CHAPTER 37

24 0 0
                                    

ANGEL LOUISA NESS POV

Naglalakad ako ngayon upang kalimutan ang nangyari ngayon. Ayon nalibang naman ako sa panonood ng mga batang naglalaro.

Ang saya pala noh?

"Mama ice cream," turo ng isang bata sa nagbibinta ng ice cream.

"Sorry anak walang pera si mama ngayon, kaya sa susunod nalang huh,"nalungkot ako sa sinabi ng magulang nito kaya lumapit ako sa kanilang gawi at ngumiti.

"Bata gusto mo ice cream?" Tanong ko  ikinatango niya naman  nginitian ako.

"Ali ka bigyan kita ice cream,"ngiti ko  kukuhanin ko sana ang kamay niya ng iwaksi iyon ng mama niya.

"Sino kaba?" Tanong nito saakin. Ngumiti naman ako sa kanya. Nakalimutan ko nasa harapan ko pala yung mama niya.

"Sorry po, gusto kulang sana siya ilibre ng ice cream kasi kita ko sa mukha niya  gusto niya talagang kumain ngayon... birthday ng anak mo, diba?" Tanong ko.

Nakita ko naman ang gulat sa mukha nilang dalawa.

"Bakit mo alam?" Takang tanong ng mama niya.

"Kapag pumupunta ang mga bata dito ay may posibilidad ay  kaarawan nila at lalo na kung gusto nilang kumain ng ice cream." ngiti ko.

Nakita ko naman ang nagbibinta ng ice cream.

"Manong pabili tatlo," pagkuha ko ng pera saaking wallet at binigay iyon kay Manong.
Kinuha ko naman ang tatlong ice cream at ibinigay sa mag ina.

"Salamat dito ate,"pasalamat ng batang  nginitian ko lang ginulo ang buhok niya.

"Pag pasensiyahan mo na pala ang inasal ko kanina miss nagulat lang kasi ako,"pagpaumahin ng mama nito.

"Ayos lang yon saakin. Kahit sinong magulang ay gagawin rin yon kapag  hindi niya kilala... bigla naman kasi akong lumapit kahit hindi ko kayo kilala." kamot batok ko  ikinangiti naman ng mama ng bata.

"Ilang years old kana?" Tanong ko sa bata na ngayon ay kumakain ng ice cream.

"Seven napo ako ate kaya salamat sa pagtupad ng wish ko na makakain ng ice cream ngayong birthday ko." usal nito na ikinatawa ko nalang pinisil ang pisnge nito.

"Dahil good boy ka ibibili kita ng cake,"sambit ko.

"Talaga po ate," bibong wika ng bata na ngayon ay nagtatalon.

"Wag napo Miss nakakahiya naman sayo."usal sa mama ng bata kaya hinawakan ko naman ang balikat nito.

"Ok lang yan, Ali na kayo," paghawak ko sa kamay ng bata at hinila naman ang mama nito, I think bata pa ang ina nito.

Pinansyal ko ang bata sa mall at binili ng laruan. Binilhan ko narin siya ng cake at bumili narin ako ng groceries para may handa siya sa kanyang kaarawan ngayon.

"Louisa salamat sa tulong ngayon. Napasaya mo talaga anak ko," alam niya na ang pangalan ko, magkaibigan na nga kami e.

Papunta kami ngayon sa kanilang bahay malapit sa may sapa..maganda dito at parang masarap maligo, pero magabi gabi narin kaya hindi na pwede.

"Nasaan pala ang tatay niya?" Tanong ko na bigla naman lumungkot ang espresyon ng mukha niya.

"Matagal niya na kaming iniwan kaya mag isa ko nalang binubuhay si Austin." sambit nito.

"Pasenya na, mahirap yata magpalaki ng anak," malungkot na saad ko. Hindi narin kami nagsalita haggang sa makarating kami sa munti nilang kubo.

"Nandito na tayo ate sa munti naming tahanan," Sabi ni Austin na ngayon ay masayang tinignan ako.

Series1# MY LAST MISSION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon