sa kanya, pero totoo naman! "Dito ka pa rin ba magg-grade twelve?" Napatingin ako sa kanya, nakatingala ng bahagya dahil sa tangkad nito.

Dahan dahan akong tumango. Nang makita niya ang pagtango ko, bumakas sa mata nito ang hindi ko alam, kung pag-asa ba o paghihinayang. I think the latter, why would he even think of us having pag-asa pa? Ang delulu ko talaga minsan, tapos kapag nasaktan, naninigaw. Napaka-redflag ko pala talaga!

"I guess, congratulations?" Napangiti ako, hindi kita ang ngipin. Bale half smile, kung may ganyan man. "Congratulations din, expected na ikaw 'yung rank 1 ng curriculum natin." Sabi ko sa kanya. Pero syempre, plastic lang 'yon. I studied so hard to beat him in his game, kaya umaasa pa rin akong baka kayanin kong pababain siya sa trono.

 Out Of Reach [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon