32. For the good

287 16 0
                                    

Chapter 32. For the good

Days felt like years to me after what happened, both of us forget everything like our memories didn't even existed. We parted ways yet I feel happy, siguro dahil alam kong hindi talaga kami para sa isa't isa o baka may mas magandang plano ang Panginoon para sa amin.

Final exams are coming, at pugpugan ang pag study ko para makakuha ng mataas na rank sa overall ranking ng curriculum namin. At gusto ko ring makuha ang top spot para maibaba si Rage. Friendly competition? Maybe.

Para malaman niyang kahit na wala nang kahit na anong namamagitan sa amin; nandito pa rin ako. "Kain ka muna, anak." Napatingin ako sa bukana ng pintuan at nakita si Mama na may dalang sandwich at gatas. Napangiti naman ako at tumayo para tanggapin ang dala ni Mama.

"Hindi kana sana nag-abala pa, 'Ma." Sabi ko at inilapag iyon sa study table ko. Napangiti lang si Mama at hinaplos ang buhok ko. "Huwag mong pwersahin ang sarili mo anak, ha?" Tumango ako kay Mama at nagpasalamat. She eventually left my room after that.

Honestly, I wasn't good at academics. It's just, siguro late bloomer 'yung utak ko. I even got 75's before! Pero ngayon, simula noong grade ten, nagpatuloy na. Siguro kasi nalaman kong top student si Rage tapos first spot pa palaging kuha. I took him as an inspiration, atsaka nakaya ko naman palang makipag-pantayan. Tamad lang talaga.

I spent three hours studying with a 20-minute break. Matapos kong mastudyhan lahat ay napagpasyahan ko nang bumaba para pumunta sa coffee shop kung saan ako nagkape noon kasama siya. Everything reminds me of him, hindi naman iyon masama, may mga pagkakataon lang talagang nami-miss ko siya.

Siguro matagal pa bago kami magkausap muli, o baka hindi na talaga 'yon darating. I am entrusting everything to the Father, on what's his plan about me — about us.

At hanggang sa lumipas ang mga araw, palagi ko lang siyang nakikita sa hallway o kaya sa cafeteria. Hindi ko naman mapigilang mapatingin sa kanya sa mga pagkikita namin, minsan ay nahuhuli niya akong nakatitig sa kanya, at nginingitian niya naman ako kapag gano'n.

At habang nakatingin sa kanya, napagtanto kong hindi pala talaga siya palangiti. Pero kapag kasama ko ito, he often smiles. Naging masaya nga ba talaga ang lalaki noong magkasama pa kami? Napabuntong hininga ako. Ano kaya ang pakiramdam na magkasintahan na kami ngayon?

No, no. Hindi ko na dapat iyon iniisip, our conversation is enough to remind me that our time hasn't come. "Mukhang napapansin kong hindi masaya si Rage, 'no?" Napatingin ako sa kumakaing si Sam. Like me, she's been observing Rage for quite a while. Hindi ko alam kung totoo bang si Rage ang inoobserbahan nito at hindi ang kaibigan ni Rage.

"Ay guys, may pupuntahan lang pala ako!" Napatayo bigla si Ella at inayos ang kanyang pinagkainan. Pagkatapos ay dali dali itong umalis ng cafeteria. "Kikitain niya na naman siguro ang ka talking stage niya sa stem!" Natatawang ani ni Echo kaya napatawa na rin kaming dalawa ni Sam.

Because of what happened to me and Rage, I already lose touch of my friends and what's going on with their lives. Siguro kailangan ko munang mag catch up, samantalang hinihintay ang tadhanang ipaglapit kami. Ay, nandiyan na naman! Masyadong bida bida ang lalaki at pabalik-balik sa utak ko!

Habang kumakain, I just recalled what I have been doing for the past months. Naalala ko bigla na no'ng hinatid ako ni Casper sa clinic, I thought he liked me! Masyado talaga akong delulu at assuming, nakakasama pala ito sa loob. "Hi Peter," Napalingon ako nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.

Zach's face lit up after our eyes met, ngumiti ako sa kanya at pinaupo siya sa harapan ko. Sa upuan na iniwan ni Ella. "How's life?" Tanong nito at inilapag ang tray, kakatapos lang namin habang siya ay kakasimula pa lang.

 Out Of Reach [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon