CHAPTER 11

1 0 0
                                    

"Kailangan ko na po mauna." Paalam ko kay Mr. Maximillian.  Sabi niya, "Oh okay, take care. Salamat din." 

Nanlaki ang mata ko, tanong niya, "Bakit?" Sabi ko, "Ah w-wala lang po. Ngayon ko lang po kasi na narinig ka magtagalog eh." Napangiti siya, "Hindi mo nga ako kilala." 

Sabi ko, "Ah sorry po." Napakunot siya ng noo at ang tanong niya, "Bakit ka nagsosorry?" Sabi ko, "K-kasi po... hindi kita kilala?" 

Napangiti uli siya, "Hindi mo kailangan magsorry dahil lang sa hindi mo'ko kilala. Hindi mo rin naman kasi ako kailangan na kilalanin. I'm just surprised because I never thought that there are still people like you who don't know me, even though my face is almost everywhere on social media." 

Napangiti nalang ako sa sinabi niya. Matapos nga nun ay nagpaalam na nga kami ng tuluyan sa isa't-isa. Pag-aalis ko dun ay pagbaba ko ay nagpasalamat ako sa guard na nagbantay ng bike ko, "Salamat po!" 

Matapos nun ay bumalik na nga ako ng cafe. Pagkabalik ko ng cafe ay nakita ko sina Faye at Yuwan na gumagawa ng orders habang may mahabang pila sa counter. Pagkakita nilang dalawa sakin ay sabay napahinga sila ng maluwag at napasabi sila ng sabay, "Sam!" 

"Ah, eto na!" Agad ko na nakuha ang gusto nilang sabihin, which is na tulungan ko sila. Kaya naman ay agad na akong lumapit sa kanila at agad silang tinulungan. 

Makalipas ng ilang oras ay balik na naman sa katahimikan ang cafe dahil sa umunti na ang tao dahil sa ang iba ay natapos na sa kanilang pagkain or inumin. Sabi ni Faye pagkaupos sa upuan, "Hayst, thank you lord, nakaupo din." Napangiti nalang ako dahil sa sinabi ni Faye. 

Napatingin sakin si Faye at ang tanong niya, "Hindi pa ba sumsakit paa o hita mo sa tagal natin na nakatayo kanina?" Umiling ako at ang sabi ko, "Hmm, medyo masakit narin kaso kailangan ko pa 'to tapusin." Sabay angat sa pagpupunas ko ng mga nahugasan na mga baso. 

Biglang pumalpak si Yuwan habang nakatayo sa tabi ni Faye, "Wow! Sipag talaga ni Ma'am Sam." Tinignan ko siya ng masama, "Ginagawa ko lang ang kailangan gawin noh." Sabi ni Faye, "Hay naku, tigilan mo na nga si Sam, buti nga siya kahit masakit na ang katawan parang robot parin dahil sa walang tigil na pagkilos eh." 

Tinignan ko din ng masama si Faye at sarcastically kong sabi, "Ha-Ha-Ha." Napangiti nalang silang dalawa sakin, "Sige asarin niyo lang ako." Sabi ni Faye, "Hindi na, hindi na, change topic nalanga. Bakit nga pala medyo natagalan ka kanina sa pagdeliver? May problema ba sa mga orders?" 

Pagkatapos ko mag punas ay inilapag ko iyon sa lalagyanan. Pag lapag ko ay umiling ako sa tanong ni Faye, "Wala. Wala namang problema sa mga orders." Tanong ni Yuwan, "Eh bakit ka nga medyo natagalan ka kanina?" 

"Umm-" Napakunot ng noo sina Faye and Yuwan sa pagtataka sa kung ano man ang sasabihin ko, "Well, nakausap ko kasi si Mr. Maximillian kanina." Nawala ang kunot sa noo ni at nanlaki ang mata Faye ngunit si Yuwan naman ay napakunot pa lalo ng noo. 

Sabay silang nagsalit ngunit magkaiba ng tono at ng sinabi, "Huh?"/ "Ha?!" 

"Si Mr. Maximillian De la Luna?" Tanong ni Faye. "Maxi-Sino daw?" Tanong naman ni Yuwan. Napabuntong hininga si Faye kay Yuwan, "Si Mr. Maximillian De la Luna, yung-" 

Hindi na natuloy ang sasabihin ni Faye nang biglang napatakip ng bibig at nanlaki ang mata ni Yuwan ng marealize kung sino ang tinukoy ni Faye. "Yung CEO ng Axel Corporations?!" Tanong ni Yuwan kay Faye sabay salitan ang kanyang tinging samin ni Faye. 

Sabay kaming tumango ni Faye sa tanong niya. Napalingon silang dalawa at sabay na lumapit sakin. Tanong ni Faye, "Anong pinagusapan niyo?" 

Sabi ko, "Um... medyo seryoso lang yon." Tanong ni Yuwan, "Seryoso?" Sabi naman ni Faye, "Teka, teka nga, kwento mo nalang hanggang sa simula, okay? Okay." 

ALIENS AND STARS, LIKE YOU AND ME (BOOK 2)Where stories live. Discover now