CHAPTER 46

1 0 0
                                    

"May kailangan akong sabihin sa'yo."

Pinunasan ko ang luha ko, at pagkatapos ay tumingin ako kay Ryan. Pagtingin ko sa kanya, nanatili siyang nakakunot-noo sa pagtataka. Sabi niya, "Tell me, what do you need to tell me?"

 Sabi ko, "Well, gusto ko munang sabihin sa'yo na maraming salamat sa ginawa mo para sa'kin. Maraming salamat sa pagpaparamdam mo na special ako para sa'yo." Maya-maya, dahan-dahan nang nawawala ang pagkunot ng noo niya. Sabi ko, "Na-appreciate ko lahat ng ginawa mo para sa'kin, pero... tingin ko ay..." 

Nanatili siyang nakatingin sa'kin. Patuloy pa rin akong lumuluha dahil nalulungkot ako para kay Ryan. 

Sabi ko, "Kailangan mo nang tumigil sa panliligaw mo." 

Nagulat siya sa sinabi ko at muli siyang napakunot-noo. Sabi niya, "W-what? W-why? Why do you want me to stop courting you?" Hindi ako nakapagsalita at patuloy lang akong nakatingin sa kanya. 

Maya-maya, nagiging malungkot na ang itsura niya. Sabi niya, "Tell me, what did I do wrong? I said I would make it up to you, right? What's my fault?" Sabi ko, "Wala kang kasalanan... pinapatigil kita na manligaw..." 

Nanatili lang siyang nakatingin sa'kin. 

Sabi ko, "Kasi... may iba akong gusto." 


Nang marinig niya ang sinabi ko, napaluha na lang siya. Sabi ko, "I'm sorry." Umiwas siya ng tingin, at pag-iwas niya ng tingin, maya-maya ay muli siyang napatingin sa'kin. 

Pagtingin niya sa'kin, napatayo na lang siya at dahan-dahang naglakad palayo. Habang naglalakad siya palayo, patuloy pa rin akong nakaupo dun at umiiyak. Nalulungkot ako dahil alam ko na nasaktan ko si Ryan. 

Alam ko na nasaktan siya matapos marinig ang sinabi ko sa kanya. Napayuko ako at patuloy pa rin na umiiyak. Masakit para sa'kin na makita na nasaktan si Ryan sa sinabi ko. 

Pero kahit na masakit yun para sa kanya, kailangan niyang malaman yun para hindi na siya lalong masaktan sa pag-aasa niya. Sa sobrang pagluha ko, para bang hindi na ako makakita dahil sa patuloy na pagbagsak ng mga luha ko. Nanghihina ako, nanghihina ang kamay ko at buong katawan ko, at para bang hindi makagalaw dahil sa pag-iyak ko. 

Alam kong mahirap ito para sa kanya, pero para sa akin, nahihirapan din ako. Nahihirapan akong sabihin sa kanya kanina ang tungkol sa pagkagusto ko sa ibang tao dahil nag-aalala ako sa mararamdaman ni Ryan. Kahit na ako ang mismong nagsabi kay Ryan na tumigil siya sa panliligaw niya, masakit pa rin yun para sa'kin. 

Nasaktan ako dahil siguro ay naging kaibigan ko rin siya, at hirap ako makita ang kaibigan mong nasasaktan. Makalipas ang ilang saglit, nang kumalma na ako, naghihina pa rin ako nung lumapit na ako sa kotse kung saan si Kuya Driver na nakaparada. Paglapit ko dun, pumasok ako at sumakay sa kotse. 

Pagsakay ko sa kotse, agad naman na nagdrive si Kuya Driver. Nanatili lang siyang tahimik at ako naman ay nanatili rin na tahimik habang nakayuko. Nakayuko ako habang nakatingin ako sa kamay ko. 

Habang nakatingin ako sa kamay ko, paunti-unti na naman akong muling nalulungkot. Matapos kong tignan ang kamay ko, muli na naman ako napaluha.



Kinabukasan, habang naglalakad ako papunta sa cafeteria, ay nanatili akong matamlay at para bang nanghihina pa rin. Nalulungkot pa rin ako at naaalala ko pa rin ang nangyari at ang pag-uusap namin ni Ryan kagabi. Nang makarating ako sa cafeteria, nakita ko na nandoon sina Avaline, Gab, Kayla, at AA. 

Pagkakita ko sa kanila ay masaya silang nag-uusap. Habang nakatingin lang ako sa kanila, napansin ko na wala doon si Ryan. Matapos kong mapansin iyon, lumapit na lang ako sa kanila. Paglapit ko sa kanila ay binati ako ni Avaline, "Oh, Star's back."

ALIENS AND STARS, LIKE YOU AND ME (BOOK 2)Where stories live. Discover now