CHAPTER 16

3 0 0
                                    

"What's this?"

Sabi ko, "DNA results namin ni Mr. Maximillian."

Nanlaki ang mata niya nang marinig niya ang sinabi ko. 

Habang nagtinginan lang kami ni AA ay parang gusto ko maiyak sa sobrang kaba. Unti-unting nawala ang pagkagulat sa itsura ni AA pero napalitan ng pag-aalala ang tingin niya nang makita akong kinakabahan. Maya-maya pa ay lumabas muna kami ng cafe ni AA. 

Habang nasa labas ay nanatili akong nakatingin sa envelop na hawak ko. Habang nakatayo doon ay nahirapan ako makahinga dahil sa kaba. Sabi ni AA, "Sam, relax, inhale, exhale, inhale exhale." 

Sinunod ko ang sinabi ni AA, nag inhale at exhale ako. Nang makahinga ako ay nagtanong siya sakin, "Wait, let me just ask, why are your and Mr. Maximillian's DNA results sent directly to you? And not his? " Sabi ko, "Well, actually, meron din naipadalang envelope kay Mr. Maximillian. Aksidente lang daw na dalawang nagawang kopya ng results kaya may ipinadala sakin at pati na kay Mr. Maximillian."

Sabi niya, "Ah, okay." Sabi ko, "Yung tumawag sakin kanina, si sir Darwin yung secretary ni Mr. Maximillian, siya nagsabi sakin ang tungkol sa envelope. Sinabi niya na rin sakin na... pwede ko na daw makita ang reulta ng envelope dahil sa may biglaang meeting kailangan attendan ni Mr. Maximillian."

Hindi nagsalita si AA, "Sabi sakin ni sir Darwin, didiretso daw sila dito agad pagkatapos na pagkatapos ng meeting ni Mr. Maximillian." Tanong ni AA, "So does that mean he still doesn't know the DNA results?" Tumango ako at ang sabi ko, "Parang ganon na nga."

Hindi siya nakapagsalita, napatingin naman ako sa envelope na hawak ko. Napaangat ako ng tingin kay AA nang magsalita siya. Tanong niya, "So... are you going to open it and see the result?"

Sabi ko, "H-hindi ko alam eh." Maya-maya pa ay nagulat ako ng bigla may nagsalita, "Tignan mo na kaya, Sam." Paglingon ko ay nakita ko si Yuwan na nakatayo sa may gilid. 

"Ay, sorry. Iwan ko muna kayo diyan." Pag-alis ni Yuwan ay napalingon ako kay AA. Paglingon ko sa kanya ay hinawakan niya ang balikat ko at ang sabi niya sakin, "Sam, it's your choice." 

Tinigan ko lang siya, "It's your choice whether you want to see the result already or not."

Hindi ako nagsalita, sabi ni AA sakin,  "Just take your time." Matapos niyang sabihin yun ay inalis niya ang pagkakahawak niya sa balikat ko at nanatili lang siyang nakatingin sakin.

 Nanatili akong katingin kay AA ng ilang saglit. Pagtingin ko kay AA ay bumalik ang tingin ko sa envelope.Habang nakatingin ako sa envelope ay lalong bumilis ang tibok ko sa kaba. 

Maya-maya pa ay naalala ko nalang ang mga pinagdaanan ko tungkol sa pag-iisip at paghahanap sa tunay kong mga magulang.


"Gusto ko na kasi mahanap at makita ang mga magulang ko eh."

"Ang nanay at tatay na tinutukoy ko kanina, ay hindi ko tunay na mga magulang. Inampon lang nila ako."

"Kung hindi lang nawala lahat ng pinagipunan kong pera, edi sana nahanap ko na sila."

"Nawala ang pinag ipunan kong pera dahil sa boyfriend ng nanay kong magnanakaw."

"Ang pera pa namang yun ay para sa dalawang bagay. At ang bagay na yun ay una, iyon ay para sa kapatid ko. At ang pangalawa, ay iyon ay para naman sa paghahanap ng magulang ko."

"Hindi ko na mahahanap ang tunay ko mga magulang."

"Hindi pwedeng mawalan ako ng scholarship, kailangan ko yung scholarship para makapagtapos ako ng college, kailangan makapagtapos ako para kay Jas."

ALIENS AND STARS, LIKE YOU AND ME (BOOK 2)Where stories live. Discover now