02. Come with Me

967 37 10
                                    

Chapter 2. Come With Me

May mga bagay talaga na lumalapit, ngunit kahit kailan ay hinding hindi natin maaabot. Akala ko'y kapag lumapit na ang bituwin ay mahahawakan ko na ito at mahahagkan, pero hindi. Hinding hindi iyon mangyayari.

We are opposite in many aspects.

I counted the days until finally, the day came. The collaboration of humss and stem has been announced. Hindi ko alam ano ang dapat i-react, I've been waiting for this. Kasi ‘di ba, he insisted na kami nalang ang magkasama!

"This is your last project for this semester, and I expect to accept the best." Iyon ang huling sinabi ni Ma'am Araneta bago niya kami idinismiss. That was the talk of the town, inggit na inggit nga ang mga taga-ABM lalo na 'yung mga babaeng nagkakagusto kay Rage.

They want to be badly close to him.

"Pwede na raw magsimula mamayang afternoon since may meeting daw ang mga teachers." Sabi ni Ella, hindi naman ako mapakali dahil doon. Kinakabahan ako! For sure may reason siya bakit niya nagawang sabihin iyon.

Since it was breaktime, sa garden lang kami tumambay. Hindi pa nakaka-labas sila Nicole at Ness, nag-overtime na naman siguro ang teacher nila sa pre calculus. "Kanina kapa tahimik, Pete." Wika ni Sam habang kinakain ang paborito niyang biscuit.

Kinuha ko naman sa kamay niya ang kinakain at isinubo iyon sa bibig. Hindi ako umimik at nagpatuloy sa pagnguya. "Kating kati na 'yan, si Rage na 'yon e!" Komento naman ni Ella na sinaway ni Echo.

"Kinakabahan ako," I honestly said.

Bigla namang tumawa si Echo, napakalakas nun na nadistorbo ang ibang estudyante na nagtatambay sa garden. "You've been very vocal about your feelings for him! Tapos ngayon kakabahan ka kasi napalapit na? Gising!" Wika nito na siyang ikinatawa ko naman.

Tama nga naman. Parang iritang-irita na nga silang marinig ang mga sinasabi kong puro patungkol lang kay Rage. Kasalanan ko ba? I mean lahat naman siguro na may gusto kay Rage ay parang katulad ko rin; siya ang bukambibig.

Rage wasn't talkative, i'm sure of that. Hindi rin ito nakikitang may kasamang babae. At matalino rin ito, mabango at higit sa lahat, gwapo! May lahi kasi itong ukrainian kaya ganoon nalang ang porma ng mukha niya.

He started studying here when we were in our 10th grade. Nakakainis nga, hindi man lang talaga kami binigyan ng pagkakataon na maging magkaklase! Nagtambay lang kami sa garden hanggang sa mag-bell na ulit.

Si Sam lang ata ang nabusog!

Nang makabalik na sa classroom ay kanya kanya na kami nang punta sa aming mga upuan. Pumasok na rin si Sir Gab na teacher namin sa world religions. Mag-rereport lang ang mga kaklase ko. Nakikinig naman ako pero mostly kase, mahina boses ng mga kaklase ko. Nakakaantok.

"Any questions?" Tanong ni Allyza nang matapos niya ang pagr-report. Nagtaas naman agad ng kamay si Ella. Sumunod naman agad si Echo. Kaya nakakatakot mag-report e, may mga follow-up questions kasi na minsan ay hindi na nad-disgest ng utak.

I just watched Allyza and Sir, and then natapos ang time, pumasok ang isa na namang subject. I don't know but I don't feel active today. Dahil siguro sa isiping magkakausap kami at magkikita ni Rage nang madala—"Mr. Dela Cruz." My eyes immediately widen, lagot.

"Isa kabang bilingguwal o multilingguwal?" Iyon ang tanong sa akin ni Mrs. Valle. Kahit hindi ako nakinig, alam ko naman agad ang pinagkaiba ng dalawa. "Isa po akong multilingguwal." I said.

"Marunong po akong mag bisaya dahil iyon ang nakalakihan kong dayalekto, marunong rin akong mag filipino na siyang ginagamit ko ngayon. Atsaka marunong akong mag ingles at nagaaral na rin ako kung paano magsalita ng Thai." Mahabang sagot ko. Tumango naman si Mrs. Valle at inaprubahan ang sagot ko.

 Out Of Reach [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon