Chapter 26. Healing, and?
Halos maiyak-iyak ako nang makababa sa bus na sinasakyan. Parang nahahati ang likuran ko dahil sa pagod na naranasan. I was yawning the whole time. Minessage ko naman agad si Mama nang makarating ako sa terminal. Susunduin lang daw ako nina Tito at Tita. Hindi makakasama si Mama dahil magbabantay kay Lolo.
Naupo muna ako habang naghihintay sa kanila. Hawak hawak ko ang likuran. Napangiti naman agad ako ng umihip ang hangin, it blew off my hair that's starting to grow. I took my time memorizing the place, ang tagal ko na pala talagang hindi nakadalaw dito.
Mga sampung minuto ang lumipas bago dumating sina Tita Elia at Tito John. Medyo nadagdagan ang timbang ni Tita Elia dahil ito ay may dinadalang sanggol sa sinapupunan, habang matikas pa rin ang asawa nitong si Tito John. Nagmano ako sa kanila bago kami tumungo sa sasakyan nila para maihatid na ako sa bahay nina Lolo.
"Ah, eto pala si Aamon, Peter." Nang buksan nina Tito ang backseat, may nakaupong lalaki doon. May nakasalpak na headphones sa tenga nito. Matangos ang ilong ng lalaki at mapupungay ang mga mata. Nakatingin din ito sa akin.
"Anak siya ng amo ko, sumama sa amin para malibang naman." Tumango ako at nginitian ang lalaki. Tumango lamang ito at natawa naman si Tita Elia. Hindi raw kasi ito palasalita kaya huwag ko nalang pilitin. Nang makasakay ay nagpasalamat agad ako sa Panginoon para sa ligtas na byahe at para sa malambot na upuan ng kotse.
Ang sakit ng likuran ko. Ganito pala kapag 47 hours ang byahe. "You're Tita Pat’s son?" Napalingon ako sa lalaking katabi ko, bakas sa mukha nito ang kuryosidad. Tumango ako bilang sagot. Wala talaga ako sa mood para makipag-usap, atsaka hindi naman ito madaldal kaya mabuti na.
"You look a lot like her," Fascination was visible in his eyes. Para itong nahuhumaling sa isang napakaguwapong painting—ako 'yon syempre. Makapal mukha ko e. "Thank you." I mouthed. Napansin niya atang pagod ako kaya hindi na ito nagsalita pa. I immediately utilized my time and closed my eyes to take a nap.
Nagising lang ako sa mahinang pagyugyog. Napaatras naman agad ako nang makitang napakalapit ng mukha ni Aamon. "O-Oh, s-sorry." Bigla itong nautal at mabilis na lumabas ng sasakyan.
Natawa naman ako sa reaksyon nito at sumunod sa kanya. Nag-iba ang mukha ng bahay, medyo kumupas ang kulay asul nitong ding ding at mukhang wala nang kabuhay buhay ang labas. Nalalanta na kasi ang mga bulaklak. Para naman akong nawalan ng lakas dahil doon.
Wala na pala si Lola.
As I walk towards the door, memories began flashing before me. The way she carries me, the way she teaches me how to plant a flower, how to make it grow. . . flowers remind me of her. Lalo na ang paborito nitong gumamela. "Naa naman diay ka, dong!" I couldn't take it in, napatawa agad ako ng marinig ang sinabi ni Tita Mela. Ang nakababatang kapatid ni Mama.
Sabi nito'y nakarating na raw pala ako. Patuloy lang ito sa pagsasalita pero tango at iling lang ang kadalasan kong sagot. Hindi ko na maintindihan ang ibang sinasabi nito, matagal na kasi akong hindi nakadalaw ng Davao. Nang makapasok ay binati agad ako ni Mama na nakaupo at pinapahiran ng bimpo si Lolo.
I smiled at her when she saw me. Pinalitan naman agad ni Tita Mela si Mama sa ginagawa. Lola's casket were in front, lumapit ako ron at sumunod naman si Mama. Tears immediately welled into my eyes as I saw Lola sleeping peacefully in her casket. "I just hope we can turn back time." Sabi ni Mama habang hinahaplos ang salamin ng kabaong.
"Hindi ko na rin alam saan tayo nagsimulang mawala sa landas, 'ma e." I said sobbing. Kung hindi lang sana kami bumukod, baka mas maayos pa ang buhay namin ngayon at naalagaan namin si Lola.
Mama and I talked about things while in front of Lola's casket. Nang matanggap ko nang wala na talaga ang pangalawang magulang ko, nakahinga na ako ng maluwag. Sa kabutihang mayroon si Lola, I knew she’d get there. Sana ay mahimbing na siyang natutulog ngayon.
BINABASA MO ANG
Out Of Reach [Completed]
RomanceTHIS IS A BL STORY! Has anyone fell for someone who were too far above? In terms of status, intelligence, and way of thinking? Because that's what happened to Peter. Peter thinks of Rage as someone who is a distant star. A place he could never trav...