CHAPTER 19

4 0 0
                                    

Matapos kong umiyak ay halata naman na medyo namag na ang mata ko dahil sa kakaiyak kay sinubukan ko na yumuko para wala makakita sakin at na naglakad ako papasok ng cr. Pagpasok ko dun ay sinilip ko ang kada sulok ng cr kung may tao ba, pagkasilip ko at nang masiguro ay nakahinga ako ng maluwag dahil sa wala naman katao-tao. 

Matapos nun ay naghilamos ako, pagkahilamos ko ay pinunansan ko ang mukha ko ng face towel ko na galing sa bag ko. Pagpunas ko sa mukha ko ay dahan-dahan nalang napatitig sa sarili ko. Habang nakatingin lang ako sa sarili ko ay napansin ko ang mata na namumula at medyo namamaga parin dahil sa sobrang kakaiyak ko kanina.

Napayuko nalang ako at huminga ng malalim, pagkahinga ko ng malalim ay ang sabi ko sarili ko, "Okay lang yan, wag kang iiyak. Huwag kang iiyak, Sam." Nang sabihin ko yun sa sarili ko ay napaisip ako, "Sam?"  Narealize ko na ang nasabi ko o natawag ko sa sarili ko ay 'Sam' parin.

Napaisip ako at ang sabi ko sa sarili, "Star ang totoo mong pangalan, hindi na Sam." Maya-maya pa ay napaangat ako ng tingin at muli akong napatingin sa sarili ko sa salamin. Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin ako sa salamin, "Pero sana... kahit na ikaw na si Star, wag mong kalimutan ang sarili mo bilang si Sam, dahil si Sam, isang mabait, matulungin, masipag, mapagkumababa, at... matapang." 

"Matapang... matapang ah... dapat matapang ka parin." Sinabi ko sa sarili ko iyon habang pinipigilan ang sarili na umiyak ulit. Matapos nun, nang medyo umokey na ako ay lumabas na ako ng cr at naglakad na papalabas.

Pagkalabas ko ay nang dapat na magcocomute papuntang cafe ay nakita ko na may nakaabang na sasakyan. Alam ko na isa yun sa mga saskyan ni Pa dahil sa namukhaan ko iyon. Pumarada malapit sakin ang sasakyan at pagkaparada ng sasakyan ay may bumabang isang driver, "Good afternoon po Ma'am Star, tara na po." 

Binuksan niya ang pinto ng kotse para sakin ng matapos niyang sabihin yun. Sabi ko sa kanya, "Naku po kuya, um, hindi pa po ako uuwi kasi may trabaho pa po ako eh. Kailangan ko pumunta sa cafe. Kaya baka mag-commute nalang po ako." Sabi niya sakin, "Opo nga po ma'am, sinabi na po sakin ni Sir na sa cafe nga daw po kayo tutuloy dahil may trabaho pa po kayo kaya dun po kita ihahatid."

Napatingin ako sa kanya at pati na sa kotse. Ang sabi ko, "Naku po, um, okay lang naman po na mag-commute na lang po ako. Medyo malapit naman na po yun dito eh kaya hindi mo na po ako kailangan ihatid." 

"Pero po kasi ma'am, ang utos po sakin ni sir na ihatid po kayo para mas masisiguradong ligtas ka po kaya kailangan po kitang ihatid." Hindi ako kumibo, "Pasensya na po, sumusunod lang po ako sa utos ni sir." Napatingin ako muli sa sakayan at pati na sa kanya, "Okay po." 

Matapos nun ay sumakay na nga ako sa kotse. Wala ako nagawa kundi sumunod nalang din dahil sa ayoko rin naman na mapagsabihan si kuya ni Pa dahil alng sa hindi niya nasunod ang utos niya. Habang nakatingin sa bintana ay ang sabi sakin ni kuya driver, "Pasensiya na po ulit ma'am dahil sa napilitan po kayo na magpahatid. Sumusunod lang po talaga ako sa utos ni sir. 

"Okay lang po yun, alam ko naman na ginagawa mo lang po ang trabaho mo eh, kaya naiintindihan ko po." Matapos nun ay ang sabi niya sakin, "Maraming salamat po ma'am at naiintindhan niyo po." Napangiti nalang ako sa kanya matapos niyang sabihin yun.

Napatanong ako, "Ay Kuya, si Jas po ba nauwi na?" Sabi niya, "Opo ma'am, sinundo ko po siya knina. Kanina pa po siya nakauwi." Sabi ko, "Ah, mabuti naman po kung ganon. Maraming salamat."

Matapos nun ay napatingin nalang ako sa bintana at medyo muling napasimangot. Napasimangot ako siguro kasi dahil sa naisip na maari na lagi ng may magsisilbi sakin which is hindi ko alam kung okay ba o hindi, dahil sa hindi lang ako sanay na pinagsisilbihan ako o dahil sa  medyo halos lahat ng bagay ay may gumagawa na para sakin. 

ALIENS AND STARS, LIKE YOU AND ME (BOOK 2)Where stories live. Discover now