28. Words untold

293 15 0
                                    

Chapter 28. Words untold

A deep silence ensued when our orders arrived. Nagsimula lang kaming kumain na sina Aamon at Des lang ang nagsasalita. Both of them enjoyed catching up, sinasali naman ako paminsan-minsan ni Aamon pero kokonti lang talaga ang mga sagot ko rito.

Habang napapansin ko naman ang pahapyaw na tingin ni Rage sa aming dalawa. I ignored it and ended my delusions as early as possible. Ngayon ko lang ito nakita nang malapitan simula noong nag-usap kami noong defense day. His face didn't change, mukha pa rin itong mamahalin at mabango.

Napailing-iling naman ako. Hindi ko dapat siya iniisip lalo na sa ganoong paraan! I'm trying to move on pero heto na naman kami, nagkaharap sa lamesa habang kumakain! "Hindi siya palasalita 'no?" Napatingin ako kay Aamon nang bumulong ito sa akin. He was eyeing Rage who's currently looking intently at us.

"Masyado kang halata, nangba-back stab ka na nga lang." Pabalik kong bulong na ikinatawa naman ni Aamon. I didn't bother looking at Rage right now, wala naman akong pakealam sa kanya. I have moved on. Syempre that is a lie. But yeah, I'm trying. Mukhang ang bilis talaga ng mga pangyayari, I couldn't react in time.

Napatigil kami sa pagtawa nang tumikhim si Des. Pinanliliitan niya kami ng mata. "Anong meron sa inyo, ha?" She asked us, palipat-lipat ang tingin sa amin. Hindi ko naman alam anong isasagot habang si Aamon ay parang may naisip pa. It seems like he knew what I wanted. Umakbay ang lalaki at hinahawak-hawakan ang buhok kong tumatakip sa kilay ko.

"What do you think?" Mapanuyang tanong nito. Natuod ako sa puwesto. Hindi ko alam kung kay Des pa ba ito napatingin o kay Rage na. When I shifted my gaze to Rage, his face immediately changed. Nakangiti na ito ngayon. "You look perfectly matched." His voice sounds happy and sincere. And that made my heart ache in pain, konti lang syempre.

H-hindi ba siya n-nagseselos?

Ginagawa ni Aamon 'yung ginawa niya sa akin noong nasa bahay kami. Atsaka, hindi ba siya naga-akalang magkasintahan kami ni Aamon? Tumango-tango naman si Des, her face looked like it was a painting, yet unfinished or can't be finished. Mukhang hindi na ito maipinta.

I couldn't take it anymore, hindi ko kayang langhapin ang hangin na nalalanghap niya rin kaya tumayo ako. "Mag ba-banyo lang." I said at nang makitang tumango ang dalawa, nagsimula na akong maglakad. Hinanap ko ang banyo at nakita ito sa gilid ng hagdan. Pumasok ako ron at humarap sa salamin.

Memories immediately came flashing over me. Hindi ko alam anong nangyayari. They don't look like dating to me, atsaka masyadong bata si Rage para pumatol sa kanya si Des. "Uhm," Napapitlag ako at napatingin sa gilid nang magbukas ang pintuan ng banyo.

Nandoon si Rage, kakapasok lang. Hindi alam anong gagawin. I immediately avoided his gaze and continued washing my hands. Tumabi ang lalaki sa akin at naghugas din ng kamay. Ramdam na ramdam ko ang titig nito sa repleksyon ko sa salamin. "S-sorry. . ." Nagpintig ang tenga ko sa narinig kaya napa-angat ang ulo ko.

Sinalubong ko ang mga mata niya sa repleksyon ng salamin na nasa harapan naming dalawa. "Para saan pa?" I sarcastically laughed. "Napag-tripan mo na ako, e. There's no need." Kaswal na sabi ko. I've been trying my best not to stutter and just talk casually at mukhang nakukuha ko naman ito.

Hahawakan niya sana ang kamay ko pero mabilis ko iyong binawi. "Tama na, rage. Ayos naman na ako atsaka ikaw din. Why not we live with our lives and forget everything?" Ngayon ay magkaharap na kami. The memory of our conversation inside the comfort room blasted in my mind. Mukhang may ayaw na akong lugar ah.

"Let me explain." He said in finality, he used his authoritive voice that I liked before. Pero hindi niya ako makukuha sa pa ganyan ganyan niya. I just stared at him for a couple of minutes before going out. Magkikita pa naman kaming muli, lalo na sa school. Pero gusto kong kapag nagkita na kami ulit, wala na ang nararamdaman ko sa kanya.

 Out Of Reach [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon