Chapter 18. Hypocrite
Lunes iyon. Halos ma-late ako dahil sa napuyat ako kagabi, hindi kasi tumigil si Rage kaka-chat sa facebook. Para tuloy akong lantang gulay habang sumasagot sa oral recitation namin sa komunikasyon at pananaliksik. Patawa-tawa naman si Casper sa gilid ko habang sumasagot ako.
Tama naman ang sagot ko, pero I swear! Wala talaga akong kabuhay buhay. Gusto ko nalang matulog. "Ayos ka lang?" Natatawang tanong ni Casper kaya siniko ko nalang siya sa gilid. Konti nalang at baka masampal ko na 'to.
Natapos ang klase namin na halos mapikit ko na ang mga mata ko. Nag-aya naman sila Ella, Sam at Echo na kakain sa cafeteria pero sinabi ko sa kanilang maiiiwan ako sa classroom. Matutulog muna ako saglit. Sayang ang 30 minutes kung ilalamon ko lang 'yon.
Inilagay ko ang ulo ko sa desk at ipinikit ang mga mata. Nakakainis. Kaya ayaw kong natutulog nang matagal, ganito ako kapag gigising! May narinig akong yabag, may pumasok sa classroom. Naririnig ko naman ang impit na tili ng mga kaklaseng naiwan din sa classroom.
"Hey," Narinig ko ang boses ni Fernandez kaya ibinuka ko ang isang mata ko. Nakaharap sa akin ngayon ang lalaki. May ngiti sa labi. Sayang saya pa siya na makita akong halos mahiga nalang sa sahig para makatulog. "Matutulog ako, rage. Huwag mo akong iinisin." Sabi ko sa kanya bago ko ipinikit ang isa ko pang mata.
"Quit staring at us, mind your own businesses!" Napabangon ako at napatingin kay Rage, tapos ay napatingin sa pintuan kung saan nagsilabasan ang mga alipores ni Kyrie. Mukhang natakot ata sa biglaang sigaw ng lalaki.
"Hindi ka kasi tumigil sa kakaharot kagabi, tignan mo ako ngayon. . " Nangongonsensya kong sabi, hinawakan naman agad nito ang ulo ko at hinaplos haplos ito. "I'm sorry, sige na matulog kana." He kept on caressing my hair. Napaka-lambot ng kamay niya kaya ipinikit ko nalang ang mga mata ko at inihiga ang ulo sa desk.
Pero itinaas niya ang ulo ko at inilagay ang kanyang isa pang kamay para iyon ang higaan ko. Pinaharap niya ang kamay niya para iyong palad ang mahigaan ko at hindi 'yung mga buto. Inihiga ko na ang ulo ko doon at napapikit agad.
It feels so nice, having him beside me, letting me sleep in his hands. . . Nagising nalang ako sa marahan na yugyog sa likuran ko. Napabalikwas naman agad ako at ang una kong nakita ay ang kamay niya. "Hala, hindi mo tinanggal!" Nagpa-panic kong saad, sigurado akong ngalay na ngalay na ang mga kamay nito!
Nakangiti lang sa akin ang lalaki habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. "It's already time, would you like to continue sleeping? I'll bring you to the clinic." Umiling naman agad ako. Ayos na ang tulog kong iyon. Higaan ko ba naman ang mga palad niyang singlaki ng mukha ko.
"Ayos lang ba ang mga kamay mo?" Kinuha ko ang kamay niya at tinignan ito. Namumutla ito dahil hindi na nakadaloy ang dugo dahil sa paghiga ko. "Hala baka na anemia ka." Seryosong sabi ko pero nagulat ako nang humagalpak ng tawa ang lalaki. Nawawala ang mga mata habang tumatawa. "Where'd you get that?" Tanong nito sa akin habang tumatawa pa rin.
Pinandilatan ko na lang siya ng mata. "Baka ma-late kana sa inyo. . . sorry din, rage." Sinserong sabi ko. Tumayo ang lalaki at inilagay sa desk ko ang isang box ng cupcake. "Eat it after your class, okay? And stop saying sorry to me, I love doing things for you." Biglang umakyat lahat ng dugo ko sa pisngi, ako ata ang magkaka-anemia sa sinasabi nito!
Siguro nagayuma ko talaga ang lalaki. Nakakagulat, no'ng mga isang araw mahal na mahal nito si Kyrie. Tapos ngayon ako naman ang pinagsisilbihan. Bahala na nga. I'll cherish things while it's still here. Isang kurot sa pisngi ang ginawa ng lalaki sa akin bago siya lumabas ng classroom.
Nang makalabas ay nagsiunahan agad sa pagpasok sila Ella, Sam at Echo. "Tangina mong maharot ka!" Bungad na sabi sa akin ni Sam habang napapatakbo sa pwesto ko.
Parang mamatay naman sa kilig si Ella. Isa kasi itong BL fan at hindi naman halatang gusto niya na si Rage para sa akin ngayon. . . I haven't seen Zach today. Hindi ko alam nasaan siya. "Hati tayo sa cupcake ha. Walang magdadamot." Wika pa ni Sam kaya napatawa kaming apat.
At nang pumasok na ang guro namin, nagsibalikan na sila sa upuan.
"Usap-usapan kayo ni Rage sa buong cafeteria." Bulong ni Casper habang nagdi-discuss ang guro namin sa general mathematics. Napakunot naman ang noo ko dahil doon. Siguro kumalat agad ang chismis, alipores ni Kyrie ang nakakita at nasigawan e. What do I expect?
"Dela Cruz and Alderidge, answer this in front." Napaigik ako nang matawag ang pangalan ko at ni Casper. Narinig niya siguro ang sinabi ni Casper, pero hindi naman ako sumagot kaya hindi iyon considered as conversation habang nagdi-discuss! "Logarithmic Functions," Napatayo ako habang binabasa ang nasa board.
Patay ako nito.
The class dismissed with me answering it wrongly. Nakuha naman ni Casper ang sagot habang ako ay nakatunganga lang na tignan ang solving na ginagawa ng katabi ko. Nang makaalis si Ma'am ay pinandilatan ko agad siya ng mata.
Napakamot naman agad siya ng batok nang mapansin ang titig ko. "S-sorry," Sabi nito. Hindi siya makatingin sa mga mata ko. Wala na rin naman iyon, sayang lang ang points sa board work. Pero alam ko naman talagang hindi ako magaling sa math, so it's not a lost.
Tinapik ko lang ang balikat niya at sabay na kami ng mga kaibigan kong pumunta sa cafeteria. Students from different strands and sections were looking at me as if I am a new food in town. Para nila akong lalapain. Hindi ko naman iyon pinansin.
Dala-dala ko rin ang ibinigay na cupcake ni Rage.
Nang makarating kami sa cafeteria, halos punuan na pero may nahanap din naman kaming upuan. Kasabay kasi naming mag-lunch ang lahat ng curriculum from 9-12 kaya marami talaga ang kakain dito. Nag order na sila Sam at Echo, hindi raw pwedeng pagurin ang may cupcake baka magdamot.
Natatawa nalang ako sa mga sinasabi nila.
Kakausapin ko na sana si Ella nang biglang may umupo sa gilid ko. Pagtingin ko rito ay nakita ko ang mukha ni Zacharias. Nandoon pa rin ang ngiti niya. . . pero ang mga mata niya. Hinding hindi iyon nagsisinungaling. "Puwede ko bang hiramin si Pete, Ella?" Tanong nito sa babaeng kaharap ko.
Tumango naman si Ella kaya nang tumayo na si Zach ay tumayo na rin ako at sinundan siya kung saan man siya pupunta. Dinala kami ng mga paa namin sa garden. May iilang tao, dito napiling kumain kasi baka napuno na rin ang cafeteria.
Nang makaupo kami sa bench, nginitian niya ako. A genuine smile coming from him made my heart warm. But through that smile, I know he's hiding something. "I like you, Peter." He said straightly. Nakatingin pa rin ito sa akin.
"I'm sorry for not saying it directly to you, n-nagalinlangan ako. . ." He said, his voice cracking. Nawala na rin ang ngiti niya sa mapupulang labi. "I guess there's no point in confessing, I came too late." Sabi nito, nakabagsak ang balikat. Parang uulan dahil ang tinuturing kong araw na sumisikat ay ngayo'y parang nagdilim.
"But peter, Rage is my friend." Tumango ako sa sinabi niya. "But I won't hesitate to bring him down kapag nalaman kong sinaktan ka niya." I can feel that he's being genuine, his voice is still soft which I will always like.
"Even if you already have a home, huwag mong kalimutan na kapag nasira ang tahanan mo, may mauuwian ka pa rin. . . you will always have me." Parang nilakumos ng mainit na kamay ang puso ko sa narinig.
"But I would be a hypocrite if I say that you and rage are paired perfectly." Natawa naman ako sa sinabi niya. Despite of him letting go of his feelings for me, napapatawa niya pa rin ako. "Mas bagay talaga tayo. Pero sige nalang. I'll be leaving now." Sabi nito at naunang tumayo at naglakad paalis. His shoulders were making a movement. Umiiyak ba si Zacharias?
• • •
Author's Note:
Hello everyone! Sorry for the late update, I have things to do pa kase. And also, hindi ko na rin 'to gagawing series. So, I hope maintindihan niyo. Sana suportahan niyo rin ako sa mga susunod pa.
BINABASA MO ANG
Out Of Reach [Completed]
RomanceTHIS IS A BL STORY! Has anyone fell for someone who were too far above? In terms of status, intelligence, and way of thinking? Because that's what happened to Peter. Peter thinks of Rage as someone who is a distant star. A place he could never trav...