CHAPTER 20

1 0 0
                                    

Pagpasok namin ng Amusement park ay namangha kami ni Jas dahil sa first time namin na makapunta at bago sa paningin namin ang ganung lugar. Usually lang naman ay ang napupuntahan namin ni Jas yung mga rides sa mga mall eh. Pero yung sa mismo Amusement Park ay hindi pa kami nakakapunta. 

"Oh, sige na, pili na kayo kung ano gusto niyo sakyan diyan. You can ride whatever you can." Napangiti kami ni Jas at sumubok na pumila sa isang rides. Pagpila namin ay napigilan kami ni Pa, "Star, Jas, wait a minute. I forgot You two are still in uniform." 

Nagkatinginan kami ni Jas at ang sabi ko, "Hindi po ba pwede po ba nakauniform sa loob?" Sabi ni Pa, "Hindi naman,  but you can move more comfortably if you're not in uniform." Nagkatinginana lang kami ni Jas, at ang sabi ko, "Ah! Kaya pala! Natatandaan ko na ang sabi ni ate Rose na may damit daw po siyang nilagay sa backpack ko eh."

"Ay oo nga pala! Sinabi sakin ni Ate Jen na may nilagay siyang damit sa bag ko." Sabi ko kay Pa,  "Pa, kunin nalang po natin yung bag namin ni Jas sa kotse niyo para kunin po yung mga damit namin pang palit." 

"There's no need to do that." Sabi ko, "Eh pano po kami magpapalit kung hindi po namin kukunin yun?" Sabi ni Pa, "We can just buy some clothes in their shop here."

Hindi kami nakaimik ni Jas nang sabihin yun ni Pa. Grabe, nakalimutan lang namin dalhin yung bag namin, bibili na kami agad ng bago? Ganto ba talaag kayaman si Pa? Bili agad??

"Come on, let's go." Sinundan namin siya, at pagkapasok namin sa loob ay bumili nga kami ng damit pang ibaba at pang itaas. Nang magpalit na kami ng damit ay inilaga namin ang uniform namin ni Jas sa bag kung saan ay binili rin Pa, pati na ang mga hat/cap.. 

Matapos nga nun ay nagsimula n nga kami pumila. Pumili kami sa maraming tao, "Mga anak, don't go there, dito tayo. Your ticket that I bought is an 'Express Ticket', I bought it so that we don't have to stand in a long line." Napakunot kami ng noo at medyo napangiti nalang.

Tanong ko sa sarili, "Hindi ba mahal ang ganong klaseng ticket?" Naku, nakakamagkano na kaya si Pa sa mga binili niya para samin. 

Nang makapila na kami ay nagulat ako at kasama namin si Pa. Tanong ko, "Sasakay ka rin po ng mga rides?" Pinakita niya ang ticket na nasa wrist niya, at pagkakita ko ay katulad ng ticket namin ang ticket niya. 

Nagulat kami ni Jas at para bang hindi makapaniwala. I mean, alam ko na may mga magulang na sinasamahan ang mga anak nila pero hindi ko aakalain na sasamahan kami ni Pa na sumakay ng mga rides. Habang nakapila ay nakatingin ako kay Pa, "Bakit? Why are looking at me?" 

Sabi ko, "Sure ka po ba sasakay ka sa mga rides kasama namin?" Sabi niya, "Yeah, why not? It's our bonding after all, am I right?" Tumango ako napangiti nalang ako, 

Nang kami na ay sumakay na kami doon. Medyo kinakabahan ako dahil nga first time ko sumakay sa mga ganitong rides. Pagsakay namin doon ay pakiramdam ko na nasa ere ako sa sobrang taas ng rides na yun. 

Matapos ang rodes na yun ay nakita ko na tumatalon si Jas, "Ang saya nun ate!"  Sabi ko, "Oo nga eh, buti ka takot sa heights." Sabi niya, "Siyempre naman ate, ako pa. Bakit ikaw ate? Natatakot ka noh?"

"Ako? Natatakot? Hindi ah! Baka nakakalimutan mo, sinamahan kaya kita nung nag Ferris wheel tayo." Sabi ni Jas, "Ay oo nga pala." Napatingin ako kay Pa at pagtingin ko sa kanya, nakatingin at nakangiti siya samin. 

"Ikaw Pa? Okay ka lang?" Tanong ni Jas, "Kaya nga Papa, okay ka lang po ba? Hindi ka natakot?" Sabi niya,  "Me? Scared? Never? This ride is nothing. I can ride there kahit na isang daang beses pa." 

Napangiti at napatawa nalang kami ni Jas sa pagyabang ni Pa. Matapos nun ay pumila na nga sa ibang rides. Sumakay na nga kami sa mga Carousel, Viking ride, at flying swing rides at roller coaster. 

ALIENS AND STARS, LIKE YOU AND ME (BOOK 2)Where stories live. Discover now