CHAPTER 15

26 2 0
                                    

ANGEL LOUISA NESS POV

Nakarating  kami sa kompanya ni boss. Dumiritso nalang ako kung saan dapat ang aking opisina, hindi manlang ako pinaleave kahit may sugat nayung leeg ko.

Mawawala rin naman ito kapag pinagamot ko na ito  kay Yumi.

Pagpasok ko ng pinto ay bumungad saakin ang pagkagulat sa nakita ko.

'Salamat Angel'

"Kim ikaw bayan?" Gulat na tanong ko. Nakita ko naman ang pag ngiti nitong  tumango.

Nakikita ko siya ngayon?

"Ako to Angel, gusto kulang magpasalamat sa ginawa mo saakin pati narin sa mama ni Ezikiel. I know he so happy binigyan na ng hustisya ang mama niya." usal nito saakin. Ganito ba ang pakiramdam  kapag nakakatulong ka sa mga kaluluwa.

"Kainis ka!! Hindi mo manlang sinabi saakin  multo kana pala," tampo na saad ko. Nakita ko naman ang pagtawa nito.

"I'm sorry Angel, but thank you. Thank you for helping me and also my Tita leonora. Panahon na siguro  umalis ako upang puntahan kung saan ako dapat." Pagkasabi niya saakin ay niyakap niya ako ng mahigpit.  Tinugon ko namang itong niyakap. Ramdam ko ang lamig saaking katawan.

"Thank you Angel your the best friend ever...goodbye haggang sa muli Angel." Huling  sinabi niya saakin.

Naramdaman ko ang malamig nitong yakap haggang  di ko na pala namalayan may pumatak na butil ng luha saaking mga mata.

"Salamat rin Kim sa magandang pagsasamahan." Wika ko sa kawalan. Ramdam ko lungkot ng pagkawala nito.

Totoo nga ang sabi nila mararamdaman mo talaga ang lungkot, pero magiging maayos rin naman ang lahat.

Umupo naako saaking upuan na may nakita akong isang mug na nakaukit  Secretary Angel kaya napangiti nalang ako.

Sino kaya nagbigay dito? Oyy may sulat.

Hi Angel:

This is my gift for you, I hope you like it. Pumasok lang ako sa panaginip sa isa sa mga kaibigan ko, para ipagawa yan para sayo. Pasasalamat ko sa pagtulong mo saakin.

Again thank you...

"Thanks Kim, I really like it very much,"

Wow naka English ang secretary niyo.

Taray ko naman ngayun, just I said nalulungkot ako pero bumabalik ako sa pagiging masayahin, dahil ako ang dyosa ng kaligayahan kaya hindi ako nalulungkot basta-basta, but I really  appreciate sa effort ni Kim para saakin.

"Salamat kim for being nice for me." usal sa kawalan.

Sana hindi na mangyari ang ganitong pangyayari.

Limang araw ang lumipas...

limang araw ang lumipas ay excited akong bumalik sa pagtratrabaho.
Five days lang naman ako pinagleave ni boss, dahil sa leeg kong nasugatan sa nangyari ng ilang araw.... mabait naman talaga si boss hindi ngalang pinapakita ang pagiging worried not, but I know  mabait siya because I really feel the kindness of my boss.

"Hai, boss I'm back!!" Masayang pasok ko sa kanyang opisina.

Di  ko na pala sout yung nasa leeg ko. Tawag ba dun band aid? Oo, band aid tinanong ko pa nga  si Yumi kong ano tawag.

Makakalimutin na dyosa niyo!!.

"Then go back to your work secretary!" malamig na bulyaw nito saakin  nakataas ang kilay.

Series1# MY LAST MISSION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon