ANGEL LOUISA NESS POV"Natapos na rin sa wakas," Masayang lintya ko matapos sa paglilinis ng opisina ko.
Tinignan ko naman ang lalaking iyon na ngayon ay abala sa kakaperma sa mga papeles na natanggap sa kanya. Pero gwapo pa rin kahit stress, naku Louisa, napakalandi mo na! Wag mo ngang hangaan ang lalaking iyan.
"Hello po, ikaw po ba ang bagong secretary ni Mr. Monteverde?" Tanong nito sa akin ikinatango ko nalang at ngumiti sa akin kaya ngumiti rin ako ng tipid.
"Ang ganda mong ngumiti Miss," puri nito sa akin kaya medyo nahiya ako ng kaunti.
"Salamat." Pasalamat ko nito, ngumiti ng tipid sa kanya kaya ngumiti rin ito pabalik sa akin.
"Ako nga pala si Kimberly Frey, and you?" tanong nito sa akin.
"Ako si Angel Louisa Ness De la Cruz." Ang taas ng pangalan ko di ba? Ganoon talaga kapag pinag-iisipan.
Ang pangalan ko naman talaga ay Goddess of Happiness, parang initial lang ang pangalang ito kasi kapag may misyon sa mundo ng mga tao. Ito ang pangalan ko.
"Angel, kasing ganda tulad mo," ngiti nito sa akin kaya napatawa nalang ako. Mahilig pala magbiro si Kimberly.
"Ahm Angel, ito pala pinapaabot sa akin ng boss ko. Ikaw na lang magsabi sa boss mo." Bigay niya sa akin ng folder, inabot ko naman iyon.
"Nice to meet you Angel, nasiyahan ako kausap ka. Sige na, mauna na ako may trabaho pa kasi ako, kita nalang tayo pag may time. Again, nice to meet you." Ngiti nito sa akin ikinangiti ko rin pabalik.
Napakamasayahin niyang babae, maganda naman siya, maganda ang katawan at higit sa lahat mabait.
Umalis na ito sa office ko kaya binuklat ko ang folder at binasa iyon. About ito sa mga meeting na gagawin, kailangan ko bang sabihin kay boss o hindi?Ayy tanga ka naman Louisa natural sa sasabihin mo, ikaw diba ang secretary sinasabi pa ba iyon?!
Humigit ako ng malalim na hininga bago tumayo sa pagkakaupo ko sa aking upuan at walang alinlangan pumunta sa office ng boss ko.
"Boss," pasok ko agad sa pinto ng huminto ito sa pagpapaperma. Tumingin naman ito saakin ng malamig na walang ka espresyon.
"Hindi kaba marunong kumatok Miss secretary?"malamig na tinignan ako nito. Marunong pala ito sa tagalog pinapanosebleed paako.
"Sorry boss, hindi ko alam ang tamang paggalang ng ganun," pranka kung saad, dapat talaga pranka ako para naman wala gulo.
"Then respect me as your boss!" Nanggigiliit na wika nito saakin. Tinignan ni'ya lamang ako ng malamig para bang papatayin ka ng buhay sa uri ng titig niya.
"Ok boss," Sabi ko na lamang.
Lumapit ako sa kanya at binigay sa kanya ang folder na bigay saakin ni Kimberly."What's that?" Takang tanong niya saakin ng malamig hindi pa kinukuha ang pinaabot ko.
"Tignan mo nalang boss para hindi kana magtanong." kaya kinuha niya ito at binuklat iyon ngunit tumaas lang ang kanyang kilay tumingin saakin bago sinara agad ang folder.
"Why am I reading this?" Tanong nito saakin.
Hindi ko na naman alam kong bakit galit naman si'ya saakin? Ano bang ginawa ko?"Kasi boss yan ang meeting pupuntahan mo." wika ko nito. Walang kahirap hirap tumayo ito sa pagkakaupong lumapit saakin.
Ano na naman ang gagawin niya saakin? Wala naman akong ginawang mali?
"What for the secretary do? if I only also reading this?" Ano daw? Di ko maintindihan ano bayan! Hindi ko maintindihan!
"Boss pakiulit, mahina ako sa English e" lapit nito saakin kaya atras lang ang nagawa ko habang kinakabahan.
Ano na naman ang gagawin niya saakin?
"I said do your work as secretary and not me making you work, your just saying it in directly and you can go!" Sa sinabi nito saakin ay hindi ko maintindihan kailangan kona talagang mag aral ng English kasi Englishero tong boss ko.
YOU ARE READING
Series1# MY LAST MISSION (COMPLETED)
AlteleThis is about a woman who has a unique mission in the world - to change the attitude and perspective of a man known as Ezekiel James Monteverde. The woman believes that if she can influence and instill change in Ezekiel's heart and mind, it may have...