Chapter 25. Live and Forget
I spent one day in kuya astro's house. They were great and so kind. Parang ginawa nila akong anak doon. Ayaw pa nga nila akong pauwiin pero kailangan. Nakakahiya rin naman. Napagpasyahan kong umuwi sa bahay kasi sa tingin ko naman wala na si Papa at ang kabit niya doon sa bahay. It's still a mystery to me, why did he acted like he's about to change noong nakaraan? Na parang tatayo ulit siyang ama para sa'kin?
Napabuntong hininga ako at pumasok na ng bahay. An old familliar feeling enveloped my heart, it aches in pain. Para kong nakikita si Mama na nagwawalis habang si Papa ay nagbabasa ng dyaryo. Pero wala, ang katotohanan ay tahimik ang bahay.
Wala na rin ang jacket ni Papa na nakasabit sa likuran ng pintuan. His shoes were no where to be found. Sumama na si Papa sa babae niya. I heaved a sigh, wala na akong luha pang mailalabas. I cried everything yesterday.
Sa huling pagkakataon, nagbuga ako ng hangin. Ang hangin na para bang nagdadala sa pagod at sakit na nararamdaman ko. Masyado pa akong bata para sa isiping mga gano'n. Atsaka marami pa namang pagkakataon. Siguro hindi talaga kami para sa isa't isa.
He is really a distant star that once became near.
A small smile escaped my lips, hanggang sa naging malaki ito at naging ngisi. Hindi ko alam kung nababaliw ba ako o masaya lang talaga. I'm happy because I can finally face reality without crying. Masaya akong kahit na gano'n ang kinalabasan, naranasan ko iyon.
Love really doesn't start with someone, it starts with yourself. Kaya no'ng panahon na iyon, umakyat ako sa kuwarto. Nilisan ko lahat ng nagkalat sa study table, pinalitan ko ng bed sheet ang kama, ang mga unan, nag walis, inayos ang pagkaka-puwesto ng mga gamit. . . hindi ko namalayang nakangiti pala ako habang ginagawa ang lahat.
There's happiness in small things.
Iyon ang hindi ko napansin. Masyado akong nagmadali sa pag-ibig. I'm too young, masyado pa kaming immature. Dapat pala sinulit ko ang mga panahong iyon, hindi dapat ako nagmadali. I shouldn't force things that are not meant for me. Matapos kong maglinis, naligo na ako. Kinuskos lahat ng dapat kuskusin, nagsuklay, binasa ang sarili sa mainit na tubig.
It felt nice. Matapos kong maligo ay kinuha ko ang cellphone at nireplyan si Mama. I told her what I've seen yesterday. Alam kong masakit iyon para kay Mama pero bilang isang anak, wala akong karapatan na itago ito sa kanya. Kung may dapat mang makaalam non, siya iyon.
Napaupo ako sa sofa at napatawa nang makita ang librong naiwan sa ilalim ng mesa. Harry Potter. The book that he bought for me. Masaya talaga ako ngayon, walang lungkot o galit sa puso, nagpapasalamat pa rin ako sa kanya. Ayaw ko kasing magpasko na malungkot at may dinadala sa loob. Atsaka baka umalis na ako bukas para pumunta sa Davao, ang tagal ko na ring hindi nakauwi ron.
I don't know but I decided to grab my wallet and went outside the house. Naglakad-lakad ako, hindi pinapansin ang mga sasakyang dumadaan. Napapagod man, hindi ako huminto. Hanggang sa may marinig akong pamilyar na tunog. Tunog ng isang kampana. Alas tres na pala ng hapon.
I smiled. Napatingin din ako sa asul na asul na langit. "Salamat po, kailangan na kailangan ko talaga." I mouthed and went inside the church. Binati agad ako ng mga taong nasa loob, they were all smiles. Ramdam na ramdam ko ang sinseridad nila nang makitang may bagong mukha ang pumasok sa simbahan.
Hindi ko mawari bakit ngayon lang ako lumapit sa Kanya? Bakit hindi ko man lang ikinonsidera na humingi ng tulong sa Kanya? Napayuko ako habang nakaupo. I closed my eyes, I took my time apologizing for the times that I didn't ask for his guidance. Humingi rin ako ng tawad tungkol sa hindi paglapit kung saan kailangan na kailangan ko.
I prayed, I let my heart out. Hanggang sa hindi ko namalayang naluha na pala ako. Mainit sa pakiramdam, sa tingin ko'y nakikinig talaga Siya - hindi, nakikinig talaga siya. He's listening to me, he's listening that I am asking for his guidance and enlightenment.
Marami akong dapat ipagpatawad, pero mas marami ang dapat kong ipagpasalamat. Nagpapasalamat akong kahit na masama ang nangyayari sa buhay ko, gumigising pa rin ako sa araw na nakangiti. Na tinatanaw ang kinabukasan.
