CHAPTER 9

4 0 0
                                    

Matapos namin mag served sa iilang customers ay nagpahinga kami ni Faye sa ttabi ng stock room.  Habang nakaupo biglang tumunog ang phone ko. Pagtingin ko sa phone ko ay may natanggap akong message.  

Kumunot ang noo ko kung dahil sa pagtataka kung kanino iyon galing. Tinignan ko ang mga messages na nakasulat ang pangalan ni Ryan.


Sabi niya sa text, 

[Good morning 😊]. 

Dahan-dahan nalang ako napangiti dahil sa sinend niyang message sakin.  

Reply ko sa kanya, 

[Good morning din 😊]. 

Maya-maya pa ay agad naman siyang nag message, 

[How's your day? Are you busy? Did I disturb you?]. 

Reply ko, 

[Hindi ah, hindi mo'ko naiistorbo. Ayos naman ang araw ko so far, kakatapos lang namin magbigay ng orders kanina, kaya medyo nagpapahinga lang kami dito].

Sabi niya, 

[You're at the cafe right now? You have work today?). Sagot ko (Oo eh.). Sabi niya, (Oh, okay, don't forget to take some rest, okay?).

Reply ko sa kanya, 

[Okay :)]. 


Maya-maya pa ay napatanong si Faye, sabi niya "Uyyy bakit parang napangiti ka ng slight diyan?" Napaangat ako ng tingin kay Faye at ang sabi ko, "Ah, kasi... si Ryan... nag message."

Faye "Huy oh!" Nakangiti si Faye nang sabihin niya yun, tinignan niya ako na para bang inaasar ako. Maya-maya pa ay ang nagulat ako may nagsabi ng panagalan "Sam!" 

Lumabas mula sa kurtina si Yuwan na galing sa counter ng cafe. Sabi ko "Bakit?" Sabi niya "Ikaw ah! May nanliligaw na pala sayo."  

Sabay ngiti niya matapos niya sabihin yun. Napalingon at napatingin ako kay Faye, tinignan ko ng masama si Faye at nginitian ako ni Faye. Sabi niya "Sorry, nakwento ko kay Yuwan hehehe." 

Bumalik ang tingin ko kay Yuwan, "Dun ka na nga! Walang tao dun oh. Baka may mga customers-" Hindi na natuloy ang sasabihin ko nang magsalita si Yuwan. Sabi niya, "Wala nang tao, umalis na yung mga customers natin dun noh." 

Sabi ko, "Eh paano kung may dumating na bago? Edi makikita nilang walang tao dito." Sabi ni Yuwan "ihhh hindi yan. So sabihin mo naman samin kung ano ang first move niya sayo?" Napakunot ako ng noo at ang sabi ko "F-first move?" 

Sabi ni Yuwan, "First move sa panliligaw." Sabi ko, "A-ahhh." Sabi ni Yuwan "So ano na nga?" Sabi ko, "Ah...w-wala  pa eh."

Sabi ni Yuwan, "Ha?! Kahit good morning messsage wala?" Sabi ko, "Well, meron, nag-message siya akin at... nag good morning nga siya sakin." Sabi ni Yuwan, "Yun OH!"

Sabi ko, "First move ba yun?" Sabi ni Yuwan at ni Faye ng sabay, "OO!" Tinignan ko silang dalawa, sabi ko "O-okay."

Sabi ni Faye, "Naku simula na yan." Tanong ko, "Simula ng?" Sabi ni Faye, "Simula ng panliligaw niya."

Natahimik ako, sabi niya "Sunod niyan, may pa-lunch na yan. Pagkatapos may pahatid-hatid." Nanatili lang akong nakatingin kay Faye. Sabi niya, "Tapos nun, message ng good night, tas baka bukas malay mo, bigyan ka niya ng Flowers or chocolates." 

Nagsalita bigla si Yuwan, "Hindi ba yung flowers and chocolates tuwing pang valentines lang yun?" Sabi ni Faye, "Ah..Oo! Pero mayaman si Ryan diba? So kahit kahit kailan naman pwedde niyang bilhan si Sam ng flowers and chocolate noh."

ALIENS AND STARS, LIKE YOU AND ME (BOOK 2)Where stories live. Discover now