30. Hatred and Regrets

302 11 3
                                    

Chapter 30. Hatred and Regrets

Dalawang linggo ang lumipas. Wala kaming ni isang interaksyon ng lalaki at hindi ko na rin ito nakitang kasama pa si Jade. And to tell you, I haven't forgotten him. Palagi ko kasi itong nakikita kahit saang sulok ng school, how can I move on with that?

For the past weeks, kami ang magkasama ni Zacharias. He knew everything. At napagplanuhan naming magkaibigan lang talaga. I don't know, nandito naman na siya pero hindi ko alam bakit si Rage pa rin ang hinahanap hanap ko. This day wasn't as special as any other day, nandito lang ako sa classroom, nakahiga ang ulo sa desk habang nakatingin sa mga kaklaseng kumakain ng kani-kanilang pagkain.

Break time na. Wala akong ganang kumain kaya hinayaan ko sila Ella na magpunta sa cafeteria at huwag na akong isama. Pero akala ko nga ay magtatagal sila roon. The door bursted open and the five of them barged in. Nagulat pa nga ang ibang kaklase ko pero wala na silang sinabi, nasanay na sa amin.

Sam ran near me, hinawakan niya ang ulo ko at pinatingin sa kanya. Nagulat naman ako, her eyes were glistening with what? maybe happiness? hindi ko rin alam. "Ako na nga magsasabi, ang OA ng titigan!" Nicole really didn't packed much of patience this day so she went near my ear and whispered the words I never expected.

Natuod ako sa puwesto, nakatitig pa rin ako kay Sam. She is flashing her ever-straight teeth that made her look like a model from a toothpaste commercial. Totoo ba 'yon? Napailing-iling ako, imbes na matuwa ay napuno ng galit ang puso ko.

Tangina! Gano'n naman pala, bakit hindi niya sinabi sa akin? Nakakaintindi naman ako. I trusted him kase 'yon ang sabi niya, pero he didn't trust me like how I trusted him! Para akong sasabog. Why didn't he make use of his tongue and told me the reason when I was asking for them?!

Nanginginig ang mga kamay ko, napayuko ako. Hindi ko alam pero dismayadong dismayado ako, iyon lang naman pala. Atsaka, sa anong rason bakit niya iyon ginawa? Kung sana'y pina-intindi niya sa akin, hindi kami aabot sa ganito. Sabay sana kaming nagpasko, nag new year, sabay sana kaming nagb-break time ngayon.

I'm really disappointed. Nasasaktan ako sa ideyang hindi niya iyon sinabi kasi hindi niya ako pinagkatiwalaan. But a part of me. . . regretted it. The time I didn't let him explain. Ang tanga tanga ko. Parang binigay na 'yung pagkakataon sa akin tapos hinayaan na akong magdesisyon. I messed up, hindi ko dapat na isisi lang sa kanya ang lahat.

He had his reasons. I get it. But isn't communication the foundation of a healthy relationship? If I can even call if like that. Kasi kung sinabi pa lang niya sa akin noong araw na ginawa niya ang desisyong iyon, edi sana inintindi ko. That's what I am. Nakakaintindi ako. Hindi ko alam bakit hindi niya iyon ramdam.

"Hindi kaba natutuwa?" Napatingin ako kay Ness nang magsalita ito. Napailing-iling naman agad ako sa tanong niya. "B-bakit hindi n-niya sinabi s-sa akin?" Nauutal kong tanong. I'll thank the Lord for not crying. Ayaw ko nang magsayang pa ng luha sa lalaking iyon. He should be in my side right now, making me laugh! Pero hindi, we could've done that if he did better.

Another set of questions popped inside my mind. A question that is unanswerable, masasagutan lang iyon kapag nagkausap na kami. Napabuga ako ng hangin. Bakit niya nagawa iyon? Anong rason niya? Bakit sa dinami-rami niyan pwedeng 'di pagkatiwalaan, nasama ako roon?

Sana talaga tinanong ko.

Iwinaksi ko ang lahat nang makitang nagkukumahog na lumabas ng classroom sina Ness at Nicole. Dumating na kasi ang subject teacher namin sa Social Sciences. Nag-focus nalang ako sa pakikinig kahit na walang pumapasok sa utak ko.

Gusto ko siyang makausap. Oo. I really wanted to talk to him right now, stare at him, touch him, and feel his presence. Parang nagsidagsaan ang nararamdaman ko para sa kanya. Hatred and regret surrounds my heart, but am I suppose to throw again the opportunity to hear his side? No. Hindi ko na gagawin iyon.

Habang nagdi-discuss lumilipad lang ang isip ko, gulong gulo na ako sa mga nangyayari. Although I already accepted it, hindi ko kayang aminin. Kaya pala hindi ko man lang sila nakitaan ng kahit na ano sa isa't isa. They were acting casually, without any romantic gestures and movements.

And kung totoo man iyon, which I really believe that it is the truth, bakit hindi siya pinapansin ni Aamon? I don't know, siguro ay tatanungin ko siya mamaya pag-uwi ko at pagkatapos kong makausap si Rage.

I don't want this day to end without fully hearing his side.

Hanggang sa natapos ang last subject namin sa afternoon. I spent all of my time sa lunch contemplating about what am I suppose to do kapag nagkausap na kami. And one thing I've figured out, dapat hindi ako magalit. Of course, it is already foreseeable! Na magagalit talaga ako, na maga-outburst na naman ako sa kanya.

Pero before that, I wanted to stop myself. I just want to listen to his voice and his reasons. Gusto kong marinig iyon sa kanya. I want us back. Kahit ilang ulit kong i-deny, kahit ilang ulit kong sabihin na magmo-move on na ako, hindi ko kaya. At hindi ko rin ata kakayanin.

Rage is the first guy I've ever laid my eyes on, everyone knows that. At sa mga oras na 'to, gusto kong panindigan iyon. That I like him, and I just want us to be back. Kasi kung tutuusin, wala na akong mahanap na iba, 'yung kayang pumantay sa mga ginawa ni Rage kahit na walang kahit na anong namamagitan sa amin.

He was just so pure and sincere, no one can take that away from me. Alam ko sa sarili kong totoo ang lahat ng mga pinapakita niya. My buried hopes are now rising again like a bird freed from its cage. His reasons, whether acceptable or not, kailangan kong makinig sa kanya. Calmly.

Kasi napagtanto kong kapag nagu-usap kami, wala kaming maayos na diskusyon. Both of us are irrational when talking about important matters. And I am fully aware of us being too young, pero kailangan nga ba dapat? As long as we're not doing anything against the law or my mother never spoke a word about it, no one can say anything.

"Uh," Certain memories flooded my mind as I heard his deep voice. Para akong kinikiliti, para akong binabalik sa dati, iyong marinig ko lang ang boses niya, gusto ko na agad i-record. "K-kamusta ka?" Napalunok ako nang mautal, para akong masusuka sa halo halong nararamdaman.

Both of us sat in the bench — sa garden. This is the place where we left our words unsaid. And this is the place where I realized that almost is never enough. "I'm doing good, ikaw?" Para akong hinehele. His voice when he said ikaw, it was too soft and gentle. Ang boses na palagi niyang ginagamit sa akin kapag nag-uusap kami dati.

"Ayon, iniwan na kami ni Papa, tapos wala naman na." I released a fake chuckle hoping he'd know that I'm fine. Words are stuck in my mouth, the questions that runs through my mind all the time, seems lost in my own thoughts.

My mind freezed as I stare into the depths of his eyes. Gusto ko nalang siyang hawakan, kausapin at yakapin. Pero sa ngayon, "I've heard you finally decided to lend your ears to me?" Marahan akong napapikit, malamang si Nicole ang nagsabi.

"Those days. . ." He looked from the distance, the breeze making our hair dance feels nothing but hope. "I lied," He admitted which made my heart dance and jump. Napakurap-kurap naman ako, naghihintay sa sasabihin nito. "I was scared, I don't want to risk anything." He cleared his throat, ngayon ay nakipag-titigan na talaga ako sa lalaki, I want to know it. . . his reasons.

"Peter, I don't want to put you in danger." Ang sayang nararamdaman ko ay napalitan ng kaba, my eyebrows furrowed as I recall, ano bang kinakatakot niya? "My father. . . my real father talked to me after I told you what I felt." Nagulat ako, those days. . . the signs, ang mga palatandaan na inignora ko.

"And he's against it." Nanginig ako nang marinig iyon. Wala siyang ambag sa buhay ni Rage tapos babalik siya ngayon para ano, sabihing tutol siya sa amin ng anak niya? I remained calm as ugly thoughts bombarded my mind. "Kaya ginamit ko si Ate Des, ang pinsan ko, para mapaniwalang babae ang nagugustuhan ko." Napababa na ang tingin niya, katulad ko'y masakit na makita siyang ganito.

He also admitted that he and Desiree put up a show. "Uhm," I cleared up my throat, "Bakit hindi mo sinasabi sa akin noong una pa lang?" Kailangan kong mapalakpakan sa hindi pag-uutal utal. I said that straightly. And I wanted to ask that question for ages.

"I was terried," He trailed off. "Of you not believing me."


 Out Of Reach [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon