09. Confusion

530 23 5
                                    

Chapter 9. Confusion

Zacharias was consistent on what he's doing and what he's putting his heart into. Walang palya ang ginagawang pambobola ng lalaki sa akin, sabay na rin kaming kumain, at palagi na kaming magkasama.

It seems like Rage is out of the picture now.

Being able to laugh as if I have no problems to face with feels nice. . . matapos ang sinabi sa akin ni Casper ay pinatunayan ko sa kanyang mali ang sinasabi niya. That Zach wasn't pretending afterall.

But despite of us being too close, hindi ko alam anong maitatawag sa amin. Hindi naman sa nagiging oa ako pero hindi ba't kung gusto niya ako ay dapat umamin na siya? Para kaming magkaibigan na mas higit pa ron, if that's even existing.

"Kamusta kayo ni Zach?" Iyon ang bungad na tanong sa akin ni Ella nang makarating siya sa upuan. She's been shipping us for days, at ngayong nakakamabutihan na kami ni Zach ay masayang masaya ang babae.

Ella is the kind of girl that has no problem to face, she receives whatever she wishes. Hindi ko na nga maalala bakit kami nagkaibigan samantalang malayo ang agwat ng status namin sa buhay.

"Ayos lang kami," I honestly said. Tumango-tango naman ang babae habang naglalagay ng lotion sa kanyang morenang balat. Just thinking of Zach makes me smile, I wouldn't even dare to remember the time I went inside a comfort room to cry.

She grinned after hearing what I've said. "Siguro ay wala na si Rage diyan sa loob?" Ang tono ng boses niya ay para bang hindi niya talaga gustong si Rage ang gustuhin ko. Na para bang tutol siya.

"Wala na." That is a lie. Kahit na nandiyan na si Zach, kahit na may namumuong feelings para sa lalaki, I just couldn't forget about Rage in an instant. Matatagalan pa bago ko makalimutan ang lalaking palagi kong hinihiling gabi gabi.

Matapos ang usapan namin ay nagsidatingan na ang mga kaklase namin at hindi rin tumagal ay nagsimula na ang klase. Bagot na bagot ako habang nakikinig. "Since this is oral communication, we will be having a public speaking this coming friday." Biglang nabuhayan ang buo kong pagkatao.

"Anong klase po?" Tanong ni Wilbert.

"Extemporaneous Speech. And I'll be sending you topics at kung nakapili ay pwede na kayong gumawa ng draft and then i-check ko after." Matapos niyang magdiscuss ay idinismiss na rin naman kami agad.

Kapag talaga may gawaing ganito, masyadong maingay ang mga kaklase ko. Everyone was ranting! Akala kasi nila ay 'yung research collaboration na ang huling pt ngayong sem. Ang iba naman ay excited sa gagawing public speaking, 'yon daw ang dahilan bakit sila nag-Humss.

We went into the garden after that. Maya maya lang ay dumating na sina Ness at Nic kasama ang lalaki. Si Zach. Malaki ang ngiti nito at may dala dalang papel at pen. "Ayan na ang lovers, lumayo na tayo!" Malakas na sambit ni Ella na nagpatingin sa ibang estudyante.

Lovers? We don't even know what are we.

"Samahan mo ako sa library," Wika ng lalaki pagkarating nito sa harapan ko. Tumango naman ako sa kanya at nagpaalam sa mga kaibigan. I couldn't tell if I already like him. Pinapasaya niya ako at sinasamahan, hindi ko alam ano ang maitatawag dito.

We arrived at the library, and we took the seat that I usually occupy. "I can't really talk to you right now since we'll be having a quiz after the break." Tumango lang ako sa kanya. Matapos iyon ay nagbasa nang nagbasa ang lalaki. Walang tingin tingin.

I should. . . have just stayed at the garden. Hindi ko na rin nakakausap sila Ness at Nic kaya gusto kong makausap man lang sila. I should've known that he'll be studying. "Can I borrow Peter for a moment?" Napaigtad ako nang may biglang magsalita sa likuran.

The voice is familliar to me. Super familliar that I could tell that I've memorized that voice. Hindi na ako nag-abala pang maghintay sa sasabihin ni Zach at tumayo na para kausapin ang lalaki.

He wore a white longsleeve tucked in his black leather jeans. "I've already sent you the parts, gawin mo mamaya. Just don't rush it. Send it to me once your done. I'll give you a day or two for that." Mabilis magsalita ang lalaki. I was picking up the words! And the familliar feeling was still there.

Ang mabilis na pagtibok ng puso, ang panginginig kapag kasama siya, ang kagustuhang titigan siya sa kanyang mga mata.

Kahit na talaga anong gawin kong paglimot, hindi ko kaya. O baka hindi ko sinusubukan.

Nababaliw na nga siguro ako. Ngayong nandito na si Zach at pinaparamdam sa aking gusto niya ako ay gusto ko pa rin si Rage. Gustong gusto ko pa rin si Rage. Na kahit may nililigawan na siyang iba ay siya pa rin ang hinahanap hanap ng mata ko. What did you do to me, Fernandez?

"Are you avoiding me?" Akala ko ay tungkol sa research lang ang pagu-usapan namin pero heto siya, nagbubukas ng ibang pahina na dapat ay hindi na buksan. "No. Bakit naman?" I tried to sound convincing. Hindi ako nagseselos, kahit na maglampungan pa 'yan sa harap ko!

"You're not talking to me, and. . ." He was cut of by Zacharias.

Tumikhim ang lalaki bago ako hinawakan sa palapulsuhan. "Ihahatid ko na siya sa classroom nila." Zach was darting a gaze at him. I couldn't tell if he was angry or he was just warning him.

Kinuha ko naman ang kamay niya sa palapulsuhan ko para itaas ang dalawang kamay. Napatingin naman agad ang dalawa sa akin. "I don't want you both to fight over things I don't know about. I'm leaving." Hindi ko na hinintay pa ang dalawa na magsalita at naunang lumabas sa library.

Rage was just talking to me, and what did Zach do? Nag-study nalang sana siya para may maisagot siya sa qui— hindi. Nagse-selos ba ang lalaki na kinakausap ako ni Rage?

Binura ko ang lahat ng iniisip at pumasok sa classroom nang buo. Nang makaupo ay napabuga ako ng hangin. I don't know what to do! Things are going pretty quickly. "Ano ba?" I didn't mean to raise my voice at him. He looked surprised. Namimilog din ang mata ng lalaki.

"S-sorry, I just want to ask if you're okay. But I guess—" I cut him off. Ako dapat ang mag-sorry. Hindi ako tinuruan ni Mama na sigawan ang ibang tao lalo na't walang ginawa sa akin. He just wanted to ask how am I doing.

Kumurap-kurap ako bago siya sinagot. "Ayos lang ako, may mga bagay lang na iniisip." I faked a smile at inihulog ang tingin sa desk.

Hindi ako maayos. I want to know what is Zach really into. Ako ba ang gusto niya? Bakit siya umaktong gano'n? Bakit nagalit siya no'ng kinausap ako ni Rage? I need assurance!

Kailangan kong malaman kung gusto ba ako ng lalaki o normal na ginagawa niya lang iyon at gusto niya lang makipag-kaibigan! I want him to tell me how he feels. . . d-dahil sa ganoong p-paraan ay masusubukan kong kalimutan si Rage!

But I couldn't just force him to confess his feelings when in fact, there isn't.

Ipapahiya ko lang ang sarili ko kapag nagtanong ako kung ano nga ba kami. We are just friends that does things that's more than.

He has the consistency and loyalty, and the only thing I'm waiting for is the assurance. Kailangan kong malaman. But isn't it unfair? Na kapag sasabihin niya ang nararamdaman niya ay kakalimutan ko na si Rage? My feelings should have sunk the moment he came closer to me.

Ako nga talaga ang problema. Napaka-bait ni Zacharias, he is a walking green flag. He was raising it! T-tapos ako, naghihintay ng kumpirmasyon para matigil ang nararamdaman para sa ibang lalaki. "Ma’am, masakit po ang ulo ni Peter. I'll take him to the clinic." That wasn't needed, but if I stayed there, I might have an outburst.

Hindi ko inilayo ang problema ko sa pag-ibig at ang pag-aaral.

Casper and I both stood up, went into the door and left the classroom. "I knew it, you're not feeling well." He was holding my wrist as if I was a fragile glass that needs to be taken care of.

Where did things took their turns?!

I was just admiring people from afar, complimenting their own respective beauties, and liking them for no specific reasons. And now, those people. . . 'yung mga imposibleng magustuhan ako, ay kusang lumalapit.





















 Out Of Reach [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon