13. Temper

421 20 11
                                    

Chapter 13. Temper

When Red opened the door, a picturesque view welcomed us. Palm trees were present, mga tatlo o apat ata iyon. May mga tables na nakalagay randomly. At ang main highlight ng bakuran nila ay ang malaking swimming pool.

Isa nga talagang party.

Sa gitna ng pool ay kapansin-pansin na mayroong elevated na platform, malaki-laki at kasya siguro ang apat na tao kapag tumayo. Atsaka lahat ng tao napatingin sa amin nang magbukas ang pinto! Everyone looked expensive despite of them being wet or tipsy.

Alas onse palang ng umaga, ganito na ang set-up. I'm sure they really prepared this one a long time ago. "Labas kana," Sabi sa akin ni Red at itinulak ako para makalabas na.

And who wouldn't notice the color of what they're wearing? Lahat ata sila ay naka sky blue at ito ako, naka kulay puting polo. Everyone is for sure wondering why someone entered this place without wearing the theme color. Pati si Rage at Red ganoon din ang suot. I should've noticed!

"I said loosen up, wala namang kakagat sa’yo diyan." A familiar voice entered my ears, napalingon naman agad ako sa likuran at nakita si Rage. Wala na ang nakangiting si Red. "S-Sorry, kinakabahan lang." Iginiya niya ako sa isang table at doon ako ipinaupo.

"I'll call my sister to accompany you for a while, I'm still helping Mom." Tumango lang ako bilang sagot. I can manage myself without anyone but I'd like to meet his sister. Umalis na agad si Rage at tinawag ang isang batang babae na nasa sampu ata ang bilang. Just a guess.

Kinausap ito ni Rage at pagkatapos ay ginulo ang kulot na buhok. Umirap lang ang bata at tumatawang tumakbo papalapit sa akin. Nakasuot ito ng flowy dress na kulay sky blue.

"Hello kuya!" Bati niya sa akin nang makalapit. Malaki ang ngiti at hindi ko mapigilang matuwa sa ngipin niyang nawawala ang isa sa gitna. "Kuya Trius asked me if I could accompany you, and I answered 'Of course'!" Kinuha niya ang isang upuan at naupo sa harapan ko.

Inilagay niya naman ang mga kamay sa lamesa at ipinatong ang mukha niya sa mga maliliit na kamay. "Ang ganda naman ng skin mo kuya," I immediately felt the blood rushing through my  cheeks. Kapag kasi bata raw ang pumuri, totoo raw iyon.

"Thank you!" Sabi ko at mahinang kinurot ang pisngi nito. "How old are you, kuya?" Tanong niya pa habang pinaglalaruan ang mga kamay ko. Her eyes are the same with her older brothers. Maganda ang bata at may morenang balat.

"I'm 16, ikaw ba? atsaka anong pangalan mo?" Sunod sunod kong tanong. She was about to answer my question when she was called my another kid. Hindi niya naman iyon pinansin at inirapan pa. "I am 9 years old po, I am Temper." Naningkit naman ang mga mata ko doon. Temper? May napapansin na ako sa mga pangalan nila.

"Your names. . ." I paused, is it appropriate if itanong ko? Hindi naman siguro iyon confidential ano? "Hatred, Rage and Temper iyan po ang mga pangalan naming magkakapatid. If you want to ask about our names, I don't know about it po." She chuckled cutely after that. Hatred pala ang pangalan nun, may pa red red pa siya!

"Bakit ka umiirap?" Tanong ko no'ng inirapan niya naman ang batang babae na kanina pa tawag nang tawag. "I hate being called for no exact reason!" Sabi niya. Natawa naman ako don. She’s so me.

"Baka she wanted to play lang," I used my soft voice when I said that. Umiling-iling naman siya. "Kuya Rage told me to keep an eye on you, I wouldn't leave you here!" Tumango-tango ako, I get it. Napapansin ko ring wala na ang ilang na nararamdaman ko dahil sa batang 'to.

She stood up and dragged me by the wrist and asked me to stand up. "Let's take a picture, Kuya!" She exclaimed. Wala naman na akong magawa pa at sumunod sa kung saan niya ako dadalhin. Iniwan ko rin ang dalang bag sa table. Habang naglalakad ay napapatingin tuloy sa akin ang mga taong bisita ng Mom niya.

 Out Of Reach [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon