Chapter 12. I see Red
Nothing significant happened to me for the past few days, pinapakinggan ko lang ang mga na record ko noong nakaraang araw. Kadalasan ay kami ang magkasama ni Rage dahil sa ginagawang research. Hanggang sa ang pinakamatagal ko nang hinihintay ay dumating na rin. Ang araw ng sabado.
Kahit na isang beses ay hindi ako naumay habang kasama si Rage. Kahit na minsan ay natatahimik lang kami, gusto ko pa rin ang presensya niya sa paligid. Rage's presence alone can calm the storms inside me.
"Ma, ano sa tingin mo?" Tanong ko habang nakatingin ng diretso sa salamin. Nasa likuran ko si Mama at siya ang pumipili sa mga susuotin ko. I've already sent Rage the exact location of our house, at sabi niya'y susunduin niya raw ako mamaya.
Inayos ni Mama ang suot kong kulay puting polo at sinuklay ang buhok ko. "Ayos na anak!" She beamed after staring at me, naiiyak siyang nakatitig sa akin. "Ang laki mo na." Mama caressed my hair and kissed my forehead. Kita ko sa mga mata ni Mama ang pangungulila.
Both of us wanted this family to be back.
Napabuntong hininga ako. "Nasaan si Papa, ma?" Tanong ko rito. I've haven't seen Papa for the last two days. . . hindi ko alam kung hindi ko lang ba siya naaabutan o hindi siya umuuwi.
Nagkibit-balikat lang si Mama. Alam ko namang alam niya nasaan si Papa, hindi niya lang sinasabi sa akin. Sakto namang tumunog ang cellphone ko kaya nabasag agad ang namumuong pagka-ilang sa paggitan naming dalawa ni Mama.
Hindi ko alam pero kinukutuban ako.
Nang makuha ko ang cellphone, message iyon ni Rage. Nasa labas na raw siya ng gate. Kinuha ko na ang laptop ko at ang bag na may lamang ballpen at papel. Hinalikan ko naman si Mama sa noo bago nagpaalam.
Bumaba ako sa hagdan habang inaalala ang mga dating hiling na ngayon ay nangyayari na. Natatakot ako, naniniwala kasi akong lahat ng kasiyahan ay mapapalitan din ng lungkot. I don't want this to end. Nang makalabas ng babay ay nakita ko naman si Mama sa veranda na nakasilip.
Naniningkit ang mata nito habang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko. Naka kulay puti itong tee-shirt, tapos jeans. May hawak siyang helmet sa kamay at ang isang helmet ay nasa upuan ng motor. Ang kanyang motor ay kumikinang dahil sa linis, isa itong BMW.
Alam ko ang motor na iyon dahil sikat 'yon dahil sa kamahalan. Maganda rin daw ito. "What are you waiting for?" Tanong niya habang nakatingin sa akin ng diretso. Of course, I don't want to leave this house without him greeting my mother.
Itinuro ko ang veranda namin at laking gulat nalang ni Rage nang makita si Mama doon. He became immediately stiff. "Magandang umaga po, Tita." After getting a grip, nabati niya rin si Mama nang diretso. May kung anong kilig naman na pumalibot sa buo kong puso.
Tumango lang si Mama at ngumiti. Pagkatapos ay sinabihan niya kami na mag-ingat. We were both minors, and I'm actually hesitant. "Marunong kaba talaga? Minor pa naman tayo at wala ka pang license." Kinakabahan kong sabi. Inismiran niya lang ako at ibinigay ang kulay berdeng helmet.
I immediately took it, my favourite color. Sinuot ko agad ito at nanuot agad sa ilong ko ang mabangong amoy ng helmet.
Sumampa ang lalaki sa kanyang motor at sumunod naman ako. Mataas ang motor kaya nag-ingat ako sa pag-sampa. Nang makasakay na ako ay napahawak agad ako sa hawakan na nasa likuran. I am completely aware that this is a chance where I can touch him this close pero still, nakakahiya! I don't have the guts to do it.
Pinaandar niya ang makina at nagsimula nang mag-drive. Mahina lang ang takbo ng motor, pero alam ko naman ang kapabilidad nito. Baka tumilapon ako kapag nagkataon. "Your mother is so beautiful," Biglang nag-init ang pisngi ko, a compliment that came from him? who wouldn't blush? Atsaka mas doble pa ang kilig dahil si Mama ang pinuri.
BINABASA MO ANG
Out Of Reach [Completed]
RomanceTHIS IS A BL STORY! Has anyone fell for someone who were too far above? In terms of status, intelligence, and way of thinking? Because that's what happened to Peter. Peter thinks of Rage as someone who is a distant star. A place he could never trav...