34. I remember it all too well

281 10 0
                                    

34. I remember it All too Well

Napamulat ang mata ko nang marinig ang alarm clock na kanina pa tumutunog. Napabalikwas ako ng bangon at dali daling sinuot ang tsinelas at bumaba ng hagdan. "Baka mahulog ka riyan!" Sigaw ni Mama nang makita akong nagkukumahog na bumaba.

"Ano ba't nagmamadali ka riyan?" Malakas na ani ni Tita Elia na tumutulong kay Mama na magluto sa kusina. We've been living here for the past months, and I really need to at least unwind from everything. Masyadong mabilis ang panahon na hindi ko namalayang nagdaan na pala ang isang taon.

I finished my HUMSS journey 3 months ago.

It was a roller coaster ride, how I cried because of the pressure, because of our research, the laughd my friends and I shared. . . these memories will remain forever. And I graduated rank 1 in the curriculum's overall ranking. Alone.

I didn't beat him; he was gone. Rage transferred into another school which I cannot name. The last time I saw him was on our recognition day. Hindi na iyon nasundan pa. It was hard for me as I move around our school without having a glimpse of the man’s figure. Miss na miss ko na ang lalaki.

I couldn't deny it. A year already passed without seeing him, siya pa rin. Siya naman palagi. I promised myself that kung hindi siya, huwag nalang. I’m too shallow, I know that. Pero hindi ko naman alam, I tried flirting before pero hindi iyon nag work lahat. Kino-kumpara ko lang sila kay Rage kapag nagkataon.

Siguro ay dito na rin ako magc-college sa Davao, at kapag gano'n, malabo na nga kaming magkita pa ulit. Masakit isipin, oo. Na kahit hindi ko siya nakikita o nakakausap, siya pa rin. But I'm mad at him, hindi man lang siya nag-chat upang sabihing saan na siya pumapasok dati! Gine-gate keep pa university niya.

"Nasaan si Aamon, Tita Elia?" Tanong ko nang mapansing wala ang mukha ng lalaki upang inisin ako sa umaga. "May kikitain daw," Napatango nalang ako, mabuti naman at wala muna siya rito. Nakakainis kapag nandito siya sa paligid, asar nang asar!

Napabuga ako ng hangin. Kamusta na kaya ang mga kaibigan ko sa Manila? Ella is now in a relationship with the guy he was meeting up when we were still in grade eleven. Samantha was living her best life at nagta-travel sa ibang bansa.

Nicole also has a boyfriend pati na rin si Ness. Si Echo naman ay pinagpatuloy ang kanyang matagal nang gusto, ang pagba-basketball. Hindi ko nga alam bakit hindi masyadong naglalaro si Rage noong grade eleven palang kami, eh varsity naman siya dati!

Nang ma-bored na, lumabas ako ng bahay at nagliwaliw. For the years that have passed, walang pagbabago sa akin. I am still the same Peter, pero hindi na same height. I am now standing 5'7. Ilang inches din ang itinaas ko. Ano ang secret? Margarine at cherifer lang naman. Tsaka. . .

"Anong ginagawa mo rito sa labas, boang?" Napapintig ang tenga ko nang marinig ang nakakainis na boses ni Aamon. Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi pinansin ang pasaring ng lalaki. I hate Aamon's voice! Ang bait niya sa akin noon tapos ngayon ang hilig mang-asar!

"May ipapakilala ako, hoy!" Napataas ang kilay ko at dahan dahang humarap para kilalanin ang ipapakilala niya. Yes! He's been looking for guys para sa akin! Para niya akong binubugaw, may ganiyan bang kaibigan? "Kuya Peter!" My jaw dropped on the floor after finding out who is the person Aamon is with.

It was Temper.

Rage's younger sister.

She changed a lot, from her crooked teeth to almost perfect, tumangkad na rin ito, at nagbago ang mukha niya. She looks so gorgeous. Hindi maipagkakailang mukha ito ng Mom niya. "Ikaw pala 'yan, Temp!" I went near her and hugged her as tight as I could, I hope Temper would feel the longing I've been feeling for his older brother.

"Kuya, I missed you!" She said while her eyes welling up with tears. We never really interacted that much pero the way she utter that words, it felt like we known each other since we were still kids. "Kuya Aamon didn't told me that he knew you!" Sumbong nito sa akin.

Napatawa naman ako at tinignan ang mukha ni Aamon. He was already sulking. "I have something to tell you kuya, this is so important." Hindi ko alam kung ano iyon pero nagsidagsaan ang kaba sa dibdib ko. I hope this is a good news about Rage. On where he is, on what's his life.

Gusto ko na talagang makita ang lalaki, wala nang arte arte.

"Mamaya nalang, kuya." Bulong nito kaya mas lalong nainis si Aamon. Tawang tawa naman ako sa hitsura nito, chismoso talaga. The three of us entered the house, they already knew Temper so it wasn't more like introduce yourself. Pero napapansin ko ang panaka-nakang tingin ni Mama sa akin at kay Temper.

"Oh, nasaan ang kuya mo, Temper?" Napatingin kaming lahat ng bumaba sa hagdan si Tito John dala dala ang anak nilang si Alyssa. Hindi ko alam sinong hinahanap ni Tito, si Rage ba o si Red pero kabadong kabado na ako. "Nasa dad niya po," Usal ni Temper. "Uuwi raw ito bukas." Napakunot ang kilay ko at halos masampal ang sarili nang biglang bumuka ang bibig at nagsalita.

"Sino?" I should punch myself for not keeping that in. Napatingin tuloy sa akin si Mama at biglang tumawa. She knew everything, and she supports me whatever I do. Hindi rin naman ito galit kay Rage, she understands our situation and why we need to do it. Nanliit ang matang tinapunan ako ng tingin ni Temper. "Si kuya Rage." Para akong mahihimatay nang marinig ang pangalan ng lalaking matagal ko nang hinihintay.

There is a chance! THERE IS!

I don't know if Rage already found someone, siguro masakit 'yon kapag mayroon man. Pero still, I'm sticking into his words. He told me that our book will still be open. . . and it will be continued. Hindi iyon isang librong hindi matatapos at magsasara.

I miss my distant star. Ang aking bituwing kailanman ay hindi pagsasaawang tignan, ang bituwing titingalain ko kahit na umulan at bumagyo. Hindi ko alam anong pinakain sa akin ni Rage at ganito ang atake niya sa akin.

"Baka pumunta po siya rito bukas," Mas lalong nagdagundong ang puso ko. Nagtutuluan na rin ang pawis ko dahil sa excitement at kilig. Tangina! Dito na nga ba namin sisimulang sulatin ang mga katagang matagal na naming iniwanan?

"Matagal niya na rin pong planong bumisita rito. Pero nang marinig na nandito si Kuya Peter, nag-book agad ng flight!" I could not react as the old feeling came rushing towards me. Para ulit akong bumalik noong panahong gustong gusto ko ang lalaki at no'ng panahong sa tingin ko lang naipaparamdam ang nararamdaman ko para sa kanya.

I am so excited, and at the same time, kinakabahan. I don't want everything to fall off again just like the last times. Masyado kaming sinaktan ng mga tagpong iyon. Ayaw kong sabihin niya sa aking may minamahal na siya at tumigil na ako sa pag-asa. Hindi ko na tuloy alam anong dapat kong maramdaman.

I love him, so much. That if he already has someone in his heart, ayos lang. It was more like a now or never. Haharapin ko siya bukas kung totoo mang pupunta siya rito.

Kakaiba na sa pakiramdam, lalo na't isang taon na rin ang lumipas. I wasn't the same peter he met last time, baka ayaw niya na sa 5'7 at gusto lang ang mga 5'4. Baka magwala ako at putulin ang mga paa! Napabuga ako ng hangin, kapag siya talaga, ang daming laman ng isip ko.

Sana, sana nga.

I wish that his feelings remained for me. Gusto kong simulan na ang mga bagay na hindi namin nasimulan noon. Ngayon, pwedeng pwede na kami. We are already in the proper age to be in a relationship, sa tingin ko ay hindi na rin kami immature pa. We have already grown apart. At sa tingin ko, maayos na iyon.

We needed to fix our self before fixing the things going on about us. At ngayong naayos na namin ang aming mga sarili, wala na akong nakikitang hadlang pa. Napakamot naman ako ng ulo, I forgot that he existed. I wish for Rage's dad to be able to accept for what his son wants, because he played a major part in our separation. Pero ngayon, hindi na pala ako sure kung ako pa rin ba ang gusto ng lalaki.

Please, let this be our time. Hand out the paper and the pen as we continue to write pages. I couldn't and will never be able to rise through the depths of the water if things will turn out just like the last time. Hindi na ako makaka-recover pa.

• • •

The long wait is over as we now reach the middle part of this book. I am so thrilled for the next chapters! Vote and follow me if you can, thank you!










 Out Of Reach [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon