CHAPTER 43

1 0 0
                                    

Makalipas ang ilang oras at pagkatapos namin kumain ng hapunan nila Jas, sabi ni Jas, "Pa, Ate, tapos na. Pwede na niyo kwento sakin kung ano'ng nangyari." Muli kaming nagkatinginan ni Pa nang sabihin ni Jas 'yun. Pagtingin namin sa isa't isa, ay muli siyang napatingin kay Jas. 

Sabi niya, "Okay, we'll tell you sa living room." Matapos 'nun, pag-upo namin sa living room ay dinalhan kami ng tubig ni Ate Rose. Pagdala niya ng tubig sa lamesa, kami tatlo na nga lang ang naiwan doon para makapag-usap. 

Maya-maya pa ay huminga ng malalim si Pa. Paghinga niya ng malalim ay nagsimula na siyang magsalita, "Jas, um, nung pumunta kami ni Ate Star mo sa Osaka, sa Japan, ay pumunta rin kami sa dati kong pinagtatrabahuhan. Pumunta kami doon dahil nalaman ko na may nabalitaan si Yosuke Tanaka, ang boss ko dati, tungkol kay Tita Gabi mo. Sinabi niya sa amin na dati daw nagtrabaho si Tita Gabi mo sa hospital bilang janitress para may pangbayad sa bayarin ko nung naospital ako. Nang sinabi niya sa amin ang pangalan ng kaibigan niya na si Kenji Nakamura, sinabi niya rin na puntahan namin siya para makausap tungkol kay Tita Gabi mo." 

Nanatili nakatingin at nakikinig si Jas kay Pa. Sabi ni Pa, "Kaya nung pinuntahan namin siya sa work niya sa hospital, sabi sa amin na wala siya doon dahil pumunta daw si Kenji sa Osaka Castle. Nang puntahan namin ang Osaka Castle, nakita namin siya doon at nagpakilala kami sa isa't isa. Matapos 'nun, kinausap ko si Kenji tungkol kay Tita Gabi mo. Nang ikwento niya ang nangyari kay Tita Gabi mo, nagulat ako." 

Tanong ni Jas, "Bakit? Ano ba ang nangyari kay Tita Gabi?" Sabi ni Pa, "Well... medyo mahaba kasi ang kwento niya eh. Pero... siguro um... sasabihin ko na lang kung bakit hindi namin siya kasama ngayon." Tanong niya, "Bakit nga po ba hindi niyo siya kasama? Nahanap niyo po ba siya?" 

Maya-maya pa ay napalingon at napatingin sakin si Jas nang magsalita na rin ako para matulungan si Pa na sagutin ang mga tanong ni Jas. Sabi ko, "Nahanap namin siya kaya lang..." Sabi ni Jas, "Kaya lang ano po?" 

Sabi ko, "Kaya lang hindi naman siya nakasama umuwi dahil sa..." Nanatili na nakakunot ang noo ni Jas at nakatingin sakin habang inaantay ang sasabihin ko. Sabi ko, "Dahil wala na siya, patay na siya." 

Nanlaki ang mata niya sa gulat nang marinig niya ang sinabi ko. Sabi niya, "A-ano? Pa-patay na siya?" Tumango ako at sabi ko, "Oo eh. May nangyaring hindi maganda sa kanya kaya namatay siya. Hindi namin maikukwento pa sayo ang lahat kaya sana maintindihan mo." 

Hindi nakapagsalita si Jas nang sabihin ko 'yun sa kanya. Maya-maya pa ay niyakap na lang niya ako bigla. Pagyakap niya sakin, tinanong niya ako, "Okay ka lang ba, Ate?" 

Sabi ko, "Oo, okay na 'ko. Naging malungkot na ako nung nasa Japan kami eh. Iniyak ko na lahat-lahat nung andoon kami." 

Hindi siya nagsalita at nanatili lang siyang nakatingin sakin. Sabi ko, "Okay na ako dahil din kay Kuya AA mo, tinulungan niya ako maging okay. Kinomfort niya ako kaya naging okay ako." Dahan-dahan naman akong napangiti matapos kong sabihin 'yun. 

Napangiti naman sakin si Jas at sabi niya, "Sure ka, Ate? Okay ka na?" Tumango ako, "Yes, okay na ate mo noh. Ano ka ba? Kilala mo naman ako diba? Strong ang ate mo eh, kaya okay na 'ko." Tumango siya at sabi niya, "Mabuti naman kung ganon." 

Matapos niyang sabihin 'yun ay napatingin siya kay Pa. Sabi niya kay Pa, "Eh ikaw papa? Okay ka naman po ba?" Umiling si Pa kaya napakunot kami ng noo. 

Sabi niya, "Medyo okay ako at medyo hindi ako okay. Pero kahit na medyo hindi ako okay ay medyo okay naman na ako diba?" Napangiti kami ni Jas dahil sa sinabi ni Pa. Matapos 'nun, sabi ni Pa, "Wag mo akong aalahanin, magiging fully okay din ako. Hindi lang naman ako magiging okay kung malaman ko at makita ko kayong ni Ate Star mo na hindi okay. Kaya ngayon na makita ko na okay kayo, ay tingin ko magiging okay na rin ako." 

ALIENS AND STARS, LIKE YOU AND ME (BOOK 2)Where stories live. Discover now