PROLOGUE

117 2 0
                                    

ANGEL LOUISA NESS POV

"Bathaluman naman e, huli na yung ginawa kong mission sa mga tao," pangungumbinsi ko na wag akong itapun ulit sa mundo ng mga tao, dahil lang para magbago ang pananaw nila.

"Diyos ng kaligayahan ka diba? Louisa?" sabi ng aming kataas-taasang diyos ng bathala kaya napatango ako sa pagtanong nito saakin.

"Pero bathaluman sabi niyo huli na yun, ang hirap ang magpaligaya ng mga tao lalo't sasambihin ka rin naman kapag kailangan ka!" punto ko sa sinasabi niya pero tinignan niya lang ako ng napakaseryoso.

"Diyosa ng kaligayahan sa huling mission mo ay ipapatapun ka ulit sa mundo ng mga tao, may kailangan kang baguhin sa lalaking toh," pagkumpas nito sa kamay niya kaya lumabas ang isang sinag na naglalabas na anino ng isang lalaking nakatalikod.

"Ano gagawin ko sa kanya bathaluman?" Usisa na tanong ko. Ikinatingin niya naman saakin ng seryuso, tumingin muna sa lalaking nakatalikod bago saakin.

"Malalaman mo ang kasagutan kong makikita mo siya," sagot nito sa tanong ko kaya napailing nalang ako sa bagong misyon na gagawin ko sa mundo ng mga tao.

Ako ang diyosa ng kaligayahan kaya lahat saaming mga diyosa ay may kanya-kanyang misyon na nakalaan para saaming lahat, para sa mga tao ay hindi sila naniniwala sa ganyan kaya nga isinawalang bahala ko nalang sila, sinasamba lang kami kapag may kailangan pagkatapos ay kakalimutan ulit, para bang naalala lang kami kapag kailangan nila ng tulong para saamin.

Ako si Angel Louisa Ness. Ang diyosa ng kaligayahan nabubuhay na walang kamatayan, misyon namin maging maayos ang mundo ng mga tao kaya bawat saamin ay may kanya-kanyang misyon na dapat ay sulusyonan ng mga diyosa.

"Aalis ka ate?" tanong ng kapatid ko, si Loraine ang diyosa ng pag-ibig kaya napatango ako nakatingin sa kapatid ko na ngayun ay nakaupo na nakatingin saakin.

"Oo bunso aalis ako may bagong misyon na binigay saakin si bathaluman." Sagot ko sa tanong nito. Oo may kapatid ako at wala kaming mga magulang simula ng mangyari ang delubyo ng mga diyos at diyosa sa mga halimaw na naninirahan sa mundong ibaba ay nawala ang aming mga magulang.

"Mag-iingat ka ate," pagtayu nito at niyakap ako ng mahigpit kaya tumugon nalang ako sa pagyakap ko kanya, blaging ganito wala kaming magagawa, dahil isa ito saaming mga patakaran dapat sundin na tulungan ang mga tao.

"Mag-iingat ka dito huh," pagpa-alala na wika ko nito sa kanya. Ikinatango tango niya naman ito, kaya humugot muna ako ng buntong hininga bago kumawalas sa pagkakayakap sa kapatid ko.

"Ohh siya alis na ako, pupunta pa ako kay bathaluman!" Wika ko ikinawalas namin sa pagkakayakap kaya umalis akong nakatingin saaking kapatid na ngayon ay nakatingin saakin pagka alis.

Kailangan kong matapos agad ang misyon na ito para makapagpahinga na ako. Pagod na akong tumulong sa mga tao hindi naman kailangan ang tulong namin, bakit pa kasi may ganito pa? Binigyan nga kami ng buhay na walang kamatayan pero may kapalit naman ito?

_

"Siya si Ezikiel James Monteverde siya ang dapat mong baguhin." Pagpakilala nito saaking bagong misyon kaya pabuntong hininga akong nakatingin sa lalaking napaka seryoso.

"Bago ako umalis bathaluman, may kailangan akong itanong?" Tanong ko sa kanya, may kailangan akong malaman dapat may kasagutan.

"Sabihin mo?" Sagot nito saakin kaya humigit muna ako ng malalim na hininga syaka tumingin sa'kanya.

"Bakit kailangan natin tulungan ang mga tao? Bakit kailangan natin silang baguhin? Bakit kailangan natin silang tulungan sa kanilang problema?" Tanong ko sa kanya binigyan niya lamang akong may nakaguhit na ngiti ang kanyang labi.

"Malalaman mo ang totoong sagot sa tamang panahon. Huling misyon na ito na ibibigay ko sayu Louisa." Sagot nito sa mahaba kung tanong kaya tuluyan na akong naglaho at hindi alam kong bakit?
Nakaramdam ako ng antok sa gitna ng paglalaho ko o sinadya lang ito ng bathaluman ano ba ang plano niya saakin?

THEN EVERYTHING WAS BLACK

SABAY NATIN ALAMIN ANG KWENTO NI LOUISA KUNG PAANO NIYA MAGAGAWA ANG KANYANG MISYON NG MAAYUS...

SABAY NATIN ABANGAN ANG NAKALAAN NA TADHANA PARA SA KANYA....


Series1# MY LAST MISSION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon