03. Facade

747 32 15
                                    

Chapter 3. Facade

I burped after finishing the food that Rage bought for me. "Get up and we're going to the library." That was the words that I would never expected that would come from him. I silently looked at him, ano nga bang mga bagay kung bakit nagustuhan ko ang lalaki?

Is it because he is handsome? academically smart? I'm now thinking that his reputations are just a facade of what's really inside him. But it didn't affect my admiration for him at all. Gusto ko pa rin naman ang lalaki kahit pakonti-konti ay nalalaman ko na kung ano nga ba siya.

Dinampot ko ang tissue na nasa gilid at ipinahid iyon sa bibig ko. Inayos ko rin ang pinagkainan, inilagay ko ang mga bowl at pinagsama-sama iyon. Ginamit ko rin ang sobrang tissue para sa lamesa.

With this little move that I made, sigurado akong natulungan kong mapadali ang pagta-trabaho ng nasa cafeteria. Mga working students pa naman sila. Kahit ganito man lang, maramdaman nila ang appreciation ko sa pagkaing hinanda nila.

Nang mapansing ang dalawang lalaki ay nakatingin sa akin, tumayo na ako at kinuha ang bag ko. "Tara na." Aya ko sa dalawa. Zacharias looked surprised while Rage kept his stern face. Ngayon lang ba sila nakakita ng taong marunong mag-ayos ng lamesa?

Nang makabawi na ay sabay na kaming naglakad ni Zach, sa likuran naman si Rage. "That was really inspiring and cute," Zach cutely chuckled. Kanina ko pa siya napapansing kino-compliment ako, baka mahulog loob ko dito, nakuu! Paalam nalang Rage.

"Palagi kong ginagawa 'yon." Sabi ko. "My mom taught me that, sabi kasi niya kahit sa ganoong paraan ay makatulong kami sa naghahanda." Tango naman ng tango ang lalaki. "I'll do it next time!" My heart immediately filled with warmth, ang sarap nun sa tenga!

Lalo na't ang itinuro ni Mama ay naituro ko rin sa iba. "Stop flirting with him, Zach. Umalis kana at hanapin mo ang ka-partner mo. We're going to start." That was another red flag for him. . . hindi ka dapat nagsasalita sa ganoong tono.

Lalo na kapag kaibigan mo 'yon. Given naman na masungit talaga siya, pero kailangan bang pati kay Zach ay magsungit din siya? He's really showing everything that I would need to know. Isang araw pa lang 'to, what about the next days?

Nang makarating kami sa library ay umalis na rin agad si Zach at hinanap ang kapareha, sa akin lang siya nagpaalam. Nang kami nalang naiwan ni Rage, bumalik 'yung kaba ko sa dibdib. Pumasok siya kaya sumunod ako, umupo ako sa bakanteng upuan at siya naman ay nagpalakad-lakad habang naghahanap ng libro.

Binuksan niya ang bag at inilapag sa lamesa ang laptop, mabuti na rin para mapadali ang ginagawa namin. "Let's find a topic first," Sabi niya at umalis sa harapan ko. Pumasok siya sa mga shelves at doon nanghalungkat ng libro.

Napabuntong hininga ako.

"Bakit mukhang sad ang baby na iyan?" Everything lit up when I heard Nicole's voice. Nakita ko agad sila, papasok pa lang sa library. Kitang kita nila agad ako kahit nasa bukana pa lang sila ng pintuan.

Napaikot ang mata ko. "Tagal niyong nagpakita ah." I coldly say, syempre dapat malaman nilang nagtatampo ako. Hindi ko na kasi masikmura ang mga ginagawa sa akin ni Ella! Masyado nila akong binubully ni Sam. Mas lumapit naman si Ness. "Si Nic kase, hindi nagpasa ng assignments sa pre-cal. Ayon nag cram sa classroom!" I chuckled with the thought.

Napasimangot lang si Nicole.

"So, anong balita sa inyo?" Ness sat on the empty chair at nagtanong. "Nag sex naba kayo?" Tanong naman ni Nicole na siyang dahilan kung bakit nabatukan ko ito. "Gaga ka! Hindi ko nga alam anong nangyayari tapos may pa ganyan ganyan ka pa." Inis kong saad. Where did she get that thought?!

Minsan talaga napaka-bastos ng bunganga nito ni Nicole. Konting pakikipag-usap ko lang sa mga kaklase ko, magtatanong agad tungkol sa bagay na 'yon. Nicole was about to speak again, ngunit nakarinig kami ng malalim na tikhim.

The guy stood tall, over 6 feet. His face is stern and he's holding a book. "We're going to start." Sa tono ng pagkakasabi niya, hindi iyon para ipaalam na magsisimula na kami, pero para mapaalis na ang dalawang kaibigan ko.

Nicole and Ness looked at each other and left. Napatingin naman ako pabalik kay Rage. Kahit kailan talaga. Kahit na mukhang stressed na siya, mukha pa rin siyang bagong paligo. Bumalik tuloy ang pagtalon ng puso ko sa loob, ano ba 'tong nangyayari!

Parang itinapon lahat ng ginawa niya kanina at pinabalik ang lahat ng gusto ko sa kanya sa isang titigan lang! This dramatic, sudden feelings of attraction and respect came gushing towards me. "Are you done, Dela Cruz?" Mas lalong nag-init ang pisngi ko. Kakaiba ang pagkakasabi niya, hindi katulad no'ng kay Ma'am Valle kapag nago-oral recitation.

"W-what?" Sinubukan kong hindi pansinin ang tanong niya. Napansin niyang ilang minuto rin pala ako napatitig. He let out a soft chuckle. Ano ba 'yan! Dapat nag-record ako! I should've recorded it para may alarm na ako araw araw.

He sat on the chair and faced me.

Nakatingin lang ang lalaki sa akin nang ilang minuto hanggang sa nagsawa siya at ibinaling ang tingin sa ngayon ay nakabukas na laptop. Napansin ko naman ang maliit na kurba sa mga labi nito, tell me he isn't smiling!

Halos hindi ako makahinga. This view is picturesque and it feels like I am in a museum staring at an art. Ang oa na pero gano'n talaga! "I've got at least 5 topics that we can choose from, may nakuha kaba, Dela Cruz?" Umiling agad ako. Hindi ako nakapaghanap dahil sa pangb-bwisit nila Ness at Nicole.

"P-pumunta kasi sila Ness at Nic e," I reasoned out. "We haven't seen each other for awhile." That was more like a supporting detail. Ayaw ko naman kasing ipamukha sa kanya na pabaya ako lalo na sa gagawin naming research.

He brought back his usual expression. "Okay, I think mine would suffice." Tumango-tango naman ako. Mabuti naman, akala ko ay sasabihan niya ako ng 'what do I expect' baka mahimatay ako sa hiya. Kase naman!

Kinuha ko ang iniabot niyang papel at tinignan ko iyon isa isa. Sabi ng mga teachers ay may karapatan daw kaming pumili ng kahit na anong research topic as long as it's quantitative research. "I like this," Tinuro ko ito na siyang tinignan niya naman.

Lumapit ang lalaki at tinignan ang hawak hawak kong piraso ng papel. Halos magkadikit na 'yung mga noo namin. Fuck! Ang bango niya. Hindi na ako makahinga, para akong nilulunod. Baka mahalikan ko na siya kaya dumistansya na ako at nahihiyang tinitigan siya.

"Absenteeism," Banggit nito sa nagustuhan ko.

I gulped. "Marami kasi akong kaklase na madalas mag-absent, I think pwede naman natin alamin kung anong reasons o kung comfortable paba sila rito sa school natin. . . something like that." I voiced my opinions.

Maganda naman ang choices pero more on common na sila, baka anim o higit pa ang gagawa ng ganoon ang topic. "So we're settled," He forced a smile. Halatang hindi siya sanay. "I'll be leaving, I'll get in touch with you a day or tomorrow." Tumango lang ako sa kanya.

"Ingat sa daan, Fernandez." Napatakip naman ako sa bibig nang mabanggit ang mga katagang iyon. A-anong s-sabi ko?! Bakit ako nagsabi ng ganoon?! Napakurap ako at namalayang nakaalis na pala ang lalaki. Surname basis pa kami, hindi pa kasi close. Sunod nito maging Fernandez na rin ako, ay!

I gathered everything, ang papel na ikinalat niya, ang mga libro at ang pen na naiwan niya. Hinahawakan to ng kamay niya, hindi ko na ito ibabalik. Merch 'to, merch!

Napabuga naman ako ng hangin, I don't want to come home pero wala naman na akong pupuntahan pa. Kinuha ko ang bag at nanghiram ng libro, 'yung absenteeism ang kinuha kong libro dahil iyon naman ang magiging topic namin. Irereview ko rin ito.

Nang matapos ay lumabas na ako ng library at dumiretso na sa gate. Time to face the problem that I have always been running. Nakakapagod pero saan naman ako pupunta kung aalis ako? Wala. I need to be there despite of them not wanting me there.

• • •

Author’s Note:
    Hello everyone! Its been so nice to have you guys reading this. I have just started this yesterday and things are going on well. Leave a feedback for me, thank you!

 Out Of Reach [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon