CHAPTER 10

3 0 0
                                    

Maya-maya pa ay natapos na din sina Faye at Yuwan na kumain. Sabi ni Yuwan, "Teka, bakit parang ma naaamoy akong mabango." Pumikit siya at inamoy-amoy niya ang pligid hanggang sa lumapit siya sa paper bag na itinabi ko sa counter. Napadilat siya at ang sabi niya, "AHA!"

Tumingin siya sakin at tinuro niya ang paper bag, "Saan galing 'to?" Sabi ko, "Ah... yan?" Tumango siya ng mabili, "Opo." 

Sabi ko, "Ah, galing yan kay Ryan." Sabay silang sabi, "Kay Ryan?!" Lumapit si Faye sakin at ang sabi niya, "Kailan siya pumunta dito?" 

Sabi ko, "Ah kanina, nung pagkaalis niyo ni Yuwan para kumain." Sabi ni Faye, "Sayang hindi namin siya naabutan." Sabi ni Yuwan, "Abaaa, may pa ganito oh. Ay teka, nasaan na?"

Napakunot ako ng noo, "Nasaan na?" Sabi ni Yuwan, "Oo, nasaan na?" Tanong ko, "Nasaan na ang alin?" 

Sabi niya, "Nasaan na ang mga flowers? Saan mo sila itinabi?" Nawala ang kunot sa noo ko at tinignan ko lang siya ng masama, "Flowers ka diyan, walang flowers noh." Sabi ni Yuwan "Ay bakit wala?" 

Sabi ni Faye, "Ano ka ba siyempre hindi pa nila date noh. Pag nagdate na sila tsaka magkakaroon ng mga flowers si Sam. Eh typical na araw lang naman ngayon eh kaya wala pang flowers."  

Sabi ni Yuwan, "Sabagay."  Sabi ni Faye, "At tsaka okay na yan noh, pagkain, tamang-tama lang sa lunch time ni Sam." Sabi ni Yuwan, "Okay. Tara tignan nga natin kung ano mga pagkain."

Pagkatingin nila sa pagkain ay ang sabi ni Yuwan, "Wow, ang dami naman nito." Sabi ko, "Oo nga eh. Medyo madami-dami nga." Sabi ni Yuwan, "Naku pag hindi mo naubos nandito lang kami ni Faye. DIba Lovey?" 

Sabi ni Faye, "Ano ka ba? Hindi para satin yan noh. Para kay Sam yan."  Sabi ni Yuwan, "Oh bakit? Hindi ko naman inaakin ah. Sinabi ko lang na kung hindi niya kayang ubusin lahat, andito tayo, tayo tutulong para ubusin niya lahat ng 'to. Diba nga? Bawal magsayang nag pagkain, because food is a blessing."

Napailing nalang si Faye nang sabihin yun ni Yuwan. Napangiti ako at ang sabi ko kay Faye, "Wag kang mag-aalala Faye, tama si Yuwan, sayang naman lahat ng 'to kung hindi ko mauubos. Kaya pwede naman tayo magshare sa pagkain madami-dami naman mga 'to eh." 

Sabi ni Faye, "Okay. Kakain kami niyan maya-maya. Kakain lang naman din namin eh. Kaya ikaw naman ang kumain okay?" Kinuha niya ang paper bag at ibinigay iyon sa akin." 

Pagkatapos nun ay silang dalawa na nga ang naiwan para magbantay at umasikaso sa mga customers. Pagkaupo ko ay inilabas ko ang mga pagkain at binukan ang bawat cointaner ng pagkain. Pagkabukas ng mga yun ay ang sabi ko sa sarili, "wow, mukhang masasarap lahat ng 'to. Kaso medyo madami nga. Ah basta, kakainin ko lang lahat ito hangga't kaya ko."

Makalipas ang ilang saglit ay natapos na nga akong kumain. May mga natira pero kakaunti lang naman. Sabi ko sa sarili ko, "Ah sakit ng tiyan ko, masyado ata akong nabusog." 

Maya-maya pa ay nakareceive ako ng message. Pagtingin ko sa message ay yun ay galing kay Ryan, ang sabi, (Kamusta? Nakakain kana? Madami ka bang nakain?) Pinicturan ko ang ibang ubos na container at nag-selfie na din na naka thumbs-up. 

Sinend ko yun sa kanya at ang sabi reply ko, (Oo, madami akong nakain, ang sarap lahat. Thank you ulit sa mga pagkain.) Pagkasend ko nun ay agad na nagreply siya, (That's good. Get some rest before going back to work okay?) Reply ko, (Okay😊) 

Matapos nga nun ay pagkapahinga ko ng saglit ay itinabi ko na ang pinagkainan ko. Pagkatabi ko nun ay bumalik na nga ako sa trabaho. Napansin ko na madami na ang mga customers kaya agad kona na tinulungan sina Yuwan at Faye. 

Maya-maya pa ay habag busy kaming tatlo sa paggawa ng mga orders ay mga iilan nalang na customers ang kailangan namin na nagawan ng orders. Napatayo kaming dalawa sa gilid at ang sabi ni Faye, "Hayy grabe! Daming tao ah." Sabi ko, "More like, ang daming blessings din." 

ALIENS AND STARS, LIKE YOU AND ME (BOOK 2)Where stories live. Discover now