29. Buried Hopes

300 13 1
                                    

Chapter 29. Buried Hopes

A new year to spend. A new year to think about the mistakes and what should I do to avoid committing them next time. Bumalik na kami ni Mama sa manila. Papa vanished and we don't know where he is right now. Wala akong masabi sa ginawa niya pero kahit na gano'n, sana'y nasa maayos siyang lagay.

You see, forgiving actually helps you to move forward. Pero kung ako ang tatanungin, hindi ko kayang magpatawad, ang kaya ko lang gawin ay ang kumalimot. The damage has been done, and they couldn't take back the tears that already fell.

Aamon and I parted ways happily. Tawagan ko lang daw siya kapag may nang-api o nagsabi ng salita, lilipad daw siya rito at bubugbugin kung sino man ang nagsabi. Ngayon ay balik skwela na rin ang mokong, isa palang stem student! Sana nagpaturo ako sa gen-math.

I mentally laughed. Nandito na naman, his ghost visiting me. Umiling-iling ako para tanggalin siya sa isip. It's been weeks at nandito pa rin ako, in the stage of either forgetting him or treasuring the memories we both shared. Oo, mahirap. Nasa new year's resolution ko pa naman ang hindi na aasa, kaya paniguradong hindi na.

It is January 03, araw na ulit ng pasukan. I couldn't take it in mind, parang ang bilis kasi. Gusto ko nalang tuloy bumalik sa Davao at gumala nang gumala. Hindi pa rin ako makapaniwalang gano'n pala kasaya puntahan ang roxas night market! Babalikan ko talaga ang mga thrift shop don.

"Ma, alis na po ako!" I shouted. Nasa likuran kasi si Mama ng bahay at nag-aayos ng mga pananim. Mag-aapply din ito sa trabaho maya-maya. Napakalungkot isipin, Papa should be here helping her into meeting our basic needs ngunit nasa ibang kamay na ito. "Ingat ka anak!" Mama shouted back. Natawa nalang ako.

Lumabas na ako ng gate at tumawid agad nang mapansing walang sasakyang dumadaan. Maaga pa kasi at tulog pa siguro ang mga tao sa mga oras na 'to. Nang makatawid ay laking tuwa ko nang makita si Kuya Astro na nagwawalis sa labas ng kanilang bahay ni Kuya Alejandro.

"Kailan kapa nakabalik, Peter?" Tanong nito at lumapit sa akin. Ginulo ang buhok ko at pinisil ang pisngi. "Kahapon po." Sagot ko rito.

Nagulat naman ako nang bigla itong sumigaw at tinawag si Kuya Alejandro sa loob ng bahay. Tapos ay lumabas si Kuya na may dalang gift boxes. Mga nasa lima o anim iyon. "Tanga ka bakit mo dinala lahat? 'Yang maliit lang. Ako na maghahatid mamaya sa bahay nila." Sabi nito at itinuro ang may kalakihang box.

Napakamot naman sa batok si Kuya Alejandro at ibinalik ang tatlong may kalakihang box. Tapos ang tatlong ding gift box ay ibinigay sa akin ni Kuya Astro. "Gift namin 'yan sa'yo, christmas hanggang new year na 'yan." Tumatawang ani ni Kuya Astro. Natawa na rin ako, noong nakaraan lang kami nagkakilala pero kung makabigay sila ay para bang nasubaybayan nila ako sa paglaki.

I opened the first box, it was a green shimmering bracelet. Kapag natatamaan ng araw, nag-iiba ang kulay nito."Kuya naman e!" I said after staring at the bracelet emitting my favourite shades of green.

Nang buksan ko pa ang isa, it was a another bracelet, the same with the first one but this is different. It was blue. Nang matamaan iyon ng araw ay nagmukha itong karagatan sa ganda ng kulay. Napakunot lang ang noo ko habang tinititigan ito. "You'll get through there." That was Kuya Astro's word that stucked inside my mind hanggang sa makapunta na ako sa school at maupo sa upuan ko.

I don't understand what he said, hindi ko nalang iyon pinapansin. Ramdam siguro ni Kuya Astro ang mga nangyayaring bagay sa akin. Atsaka naikwento ko naman sa kanila ang lahat no'ng nakaraang araw, pero hindi ko nasabing nagkita ulit kami.

Maayos ang araw ko, pagkatapos ng pang huling subject sa morning ay mabilis akong lumabas ng classroom. Trying to have a glimpse of him this morning. Hindi ko alam, I miss him. . . kahit na dahan dahan ko siyang kinakalimutan, a piece of me wanted to know him more. To stare at him more.

 Out Of Reach [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon