38. Yes?

287 10 0
                                    

Chapter 38. Yes?

"Labas ka nga muna!" I demanded, nasa gilid kasi ito ng kama ko, nakaupo habang diretsong nakatingin sa akin na may ngisi sa labi. Magbibihis na kasi ako kasi sabi niya'y aalis daw kami. "No, let me see you change," Napataas ang kilay ko, ano na namang iniisip nito?

"Bastos ka talaga," Usal ko na ikinatawa niya naman. Maya maya ay tumayo na rin ito, ngunit bago lumabas pintuan ang lalaki, hinalikan pa ako nito sa ulo. This guy is the clingiest, parang oras oras ay nakakatanggap ako ng halik dito.

Hindi nagtagal ay nagbihis na rin agad ako, I just wore a green polo and a shorts, pinaresan ko rin ito ng white rubber shoes. Sinuklay ko rin ang buhok kong tumatakip sa mga kilay. I look cute, I guess? Sa tagal kong kinakahiya ang sarili ko, sa wakas nasabi ko na rin iyon.

Dahil na rin kay Rage. He loves to give compliments about how I look despite of being messy most of the time. Hindi niya hinahayaang kainin ako ng insecurities ko kapag may dumadaang may magandang mukha.

Nang makitang maayos naman na ang mukha ko, napagpasyahan ko nang lumabas ng kuwarto. Mabilis pa sa alas kuwatro na nagbukas din ang pintuan ng kabila. "You look extremely handsome, my baby. . ." Usal nito habang papalapit sa akin, nang makalapit ay hinalikan agad ako nito sa noo at tenga.

Napatawa naman ako doon at hinila nalang siya para makababa na kami. Hawak hawak ko ang braso niyang akala mo'y bato dahil sa tigas. Sa pagg-gym niya lang ata ako hindi nakakasabay, aba hindi ko gustong magkaganito ang braso ko ano?! Ano nalang kayang magiging mukha ko kapag ganito ang braso?

Both of us differ from each other. From the body built, from the face, from the height, everything. Mabuti na nga lang at masyadong maintindihin ang lalaki. Sa pagsasama namin sa iisang bubong, may mga oras ding naga-away kami. Not the serious type though. 'Yung mga minor lang, mostly kasalanan ko.

But siya 'yung nauunang lumalapit, nagpapatawad, naglalambing.

What did I do to have a man like him?

Lumabas na kami ng bahay at masayang naglakad para tumawid sa daan. "I miss my goddamn motor," Usal nito habang nakataas ang kamay at pinapayungan ako sa init. Wala kaming dalang umbrella kaya kamay niya ginamit. Saktong sakto naman ito sa ulo ko.

"'Di ba sa tito mo naman 'yon?" Komento ko.

"He gave the motor to me, sadly, kinuha iyon ng stepdad ko. You know how he hates me." Nagtagisan naman agad ang bagang nito nang sabihin ang stepdad. I forgot that he existed. Pinahirapan niya ang buhay ng baby ko. Kapag nakalugar lugar ako baka masapak ko 'yon.

Nang makatawid kami, nag-abang lang kami ng jeep. Hindi ko alam saan kami papunta. "Ah, shit." Napataas ang kilay ko at napa-angat ang tingin sa lalaki. "Hmm?" Nang hindi nagsalita ang lalaki, inilapit ko nalang ang mukha ko sa kanyang braso at idinikit ang mukha na para bang inaamoy siya. Which is inaamoy talaga.

Napakabango ng lalaki, amoy russian.

Ang bango ng russian ko.

Ay. I forgot na manliligaw ko pa pala ang lalaki. I've been thinking about that thing for the previous days, but i'm just looking for the perfect time. But I knew, I deeply knew that even if days and months gone by. . . sa akin pa rin ito uuwi.

Both of us waited until a red jeep stopped in front of us. Pinauna niya akong pinaakyat habang sinusuportahan ang likuran ko. Napapatingin tuloy ang mga taong nakasakay na para bang bago iyon sa paningin nila.

May mga babae ring titig na titig sa kasama ko.

Of course, who wouldn't? With his face, and with his built, no one could ever ignore him. Nakasuot lamang ito ng black compression shirt at pinaresan ng cargo pants. He resembles Toji na galing sa anime na jujutsu kaisen. Napanood ko ang anime na 'yon dahil sa kakulitan ni Sam.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko nang makaupo na kami sa jeep. Para namang tanga ang mga babae at nakikinig sa simpleng usapan namin. "Hmm? We're going on a date, simple as that." Pinalakas niya pa iyon kaya nang tinignan ko ang mga babaeng kaharap namin, biglang nasira ang mga mukha nito.

"BL shit, tangina! Pwede magpapicture?" Sabay kaming napanganga ni Rage nang magsalita ang lalaking nasa harapan namin. Napatawa nalang kami at kahit na medyo masikip, nakipag-picture kami na para bang isa kaming sikat na BL couple. Nakakatuwa nga.

Nang makarating kami sa mall, bumaba na rin kaming dalawa. "Sorry for making you ride a jeepney, I'll work as hard as I can to buy a car for you next time." Mahabang litanya nito habang papasok kami sa engrandeng entrance ng mall. Napailing-iling naman ako dahil doon. "No need, as long as you're with me, walang problema." I assured him.

Kahit pa kabayo ang sakyan namin, ayos lang! His words, efforts, and presence alone, solve na solve na ako. Hindi ko na kailangan pa ng kung ano anong bagay, as long as his eyes are set on me, nothing matters. Pumasok kami sa mall at naglakad-lakad, nakakapit ako sa braso nito.

I'm not really fond of physical touch but with him, everything feels comfortable.

"You want to watch a movie?" Napatingin ako sa kanya at napakurap-kurap. Hindi ko inaakalang ganitong date pala ang gusto niya, at gusto ko rin. Sumagot naman agad ako ng oo. "Horror would be great, don't you think? I've heard that there's a new The Nun movie," Parang nagliwanag ang mukha ko at pumayag agad, I mean, a horror?!

"I love watching horror with you, I can kiss your forehead nonstop, ey." Napaikot ang mata ko at dali daling hinila siya papunta ng cinema. He was just chuckling the whole time. Nang makarating kami sa cinema, bumili agad kami ng ticket at pumasok nang sinabi ng babae na magsisimula na raw.

Pinanood lang namin ang palabas hanggang sa matapos ito. Pugpog sa halik ang ulo ko, yapos yapos din ako ni Rage sa braso niya. It was a horror movie, but it felt solemn. Filled with love. "Hmm, saan tayo?" He asked me while we were walking out of the cinema.

"Wait, let's sit here. Masyado kanang pinawis," Hinila niya ako sa isang bench at pinaupo ron. Kinuha niya ang panyo sa bulsa niya at ipinangtuyo ito sa mga pawis na nasa mukha ko, I don't know, the mall is air conditioned but I felt hot! Siya kasi kasama ko eh.

Nagpatuloy lamang ang lalaki sa pagpunas sa mukha ko nang biglang may kumuha ng panyo sa kamay nito. Mabilis namang napatingin si Rage sa direksyon ng kumuha. Maangas din itong tumayo na akala mo'y handang handang makipag bugbugan. "Ako na ang gagawa," A smirk was seen from Zacharias' face.

Iyong maitim na awra ni Rage ay biglang nawala. Napabuga ito ng hangin. "Go on," Napakunot ang noo kong napatingin kay Rage nang sabihin niya iyon kay Zach. Hindi naman nagsayang ng oras si Zach at ipinagpatuloy ang ginagawa ni Rage kanina.

"I knew how you wanted my baby long time ago, take your time. . ." Sabi ni Rage at umupo sa gilid ko at pinaglaruan ang kamay ko. "Hindi ka magagalit?" Tanong ni Zach na nagtataka na rin. "No. Why would I? Sa'kin pa rin naman 'yan uuwi kahit ikaw pa magpunas." He said it straightly which made me chuckle. Tangina, nakakakilig 'yon!

Ibinigay ni Zach ang panyo kay Rage at inilagay ang dalawang kamay sa bewang nito. Zach still has the charming aura. Light and soft. "Are you two together?" Tanong nito sa amin, nakataas ang kilay.

"Hindi niya pa ako sinasago—"

"Yes."

Sabay kaming napatingin sa isa't isa. Rage face lit up in both excitement and confusion. "Kayo na?" Tanong ulit ni Zach sinisigurado ang tamang sagot.

The time has finally come, with all of his efforts, sacrifices, and love, I don't think he still has something I needed to know. Tapos na ang getting to know each other namin, for all the years that have passed, both of us still knew each other. May mga nagbago man, pero kami pa rin 'to.

Rage and I who met in our tenth year.

Got closed and expressed our feelings in our eleventh year.

In now that we are both taking big steps towards the future, we're still here. Magkasama naming sasalungatin ang lahat ng problemang pipigil sa amin upang maabot ang mga minimithi. Ang aking bituwin, ay magiging opisyal na akin.

I am saying Yes.

He's finally my boyfriend.











 Out Of Reach [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon