Epilogue

662 11 0
                                    


Pitong taon.

Pitong taon na kaming magkasama ni Rage.

Things felt surreal, the nights I cried because I couldn't have him, the time I waited just to wish for him on a specific time, and the times I laid my eyes on him. Totoo ngang everything is worth the wait, naghintay at patuloy na nagmamahal.

From the moment I said yes to him as my boyfriend, I knew that things would go as years. We had few misunderstandings, we fight and almost broke off but he didn't let it. . . Rage is the one who understands, the one who listens, the one who would rather fix things than to let it break.

He always make up for his mistakes. I am heard, understood and loved by him. Naniniwala ako sa kanyang hindi ito magbabago. Although he's now busy as an engineer, hindi nito nakakalimutan ang mga responsibilidad nito bilang kasintahan ko.

Natigil ang pagmumuni muni ko nang marinig na magsalita si Rage. "Ciara, is there something wrong?" Napalingon ako at napatingin sa lalaking nakaluhod kausap ang isang batang babae na maraming ribbons sa ulo. "Where mama?" Umiiyak ang bata kaya nilapitan ko na rin ito.

She's looking for her Mom.

"Your mom went somewhere, may kukunin lang. She'll be back later." Sambit ko habang hinahaplos ang naka pig tails na buhok ng anak ni Sam. Things are now different, si Sam at Ness ay parehong may mga anak na. They're so happy, lalong lalo na sa mga naging asawa nilang alagang-alaga sila.

Lumapit sa akin si Rage at tumabi sa akin, hinaplos din ang buhok ng bata. "What would it feels like having a child?" Napalingon ako kay Rage, nabalot ng lungkot ang puso ko. Of course, hindi natin maipagkakailang sa tagal ng panahon, gustong magkapamilya ng mga lalaki. At iyon na ang gusto ni Rage.

Hindi ko iyon maibigay sa kanya.

"Don't feel bad okay?" Akmang hahalikan niya ako nang itulak ko siya papalayo, nasa harapan kasi kami ng bata. Baka magsumbong pa kay Sam na naglalantakan kami sa harapan nito. "Baby, I want to raise a child. . ." Nanlaki ang mata ko. "With you." My heart is immediately filled with warmth and love.

"Raise?" Nagtaka ako sa ginamit na salita nito. Matagal na naming isinarado ang mga planong ito, tanggap kasi naming hindi talaga puwedeng magka-anak. We didn't consider having one using those scientific-methods.

Nakatutok lang ako sa mukha ni Rage habang hinihintay ang sagot nito sa akin. "Yes, we'll raise a child together." Nang sabihin niya iyon biglang namatay ang ilaw ng buong bahay. Umiyak naman agad si Ciara at nagwala sa takot kaya mabilis ko siyang niyapos.

I felt footsteps, binalot ako ng kaba kaya napatayo ako agad habang dala dala si Ciara sa bisig. Nawala si Rage sa tabi ko, kinapa kapa ko ang dating puwesto niya pero wala na ito.

"Rage?!" I shouted out of fear.

The lights flickered. Nakahinga ako nang maluwag, dahan dahan na ring tumigil sa pag-iyak si Ciara.

Until it came back.

My jaw dropped down. People gathered before me. Si Mama, si Aamon, si Temper, si Sam, Ella, Ness at Nicole, si kuya Red, Tita Suzanne kasama si Tito, kuya Astro at kuya Alejandro.

My eyes became teary as I stare at their smiling faces. Parang lahat ng mukhang iyon, may naitulong sa landas na tinahak namin ni Rage.

"It's your 7th anniversary." Sambit ni Tita Suzanne, lumapit siya sa akin, sabay sila ni Mama. "Congratulations." Nang makalapit sila sa akin, ibinulong nila iyon. The lights flickered again and went out, biglang may humila kay Ciara at alam kong si Sam iyon.

And when the lights came back again, all I could do is to cry.

The man, the farthest star, is kneeling before me. With his right hand, he is holding a diamond ring. And with his left hand, a baby.

 Out Of Reach [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon