27. Denied Past

303 16 0
                                    

Chapter 27. Denied Past

After the burial, our family went into the ancestral house feeling sad as ever. Wala na si Lola, wala na ang katuwang ni Lolo sa buhay. Malungkot naming pinagsaluhan ang mga pagkaing nakahanda. "Kailan ang uwi mo?" Tanong sa akin ni Aamon nang maiwan kami sa kusina para ligpitin ang mga kalat.

"Next year," Sagot ko sa kanya. Napag-usapan namin ni Mama na rito na mag pasko at bagong taon. Atsaka hindi pa ako handang makita ang lalaking ipinagpalit ako sa isang maputing babae. Atsaka, gusto ko munang mag-stay dito. I find peace in here. Masyadong maingay sa Manila.

Tango lang ang sagot nito at inilagay na sa sink ang mga kubyertos na ginamit. "Gusto mo bang gumala mamaya? I'll tour you around here." Parang nagningning ang mata ko nang marinig ang mga katagang 'yon. Medyo matagal tagal na rin akong hindi nakadalaw, paniguradong maraming nagbago rito sa davao.

"Payag ako, syempre!" I beamed in excitement. Napangiti lang ang lalaki nang makita akong sayang saya. Both of us cleaned the kitchen and later on, sinabihan niya na akong maghanda. "Anong ito-tour? Ide-date mo lang 'yang pamangkin ko e!" Tumatawang ani ni Tita Elia nang malamang may lakad kaming dalawa ng lalaki.

Natawa nalang din ako at umakyat na sa hagdan para makapag-bihis. Tapos naman na akong maligo kaninang umaga. I decided to wear a sage green plain tee-shirt matched with a white shorts. Nagsuot din ako ng puting rubber shoes at sinuklay ang buhok. Magi-ikot-ikot lang naman kami, no need to dress overly. Atsaka, .y hair was growing a bit, bagsak na bagsak ang bangs ko na tumatakip sa manipis kong kilay. Kailangan ko na siguro 'tong ipa-putol.

Napabuga ako ng hangin, I looked definitely cute. Ano pa bang hinahanap ni Rage? Sus—ay hindi. Huwag ko nalang siyang isipin. Nasisira niya lang ang araw ko. Atsaka, dapat nga ay dahan dahan ko na siyang kalimutan. Wala naman akong mapapala kung ipagpatuloy ko ang nararamdaman ko sa kanya. Kailangan ko nang tanggapin.

I took a last glance at the mirror before going downstairs. "Ang guwapo ng anak ko," Malambing na sabi ni Mama nang makita ako. Nagkakape silang dalawa ni Tita Mela at Tita Elia habang busy namang naglalaro ang anak niyang si Miguel. "Manang mana sa’yo, Pat." Wika naman ni Tita Mela na nakatingin din sa akin.

Mabuti nalang at hindi ako kay Papa nagmana. I mean, he still has a place in my heart, I just don't know if he's aware of that. Hindi rin nagtagal at bumaba na rin sa hagdan si Aamon. Sa ibang kuwarto ito nagbihis, ayaw ko namang makita ang kung anong tinatago nito ano!

He wore a casual white polo and a beige khaki shorts. Naka white rubber shoes din ito at may relong inaayos sa kamay. I could not deny it but the guy looks extremely handsome. "Tara na?" Nang maayos niya ang relo ay tumingin ito sa akin at ngumiti.

Parang mawawalan naman ako ng malay dahil doon.

Nagpaalam na kami kina Mama at Tita Elia at Tita Mel. "Magmo-motor tayo, ayos lang ba sa'yo?" Tanong nito nang makalabas kami sa gate ng bahay. Nakita ko naman agad ang sinasabi niyang motor. It was a white with black kawazaki motor. Nilapitan niya ang motor at kinuha ang isang helmet at ibinigay sa akin. Ang isa naman ay isinuot niya.

Sumakay na siya sa motor kaya sumunod naman agad ako sa kanya at umangkas. Humawak lang ako sa damit niya, ayaw ko namang yakapin ito. "Ayos lang naman kung kasabay nating kumain ate ko 'di ba?" Napakurap-kurap ako at napatango agad nang ma proseso ang tanong nito.

Ayos lang naman sa akin atsaka hindi naman ito date para kami lang dalawa. Atsaka I wanted to meet his sister. Hindi rin nagtagal, pinaandar niya na ang motor. Throughout the ride, nagsasalita ang lalaki. Lahat ng mga nadadaanan naming mga establisyemento ay may storya siya.

Naglibot-libot lang kami hanggang sa tumigil sa isang park at kumain ng sorbetes. Kakaiba talaga ang davao! May durian flavor sila na siyang ikinasaya ko. I've tasted durian before and at first, I hate its smell pero tumagal, parang nawawala ang baho nito dahil sa sarap. "Kung nadadala palang 'to sa Manila, baka nagdala na ako!" I said and licked the durian flavored ice cream.

 Out Of Reach [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon