Chapter 11. Recording
As soon as december came in, our teacher immediately announced that they'll be checking our progress in our research. Sinabihan ko naman agad si Rage doon. Imagining him being with me most of the time, para na akong mahihimatay sa kilig.
Usap-usapan din sa buong classroom ang hindi na pagdalaw ni Rage. Sinabi naman agad ni Kyrie na hindi niya sinagot ang lalaki. I knew better. Kahit kailan talaga, hindi mawawala ang ugali ng babaeng 'yan. Ang galing gumawa ng storya pero sa essay nganga!
Hindi ko nalang binigyan pa ng katiting na atensyon ang babae at nag-focus sa pakikinig sa discussion namin sa Physical Education. Tungkol ito sa first aid at kung paano i-determine ang injuries.
Napakurap-kurap ako nang mapatingin sa TV, nandoon sa tv ang dalawang lalaki na naghahalikan habang nakapikit ang isa at nakahiga. Nagsinghapan naman ang mga kaklase ko na para bang hindi iyon normal. Ang OA ng mga reaksyon.
"CPR short for cardiopulmonary resuscitation is a first aid technique that can be used if someone is not breathing properly or if their heart has stopped. CPR is a skill that everyone can learn — you don't need to be a health professional to do it." So? Huwag niyang sabihin na ipe-perform namin ang CPR dito?
Thankfully hindi. Nagpatuloy na si Sir sa pagdiscuss kung paano gawin ang CPR, ano ang mga paunang lunas sa injuries at kung ano ano pa. Nang tumunog ang bell ay halos mag palakpakan kami. 'Yung discussion ni Sir parang ni-cover lahat ng natitirang topic this semester.
Matapos lumabas ni Sir ay tumayo agad ako sa upuan. "El, mauuna na ako sa caf. Magu-usap pa kami ni Rage para sa Research." Tumango lang ang babae kaya kinuha ko na ang bag at binaybay ang daan papuntang cafeteria.
Habang naglalakad, a thought popped up inside my mind. Para akong nababaliw pero wala namang mawawala kung gagawin ko. Atsaka hindi naman confidential ang pagu-usapan namin.
I fished my phone out of my pocket and clicked the record. Oo. Nag-record ako in case na tumawa si Rage. Gagawin kong alarm!
Nang makarating ay nakita ko agad ang lalaki. I mean who wouldn't? With his height and his built, kilalang-kilala ko na ito. Atsaka napansin ko ring nakasuot siya ng varsity jacket. "Kailan kapa naging varsity?" Tanong ko sa kanya pagkalapit.
Ini-angat niya ang tingin bago sumagot. "I joined the basketball team," Sabi niya. Hindi na ako nangusisa pa dahil qualified naman talaga siya don. With our line up, I know we can continue our championship streak. Or biased lang talaga ako kasi nando'n na si Rage?
Ibinaba ni Rage ang hawak na cellphone at pinasadahan ako ng tingin. My cheeks immediately burned the moment his eyes met mine. "You look different today," Namutla naman agad ako sa sinabi niya. Hindi ako natulog kagabi dahil sa pagbabasa sa librong ibinili niya!
Gusto ko tuloy patayin ang cellphone na nagre-record ngayon. Ang pangit naman pakinggan lalo na't 'yun pa ang sinabi niya! Ang haggard ko siguro ngayon. O kaya para na akong panda sa laki ng eyebags. "You look glowing, Pete. I like to see you looking like that." My jaw dropped, anong ginawa ng puyat sa'kin?
Mabuti nalang at napigilan ko ang sarili ko baka napasigaw na ako at napatalon-talon. Tama nga ang ginawa ko, I caught that on record! "Hindi kaba sanay na i-compliment?" Napansin niya siguro ang malaking ngisi ko sa labi kaya niya naitanong.
Umiling naman ako. "Kakaiba lang kapag galing sa'yo. ." Halos himatayin naman ako nang ma-realize na kakaiba ang dating ng pagkakasabi ko no'n! "Syempre, mas guwapo ka tapos pupuriin mo ako? Aba naman pre!" Hinihiling ko na sana kainin nalang ako ng lupa. Dahil sa kabang naramdaman, natawag ko pa siya ng pre!
He chuckled and fuck. Nag-record ko 'yon.
"By the way, what's your order? Ako na ang bibili." Inayos ng lalaki ang jacket at tumayo na. "Isang lunch set lang." Sabi ko sa kanya at kinuha ang wallet sa bulsa. 60 pesos ang isang set. May kanin, ulam at softdrink ng kasama.
Nang iabot ko sa kanya ang bayad ay tinitigan niya lang ito. "I'll pay." I was about to protest but he just turned his masculine back on me and went through the counter. Kapag talaga si Rage ang kasama ko, wala na akong babayaran kahit ni piso. Napaka-galante niya.
Para tuloy kaming magkasintaha—
"I've been looking for you." The voice rang like a music on repeat inside my head. Umupo sa gilid ko si Zacharias. Pawisan ang lalaki at magulo ang buhok, but he still looks ravishing though. "Nandito lang pala kayo." He heaved a sigh and looked at me.
"Have you eaten?" Bumalik ang sigla ng lalaki pagkatapos lumipas ng isang minuto. Umiling naman ako para sagutin siya. "Hindi pa, si Rage na ang bumili." After he heard what I've said, I've saw a ray of pain rushed through his eyes.
"Kayo pala ang magkasama sa Research Collaboration, if I have met you sooner, I should have been in his place." Sinabi niya iyon na para bang inggit na inggit siya kay Rage. May kasama ring lungkot sa boses nito. "Sabihan mo kaya si Rage na mag-exchange kami ng partner?" Suhestiyon niya, bakas sa boses ang pagkainis.
I get it. I know that Zach was just eager, pero to the point that he'll come into ideas like this? Hindi na ito pupwede. Umiling naman ako bilang palatandaan na hindi ako sang-ayon. "Ayos naman na kami, Zach. Nakakapag-simula na rin." Sagot ko naman. His face immediately changed, and I couldn't figure out what is it.
"Okay." Iyon lang ang sinabi niya bago nilisan ang table namin. Sumunod naman agad si Rage habang dala dala ang tray ng pagkain namin. "I didn't want to interrupt, sorry natagalan." Hinila ni Rage ang upuan at naupo doon. Inayos niya rin ang mga pagkain at inilabas sa tray.
"Are you okay?" Tanong nito nang mapansing hindi ako umiimik. Zacharias had his bad sides too, wala nga talagang perpekto. Hindi dahil soft-spoken, gentle at caring ang lalaki ay wala na itong pangit na ugali. "A-ayos lang ako, may napag-usapan lang." Sabi ko at nagsimula nang kumain. Nagpasalamat naman ako sa kanya.
"I already sent you my parts, check my grammar. You're the HUMSS here." He kept on munching his chicken while he said that. Napataas naman ang kilay ko sa narinig. In-emphasize niya talagang humss ako. "Can we do the remaining parts in our house? Para dire-diretso na." My heart couldn't take it. Sa kwarto niya kami gagawa? Tapos—hindi hindi hindi! Walang gano'n.
I immediately burst out my bubbles. Hindi ko alam pero may kung anong bagay sa puso ko na masaya dahil sa pinapakita ni Rage. He's being talkative. "Pwede naman, kailan ba?" Tanong ko rito. Baka malayo ang bahay nila, nakuu! Ayaw ko pa namang mag-commute nang matagalan.
"This coming saturday. I'll pick you up." Napakurap-kurap naman ako. Para na talaga kaming magkasintahan sa ginagawa! Parang nangyayari na ang mga noo'y pantasya ko lang. Sa isang daan kong pagdadasal, siguro'y narinig na rin sa wakas.
Konting konti nalang, maaabot ko na siya.
Matagal pa naman ang sabado kaya marami pa akong oras para makapaghanap ng masusuot. Ayaw ko namang pumunta sa bahay nila ng naka-pajama at sando lang! He really teased me last saturday. Para raw akong galing kakatulog.
Napabalik ako sa reyalidad ng biglang makita ang cellphone ko sa lamesa. Naka-on ito. "Your phone is heating up because of the recording." Halos maestatwa ako. Tangina. Sa daming pwedeng makahuli si Rage pa talaga.
Nag-panic naman ako, hinalungkat ko talaga ang utak para maghanap ng magandang rason! "A-ano kase, nakaka-antok ang PE kaya nirecord ko nalang. . . hindi ko pala na pause." He nodded as soon as I finish speaking. Mukha namang binili niya ang rason ko.
"The song. . . kakantahin natin 'yon sa bahay, I've prepared something." Kinabahan naman ako dun, I've already memorized the song, at wala akong masabi. Ang kanta ay talaga namang sinasabi na Out Of Reach ko si Rage. Na hindi ko siya maabot. Ngayon ay sobrang lapit niya na.
Kailangan niya pang lumapit. Para makapag-cuddle na kami. I laugh at the thought, ano ba 'tong iniisip ko!
BINABASA MO ANG
Out Of Reach [Completed]
RomanceTHIS IS A BL STORY! Has anyone fell for someone who were too far above? In terms of status, intelligence, and way of thinking? Because that's what happened to Peter. Peter thinks of Rage as someone who is a distant star. A place he could never trav...