Chapter 35. Kathang Isip
Malamlam ang mga mata niyang nakatingin sa akin, napakalapit na ng mukha ng lalaki that I could already smell his minty breath. Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito, matagal kong hinintay na magawa namin ang dapat na nagawa na namin noon.
It was quick yet passionate. His lips brush mine as he pull away after it, "P-please, marry me. . " Napakurap-kurap ako, at nang maibuka ang mga mata ay nakaluhod na ang lalaki sa harapan ko. He was holding a ring with a green diamond.
I could not move as tear starts to well into my eyes, my heart was so happy that I could not breathe. Sasagot na sana ako ng "Yes" ng biglang may yumugyog sa akin at nagpagising. Galit kong tinulak ang mga kamay na yumuyugyog sa akin at tumalikod upang matulog ng muli. Sagabal! Magpapakasal na kami ni Rage eh!
"Gising, may bisita ka!" Napataas ang kilay ko at dahan dahang iminulat ang mga mata. Kitang kita ko ang nakangising mukha ni Aamon. Nainis naman agad ako kaya inikutan ko nalang siya ng mata at hindi na pinansin. I closed my eyes and recalled where I left my dream. Hindi naman ito bumalik pa dahil sa mas lalong lumakas ang yugyog ni Aamon.
Napabalikwas na ako at galit siyang tinignan.
Alas kuwarto palang ng umaga! For fuck's sake! Tulog na tulog pa ang mga tao sa baba tapos siya ay nanga-asar na! "Kung wala kang matinong gagawin sa buhay, lumayas ka rito, Aamon!" Sigaw ko sa kanya at akmang tatapunan siya ng unan ng may marinig na kaguluhan sa ibaba.
Napabaling naman ang tingin ko nang umihip ang hangin, napayakap agad ako sa sarili at napatingin sa bintanang bukas na bukas. I immediately threw a darting gaze at Aamon. Papatayin niya ba ako sa lamig? Hindi ko na nga tinu-turn on 'yung aircon para hindi na malamigan, binubuksan niya pa ang bintana!
I'm not really fond of doing this but I lost every patience there is in my body. I used my hand and gave him my middle. Natawa naman ito, hanggang sa naging halakhak. Parang tuwang tuwa siyang naiinis ako sa alas kuwatro ng umaga ha? Mamaya, sasabihan ko si Tito John na lagyan ng lock ang kuwarto ko para hindi na makapasok si Aamon agad.
Kailangan ko ng privacy! Lalo na kapag 'yung panaginip mo kasama ang gustong gusto mong tao ay natitigil dahil lang sa trip ng lalaking 'to! Galit akong nagpabuga ng hangin at tumayo. Natahimik naman na si Aamon at biglang sumigaw. "Ayaaaan!" He shouted na siyang ikinagalit ko naman.
"Ano bang problema mo?!" Nakakainis! Ang aga aga sumisigaw siya! Tapos tumatawa kapag nakikitang inis na inis ako. Wala na akong pakealam kung magising man lahat ng kasama namin dito sa baranggay. Basta ba't masigawan ko lang ang lalaking 'to, ayos na!
Nang hindi siya sumagot ay dumiretso na ako sa bintana at akmang isasarado na ito nang may makitang kung ano sa ibaba. Parang tumigil ang mundo ko, parang kinakapos na rin ako sa paghinga. Nilingon ko pa si Aamon pero wala na ito sa inuupuan niya. He ran outside my room after disturbing my dream.
And I thank him for that.
This seems like a reality to me, nasa ibaba siya.
Oo. Nasa ibaba siya. Hindi ito panaginip, sigurado akong siya ang nasa ibaba. Ang lalaking hinahanap ko. Ang lalaking nagpapatibok ng puso ko. Ang lalaking gumagambala sa mga tulog kong halimaw. My distant star has come to my reach again.
I look extremely ugly as my hair is untidy but I couldn't care less, he was there. Nandoon siya. Nakahawak ng gitara. I could not keep my smile! Lumabas ito sa bibig ko. And my heart is filled with warmth and love. Hindi ko namalayang dahan dahan na palang tumulo ang mga luhang nasa mata ko.
One year. Isang taon ko siyang nakita pero parang isang dekada na iyon para sa akin. This view is my best view. Nasa itaas ako nakatingin sa bintana habang ang lalaking matagal ko nang hinihintay ay nasa ibaba; nakahawak ng gitara.
BINABASA MO ANG
Out Of Reach [Completed]
RomanceTHIS IS A BL STORY! Has anyone fell for someone who were too far above? In terms of status, intelligence, and way of thinking? Because that's what happened to Peter. Peter thinks of Rage as someone who is a distant star. A place he could never trav...