CHAPTER 5

4 0 0
                                    

Pagkagising ko ay biglang nalang ako naalimpungatan dahil pagtingin ko sa orasan ay 9:00am na, kaya napabangon ako sa pagkakahiga at ang sabi ko, "BAKIT HINDI NAG-ALARM YUNG CELLPHONE KO?!" Nagulat si Faye na nag-aayos ng buhok niya dahil sa bigla kong pagbangon, ang sabi niya, "Agh! Ano ba?! Kagulat ka naman eh!"

Bumango ako mula sa pagkakahiga ko at nagmamadaling kumilos, "Sorry sorry, late na kasi ako eh, yung cellphone ko kasi hindi nag-alarm eh." Kinuha ko ang tuwalya ko at kinuha ang unform mula sa kabinet ko. Ang sabi ni Faye habang nakatingin sakin, "Oy oy oy oy teka nga, kumalma ka nga."

"Asan na ba yung isang ka-terno ng sapatos ko?  Bakit di ko makita?" Sabi ko habang naghahanap sa ilalalim ng kama. "Ay yun!" Sabi ko ng makita ang katerno sa dulo ng kama.

Habang inaabot ko ang isang ka-pares ng sapatos ko, ang sabi ni Faye sakin, "Sam, um, bakit ka ba nagmamadali?" Sabi ko habang pilit parin inaabot yung ka-terno ng sapatos, "Di-ba ang sa-bi ko sayo...na late na nga a-ko." Tanong ni Faye, "Late?"

Sagot ko, "Oo." Nang nakuha ko na ang ka-terno ng sapatapos ko dahan-dahan ako umusod pabalas ng ilalam ng kama. "AHA!" Sabi ko ng itinaas ko ang nakuha kong ka-terno ng sapatos.

Habang nakatingin sa hawak kong sapatos at habang hinihingal ng bahagya, ang sabi sakin ni Faye, "Eh diba sabi mo sakin wala kang pasok tuwing Sabado?" Dahan-dahan ako napalingon at napatingin kay Faye. Sabi sakin ni Faye pagtingin ko sa kanya "Sam, sabado ngayon."

Maya-maya pa ay nakaupo kaming dalawa sa upuan sa hapag kainan namin. Nanatili lang akong tahimik at nakatulala. Si Faye naman ay bahagyang tinatawanan ako at umiinom nalang ng kape niya. 

Pagtingin ko sa kanya ay ang sabi niya, "Yan, masyado ka kasing masipag eh." Napainom nalang ako ng kape ko, "Okay lang yan, may PASOK ka naman din eh. Sa Cafe nga lang, kaya maligo ko na ah." 

Pagtayo niya mula sa pagkakaupo niya ay nagayos na siya ng gamit niya. Maya-maya pa ay pagkakuha ko ng tuwalya ko ay ang sabi ni Faye, "Gisingin ko na si Jas ah, diba sasama natin siya sa Cafe." Tumango ako at ang sabi ko "Yes." 

Sabi ni Faye, "Okayyy." Matapos ang isang oras ay natapos na ako na maligo at si Jas naman ang sunod na naligo. Matapos ni Jas ay nakapagbihis na ako kaya habang nag-aayos na ako ng gamit ko ay nagbibihis na si Jas. 

Pagbihis ni Jas ay agad na kami na dumiretso na pumunta sa Cafe. Pagpunta sa Cafe ay ginawa na namin ang kailangan namin na gawin. Nag re-stock kami at pagkatapos noon ay nagsimula na kaming nagbukas at nagpapasok ng mga customer. 

Sabi ni Faye nang makita namin na may mga papasok a customers, "Okay, sabado ngayon, phew it's gonna be a busy day today." Sabi ni Yuwan, "Ready girls?" Sabay naming sabi ni Faye "Ready!" 

Matapos na nga namin na sabihin yun ay nagsimula na kami na kumilos, si Faye sa cashier at kaming dalawa naman ni sa paggagawa ng orders. Gawa dito, gawa doon, linis ng lamesa dito, linis ng lames doon, tawag ng pangalan dio , hatid ng orders doon. Sa totoo lang, hindi pa nga ganung kadami ang mga customers eh, mas madami pa ang customers pag holiday o kahit na sunday palang.

Kaya ng lunchtime na ay medyo kumonti ang tao, madalas kasi sila ay nasa restaurants o fastfood pa. Kaya habanag iilan nalang at iilan palang ang tao ay nag-iisa na kami na magsalitan na mag lunch break. Nauna si Faye, sinabay na ni Faye si Jas sa pagkain ng lunch para hindi malipasn ng gutom si Jas. 

Oo nga pala, kung nagtataka kayo kung ano ang ginagawa ni Jas pag busy kami, siya ang naghuhugas ng mga ginagamit naming sa paggawa ng mga orders kaya hindi siya maiinipan. Gusto niya kasi tumulong at napumilit siya samin at kay Sir Cesar na tumulong sa cafe, kaya napapayag niya naman siya ni Sir Cesar. 

Matapos nila Faye at Jas na kumain ay pinauna ko na si Yuwan na kumain. Matapos ang islang saglit agad naman natapos si Yuwan na natapos kumain. Pagbalik ni Yuwan ay nagulat ako, sabi ko sa kanya "Oh, ang bilis mo naman kumain." 

ALIENS AND STARS, LIKE YOU AND ME (BOOK 2)Where stories live. Discover now