Chapter 19. Netflix, and?
The class dismissed with Rage waiting on the door. Nagbabasa ito ng libro habang may earphones na nakasalpak sa tenga. Everyone was talking about me—about us! Sinasabi ko lang naman sa kanilang magkaibigan lang kami.
Iyon naman ang totoo, and I don't want this to happen quickly. I want to savour every moment of us knowing each other before we take it into another level. Isinukbit ko agad ang bag sa balikat ko at nagpaalam sa mga kaibigan na mauuna na akong umalis. Nagsitanguan naman sila.
Nang makalabas ay napatingin agad ako sa hallway, marami ang estudyante doon. Nagbubulungan at nagtatawanan. Hindi ko naman sila pinansin at tinignan ang lalaking nakatingin na rin sa akin. "Shall we?" Tanong nito na ikinatango ko naman.
Both of us walked the hallway not minding every eyes set on us. Marami ang bulungan but we chose not to entertain any of those. "Wala nga pala si Kuya Leo, I think we're going to commute." Wala naman akong problema sa pagco-commute dahil ginagawa ko naman iyon dati pa.
"Anong we're? Magkaiba ang landas na dadaanan natin, Rage." Sabi ko sa kanya. Magsasalita pa sana ako nang hinigit niya ang bag na nasa balikat ko at siya ang nagdala nun. Medyo mabigat ang bag ko, marami kasi 'yong mga notebook at libro.
Namumula tuloy ako ngayon habang papalabas kami ng gate. Hindi pa siya nanliligaw nito ha? Pero I don't know if uso paba 'yon sa kanya. I don't want to be in a relationship without getting into the 'courting stage', pangarap ko kaya 'yon!
Nang nasa daan na kami, naghintay lang kami ng jeep na dadaan. Ilang minuto ang dumaan hanggang sa may tumigil sa tapat namin, magpapaalam na sana ako pero bigla niya akong pinaakyat at sumunod naman siya. Nakakunot tuloy ang noo kong sumakay. Napapatingin din ang mga taong lulan nito.
"Magagabihan ka," Sabi ko sa kanya nang makaupo na kami. Kokonti palang ang nakasakay kaya hindi iyon masikip. "It's okay, and I don't want you to come home alone." Ayan na naman siya sa mga sinasabi niyang nagpapatalon sa mga tutubi sa tiyan ko. "Baka pagalitan ka ni Tita Suz." Usal ko rito. Hindi pa naman kami malayo, pwede pa siyang bumaba.
Hindi naman sa ayaw ko siyang sumabay sa akin, ayaw ko lang kasing maging distorbo ako sa kanya. Atsaka gastos pa iyon sa pamasahe. Dapat nang magtipid sa mga ganitong panahon 'no! Napabuga naman siya ng hangin. "Just let me do things, okay?" He said touching my face. Nanlaki naman ang mata ko sa ginawa niya. Nakatingin na tuloy sa amin lahat.
"Ang bata bata niyo pa!" Sabi ng isang Ale. Napakamot naman ako ng batok dahil sa nahihiya ako. Hindi na dapat talaga sumama si Rage. Nakakahiyang naririnig niya ang mga pasaring nitong Ale na sarado ang utak. "Ano naman po?" Of course, I had to speak up.
"Mga bakla kayo." Wika nito at inikutan kami ng mga mata. I was about to fire another word when Rage started to chuckle. It was as if he was really entertained and happy seeing the Ale saying shit about us.
"Walang galang na po, wala po kayong karapatan na magsabi ng kahit na ano sa amin. Lalo na at hindi niyo po kami kilala." Rage's voice were soft and tunog respetado talaga. "Atsaka wala naman po kaming ginagawa. Itigil na po sana ang pangingialam." He ended his statement with a period. Lahat ng lulan sa jeep ay napatingin sa kanya.
He speaks well and I just can't ignore the fact that his red lips moving quite a lot. . . it looks tasty and sweet. Gusto ko nalang tuloy siyang halikan sa tapat nitong Ale na walang magawa kundi ang mangngialam. All throughout the ride, hindi na nagsalita pa ang Ale habang kami naman ni Rage ay kaswal na nag-uusap.
"Dito lang po, kuya." Sabi ko at pinahinto ang driver ng jeep. I was about to pay my fare but Rage insisted at pera ang ginamit niya. Nag keep the change pa. Laglag tuloy ang panga nitong Ale sa harapan.
BINABASA MO ANG
Out Of Reach [Completed]
RomanceTHIS IS A BL STORY! Has anyone fell for someone who were too far above? In terms of status, intelligence, and way of thinking? Because that's what happened to Peter. Peter thinks of Rage as someone who is a distant star. A place he could never trav...