CHAPTER 13

3 0 0
                                    

Kinabukasan ay pagpasok ko sa school ay nakita ako ni Avaline, "Sam!" Agad na lumapit siya sakin at ang sabi niya, "I missed you. I know it seems like we haven't seen each other only for a few days, but still, I missed yo-."Hindi natuloy ang sasabihin niya.

"A-are you okay? Bakit parang matamlay ka? DO YOU HAVE SICK?" Agad niyang hinipo ang noo ko para tignan kung may sakit nga ako. Sabi ko, "H-hindi, okay lang ako, um, inaantok lang hehe. Kulang sa tulog eh."

Tanong niya, "Why? Puyat ka?" Sagot ko, "H-hindi naman, um, nakulangan lang sa tulog eheh. Parang gusto ko nalang matulog araw-araw." Well, sinabi ko yun kahit na ang totoo naman ay napuyat nga ako kakaisip dahil sa nangyari kahapon.

Napangiti nalang siya at ang sabi niya, "Well, I know right, even me too. I just want to rest at home or just stay at home because I want to bake all day, but what can we do? We need to go to school." Napangiti nalang din ako sa sinabi niya, maya-maya pa ay nagring na ang bell, "Oh, that's our signal; see you later on break time at the cafeteria."

"See you." Sabi ko sa kanya. Pahabol na sabi niya, "Oh, sabihin mo kay Gab makinig siya sa discussion ng prof niyo ah." Sagot ko, "Okay."

Maya-maya pa ay kumaway na nga siya papalayo at kumaway na nga rin ako pabalik sa kanya. Nang makapasok ako ng classroom ay nakaupo na nga si Gab sa pwesto niya at muhkang nagbabasa ng libro. Paglapit ko ay ang sabi ko, "Ang sipag ah."

"Oh, hello Sam. Um, well, kailangan ko bumawi eh." sabi niya sabay tingin pabalik bigla sa binabasa. Sabi ko, "Ahh, kaya pala." Bumalik ang tingin niya skin at nagtanong, "Kaya pala?"

"Kaya pala sinabihan ako ni Avaline na sabihin ko sayo na makinig ka daw sa discussion ng pro natin." Napangiti siya matapos kong sabihin yon. "Really? She said that?"

"Oo." Sagot ko sa tanong niya. Sabi niya, "Well, noted." Tapos nun ay nang papaupo na dapat ako sa pwesto ko ay narinig ko ang sinabi niya kahit na sa mahina na boses. "I can't believe she cares."

Dahan-dahan din ako napangiti dahil sa sinabi niya. Hmmm, bakit parang may something sa kanila? Pagkaupo ko hindi naman na nagtagal ay pumaosk na ang prof namin at nagsimula na nga ang klase.

Nang magbreak time na ay sabay na kami na naglakad ni Gab papalapit kina Avaline, Kayla, at Ryan na nakaupo na sa pwesto kung saan kami ay usually na naupo tuwing breaktime.

Palapit namin ay upo na nga ako sa tabi ni Avaline at umupo na nga rin si Gab sa tapat naman ni Avaline napapanggitnaan namin ni Kayla. "Hello." bati sakin ni Ryan nasa tapat ko pagkaupo ko. Ngumiti rin siya matapos niya akong batiin kaya napangiti rin ako pabalik sa kanya.

"Hello." bati ko pabalik sa kanya. Tanong ni Ryan, "How are you? Did you rest well?" Sagot ko, "Ah oo."

"That's good." ngumiti siya sakin matapos niyang sabihin yun. Napangiti nalang din ako pabalik sa kanya. Maya-maya pa ay may tinawag si Gab, "AA!" Agad ako napalingon sa direksyon kung saan si Gab na nakatingin.

Pagkalingon ko sa direksyong iyon ay nakita ko si AA na naglalakad papalapit samin. Pagkalapit niya ay agad naman siyang umupo sa tabi ni Gab at sa tapat naman ni Kayla. Pag-upo niya ay binati siya ni Gab, "Sup bro."

"Sup bro." bati naman ni Ryan sa kanya. Matamlay na bati ni AA pabalik sa kanila, "Sup." Tanong ni Gab, "Are you okay? Bakit parang matamlay ka ngayon?"

Napatingin ako kayo AA para tignan ang itsura niya. Sagot ni AA sa tanong ni Gab, "Um, I'm just a little sleepy, just lack of sleep." Napatingin ako kay Avaline ng siya naman ang nagsalita, "You and Sam both said the same thing. Sinabi niya rin sakin yan nang tanungin ko siya kung bakit siya mukhang matamlay kanina."

ALIENS AND STARS, LIKE YOU AND ME (BOOK 2)Where stories live. Discover now