CHAPTER 17

5 0 0
                                    

Maaga akong nagising habang nakahanda na ang almusal na inahanda ko ay ginising ko na si Jas para makakain siya. Pagbukas ko ng pintuan ng kwarto ay nakita ko si Jas na nagaayos ng kanyang mga gamit "Oh, kanina ka pa gising?" Napatingin sakin si Jas at ang sabi niya, "Opo ate." 

Napatingin ako sa mga gamit niya, nakita ko ang kanyang mga damit at mga iba pa niyang gamit. Tanong ko sa kanya, "Oh kala ko tapos na tayo mag-ayos kahapon?" Sabi niya, "May tinira pa kasi ako ate eh. Hindi ko alam kung dadalhin ko ba yung iba kong gamit sa paglipat natin o hindi kaya eto inaayos ko sila." 

Sabi ko, "Ah, okay. Oh basta medyo nbilisan mo na po yan dahil mag-aalmusal ka pa po. May pasok pa baka nakakalimutan mo po." Sagot ni Jas, "Sige ate, pagkatapos na pagkatapos ko dito baba na agad ako." 

Sabi ko, "Oh sige, mauna na akong maligo, nakapag almusal naman na ako eh. Para pagkatapos mo kumain makapagligo kana agad." Sabi niya, "Sige ate." 

Kinuha ko na nga ang tuwalya na nakasabit sa likod ng pintuan at pagkakuha ko nun ay agad na akong dumiretso papunta sa banyo. Kinatok ko ang pintuan ng banyo, "Faye, matagal ka pa diyan?" Sagot ni Faye, "Hindi naman, mag totoothbrush nalang." Sabi ko, "Okay."

Umupo muna ako sa upuan habang hinihintay na makalabas si Faye. Habang nag-aantay ay napatingin ako sa cellphone ko ng may biglang lumabas na MSG notif ko. 


Nakita ko na nakalagay don, 

[Good morning, Sam, this is Maximillian, your father. I just wanted to say, Take care when you go to school.}

Napangiti ako ng makita ko ang ang message na iyon. 

Ang reply ko sa kanya, 

[Good morning din po, Mr. Maximillian, thank you po, Ingat din po kayo sa pagpasok sa trabaho.]


Matapos nga nun ay sakto na lumabas na si Faye mula sa banyo. Pagkalabas ni Faye ay ang sabi niya sakin, "Oh ayan na po, ikaw na next. Teka, bakit parang nakangiti ka ata diyan habang nakatingin sa cellphone mo? Sino nag message sayo? Si sir Ryan ba yan?" Umiling ako, at ang sabi ko, "Si Mr. Maximillian." 

"Aww, first convo niyo magtatay. Hayst, what a good morning nga naman, hindi lang masaya ako dahil sa pretty ko today kundi masaya din ang Sam namin dahil sa tatay niya." Napaangat ang kilay ko at ang sabi ko, "Wow ah, masaya ka dahil sa pretty ka today?" 

"Yes noh! Sino hindi sasaya kung maganda siya ngayon noh." Napangiti at napailing nalang ako dahil sa sinabi niya. Bumati si Faye kay Jas nang pagkababa nito, "Good morning baby girl." 

"Good morning ate Faye." Pagakyat ni Faye ay tanong ko kay Jas, "Oh, tapos kana?" Pag-upo ni Jas ay ang sabi niya, "Oo, tapos na ate." 

Sabi ko, "Oh sige, kain kana diyan, sunod ka nalang maligo pagtapos ko." Tumango siya ata ng sabi niya, "Okay ate."Matapos nga nun ay kinuha ko ang tuwalyo ko at pumasok na sa banyo para maligo.

Matapos kong maligo ay sumunod naman na pumasok ng banyo si Jas. Habang ako naman ay nagbibihis ay nag mamake-up si Faye. Matapos kong magbihis ay kakatapos lang na maligo ni Jas. 

Habang inaantay namin si Jas ay nag-ayos ako ng gamit ko sa pagpasok pati na ang gamit ni Jas ay inayos ko. Nang matapos na magbihis si Jas ay agad siyang nag sapatos, "Inayos ko na gamit mo ah." Sabi niya, "Ah thank you ate." 

"Napatay mo ba mga saksakan sa taas baby girl?" Sagot ni Jas kay Faye, "Opo ate." Matapos mag sapatos ay sinuot niya na ang backpack niya. 

Paglabas namin ay nilock ko na ang pintuan, matapos nga nun ay tuluyan na nga kami na umalis. Dumiretso si Faye sa cafe, dumiretso si Jas sa school niya, at ako naman ay dumiretso na sa school ko. Habang naglalakad sa hallway ay biglang sumilpot si Avaline sa likod ko.

ALIENS AND STARS, LIKE YOU AND ME (BOOK 2)Where stories live. Discover now