Pinagpapasalamat kong kahit na hindi ako naging mabuting anak sa Panginoon, nararamdaman ko pa ring nandiyan Siya at hinahawakan ang kamay ko, ginagabayan ako sa mga daang tinatahak.
Nang matapos akong magdasal, gumaan bigla ang loob ko. I felt like praying reduced the weight that I've been carrying. Nagpasalamat din ako sa mga taong nandoon, sa pagpapatuloy, sa pagpapatunog ng kampana. . . nagising akong wala akong ibang kailangan gawin, I just need to kneel and pray.
Lumabas ako ng simbahan na may ngiti sa labi, I was walking while singing random songs. Tinitigan ko lahat ng mga bahay na nadadaanan, ang mga punong sumasayaw sa ihip ng hangin, ang mga asong naghahabulan at naglalaro, kay gandang tignan.
Mas marami pa talaga akong hindi alam. At sa edad kong 'to, mas maiging alamin ko muna ang nasa mundo kaysa magluklok sa isang sulok at umiyak nang umiyak dahil mas pinili ng lalaking iniibig ang isang babae. I need to explore and continue discovering things on my own.
Nakauwi ako sa bahay ng alas singko na ng hapon. Gumayak agad ako at nag-saing, nagluto na rin ako ng hotdog at itlog. Wala ng stock sa ref pero ayos lang naman kasi uuwi naman ako sa Davao bukas. Atsaka hindi na rin ako sasali sa christmas fellowship namin, mas maiging umuwi na ako para maabutan ko pa si Lola.
Hindi nagtagal ay kumain na ako, nag-half bath at tuluyan na ngang natulog.
Nagising ako mga bandang alas sais na ng umaga. Tahimik ang paligid at tanging tunog lang ng mga manok ng kapitbahay at mga huni ng ibon ang maririnig. I stood up and plastered a smile on my face. Another day, another slay! Ay hindi pala, babyahe ako ng mga ewan ko rin. Siguro ilang oras din 'yun.
Bata pa ako no'ng pumunta kami rito sa Manila, hindi ko na alam ilang oras kaming bumiyahe no'n. Nag-impake na ako ng mga gamit, inilagay ang mga kailangan at ipinasok sa bulsa ng malaking mountain bag ang note na iniwan niya.
Wala namang mali roon, o ako lang ang nagsasabing wala? Hindi naman kasi madali ang kalimutan nalang ang lalaki, kahit na gano'n ang ginawa niya sa akin. This is also an evidence of how he does things for me; and going to end up with someone.
Hindi ko alam kung matagal naba silang magkakilala ng babae o iyong umaga na 'yon lang. That remains a mystery waiting to be unfold. Pero. . . hindi na nga siguro dapat pa akong umasa. Sapat na ang narinig ko sa kanya at ang ipinaramdam niya sa akin. Baka nasa Davao talaga ang para sa akin.
Matapos kong mag-impake ay lumabas na ako ng kuwarto, I took my time memorizing every bit of details in our house. Napabuntong hininga ako at naglakad na pababa ng hagdan hanggang sa makalabas sa gate. Tumawid ako sa daan at tinungo muna ang bahay nina Kuya Astro at Kuya Alejandro.
"Pupunta muna po akong davao," Sabi ko sa kanilang dalawa. Nasa may pintuan sila, nagsisiksikan. "May pera kabang dala? Kailangan mo?" Sunod sunod na tanong ni Kuya Astro na siyang ikinailing ko naman at ikinatawa. "Meron po, kuya. Mag-ingat po kayong dalawa." Sambit ko at nagpaalam na.
"Take care our son, message us when you get to davao safely." Namula naman ako sa sinabi ni Kuya Alejandro na siyang ikinatawa ni Kuya Astro. Both of them bid their farewell until I rode the jeepney that stopped right in front of me. Sumakay na ako at kumaway sa kanila.
A new journey awaits me there. I heaved a sigh, mahaba-habang byahe ang gagawin ko. I'll take bus and sit there for hours. Iyon kasi ang cheapest way, atsaka hindi ako nakapag-book ng flight at hindi rin ako marunong. It'll take me 47 hours wala pa ang minutes na gugugulin ko sa pagsakay ng tricycle doon.
It'll be exhausting yet I'm excited. Makikita ko na ulit ang ganda ng Davao. I missed there so much. Sana ay maiwan lahat ng hinanakit ko rito sa Manila, sana ay lubayan na ako ng nararamdaman ko para sa kanya. It's for my own good.
Kakalimutan ko na siya.
• • •
Author's Note:
Hello everyone! Marami pa pong mangyayari so stay tuned.
BINABASA MO ANG
Out Of Reach [Completed]
RomanceTHIS IS A BL STORY! Has anyone fell for someone who were too far above? In terms of status, intelligence, and way of thinking? Because that's what happened to Peter. Peter thinks of Rage as someone who is a distant star. A place he could never trav...