CHAPTER 47

2 0 0
                                    

Pagpasok ko sa school ay nakita ko na ang uusap si AA at Kayla. Napayuko naman ako nang makita ko sila. Naglakad ako na nakayuko para hindi nila ako makita. 

Maya-maya nalang ay bigla nalang ako nakabangga. Sabi ko, "Ay sorry po." Napaangat ko ng tingin nang magsalita siya, "Sam?" 

Pag-angat ko ng tingin ay nanlaki ang mata ko ng makita ko si AA na nakatingin sa akin. Napaatras ako at ang sabi ko, "Um, s-sorry, hindi kita nakita." Napalingon ako at napatingin ako kay Kayla. 

Sabi niya, "Good morning Star." Nginitian niya akong sabihin niya sa akin yun. Sabi ko, "Ah, g-good morning, pasensya na hindi ko sinasadya na mabangga si AA." 

Napakunot ng noo si Kayla at ang sabi niya, "O-okay, why are you saying sorry to me?" Sabi ko, "A-ah, a-ano kasi...." Napatingin ako kay AA at pagtingin ko sa kanya ay napatingin uli ako kay Kayla. 

Sabi ko, "A-ah kasi... kailangan ko na pumunta sa klase. See you nalang mamaya." Matapos nun ay kumaway ako sa kanilang dalawa. Pagkaway ko sa kanila ay agad naman akong naglakad papalayo sa kanila. 

Sabi ko, "Hay naku, bakit kasi hindi ako nag-iingat. Baka magalit o magselos sa akin si Kayla eh." Pagpasok ko ng classroom ay agad naman akong umupo sa pwesto ko. Pag-upo ko sa pwesto ko ay agad naman na dumating yung prof namin. 

Habang nagdidiscuss yung prof namin ay napapaisip na naman ako, naiisip at naalala ko pa rin si Ryan. Panigurado ay nasasaktan pa rin ngayon si Ryan. Makalipas ang ilang oras, habang nasa cafeteria at kumakain kami, napansin ko na wala pa si AA at si Kayla. 

Sabi ko kay Avaline, "Avaline, ikaw palang ba ang nandito kanina nung dumating kami ni Gab?" Sabi ni Avaline, "Ah, yes, I was the only one here earlier before you and Gab came." Sabi ko, "So wala pa rin sina AA at Kayla dito kanina nung pumunta ka dito?" 

Tumango siya at ang sabi niya, "Yes, they were still not here when I came." Sabi ko, "Ah, okay." Matapos nga nun ay pinagpatuloy nalang namin na kumain. 

Maya-maya pa, matapos ng ilang saglit, ay nakita ko si AA at si Kayla na papunta at papalapit sa amin. Pagkita ko sa kanila ay ang sabi ko, "Mukhang magkasama at sabay silang pumunta dito." Paglapit nila ay ang sabi ni Kayla, "Sorry, sorry if we only arrived just now." 

Sabi ni Avaline, "It's okay, don't worry about it." Matapos nun ay nanatili lang akong tahimik. Habang nanatili lang akong tahimik ay napatingin naman ako kina AA at Kayla. 

Pagtingin ko sa kanila ay kinakausap ni Kayla si AA at si AA naman ay nanatili lang na nakatingin at nakikinig sa kanya. Napayuko nalang ako nang makita ko sila na nag-uusap. Iba pa rin ang nararamdaman ko nang makita ko sila. 

Para bang nanghihina ako nung nakita ko sila na magkasama kanina nung sabay sila na pumunta at ngayon naman na nag-uusap sila. Umiling nalang ako dahil sa naramdaman ko. Maya-maya pa, makalipas ang ilang oras, ay pagtapos ng breaktime ay bumalik na nga kami sa mga kanya-kanya naming klase. 

Pagbalik namin sa klase ay hindi pa man ako nakakaupo sa pwesto ko ay tinawag ako ni Gab, "Star." Napalingon at napatingin ako sa kanya nang marinig ko na tinawag niya ang pangalan ko. Pagtingin ko sa kanya ay nilapitan niya ako. Paglapit niya sa akin ay ang sabi niya, "I just want to ask you something." 

Napakunot ako ng noo sa pagtataka. Tanong ko sa kanya, "Ano yun?" Sabi niya, "Well, I just want to know if you and Ryan have a problem?" 

Nawala ang kunot sa noo ko at nabigla naman ako sa tanong niya. Sabi niya, "Well, because weren't you the last one to talk to him, right? That's why I wanted to ask if you two had a problem." Hindi ako nakapagsalita nang sabihin niya yun. 

Sabi niya, "I know Ryan well; if he has a problem with someone, he won't show up. So I thought, since you two were the last to talk, maybe you had a problem with each other." Matapos niya sabihin yun ay napayuko ako. Pagyuko ay ang sabi ko sa kanya, "O-oo eh, medyo may problema kami, I mean medyo galit siguro siya dahil sa akin." 

ALIENS AND STARS, LIKE YOU AND ME (BOOK 2)Where stories live. Discover now