CHAPTER 46

18 0 0
                                    

             ANGEL LOUISA NESS POV
                 
After Three Months

Tatlong buwan ang lumipas ay nahihirapan parin kami ng mga kaibigan kong makahanap ng trabaho. Lahat ng syudad ay hindi kami tinanggap. Nakakahiya na tuloy kay Lenna na pinapakain kami.

"Wala parin gustong kumuha saatin ng trabaho paano na'yan?" Hingal na wika ni Stormay. Naghahanap kasi kaming tatlo ng trabaho, pero wala talagang gusto kumuha saamin sa hindi namin malaman na dahilan, bakit?

"Sa isang yon! subukan natin!" Turo naman ni Yumi sa isang bar. Ano naman yon?

"Ano naman ang tratrabuhin natin kung makakapasok tayo?" Tanong ko kay Yumi na hinila lang ako papunta doon. Pagkarating namin ay may nabasa kaming karatola na naghahanap sila ng waiter for only night.

"Oyy jackpot kaso isa lang ang pwede," tingin ni Yumi sa aming dalawa.  Saktong may  lumabas naman na isang may kabaklaan.

"Sino po sila?" Mahihin tanong nito saakin.

"Available po ba ito?" Tanong ni Yumi.

"Oo naman ganda! Ano atin?" Masayang sambit nito.

"Mag aaply sana kaming tatlo," mahinhin na saad ko.

"Ahh pasensya na ganda, dahil isa lang ang available," Wika pa ng bakla na pinagmasdan kaming tatlo mula ulo haggang paa.

"Wait mga ganda, may naisip akong paraan para  magkasama parin kayo magtratrabaho dito." Ngiti ng bakla na ikinakunot ng noo namin.

"Ano naman po?" Tanong ko.

"Tatayo lang naman kayo dito sa labas," sagot nito. Totoo? Tatayo lang? Parang kakaiba ang pakiramdam ko nito.

"Yon lang yong trabaho namin? Tatayo sa labas?!" Bakas ang pagtataka tanong ni Yumi sa bakla.

"Oo mga ganda, tatayo lang kayo at makakatanggap na kayo ng 10k tuwing gabi," sabi pa ng bakla.

"Totoo ba? hindi po kayo nagbibiro?" Hindi makapaniwalang  tanong ko sa bakla na tumango lang ito.

"Oo naman, dahil tiyak ako na mapaparami ang costumer ko mamayang gabi ng dahil sa inyong tatlo," ngiti nito saamin na hindi naman namin maintindihan.

"Huh?" Sabay sabi namin.

"Malalaman niyo kapag nagsimula na kayo mamayang gabi," guhit na ngiti sa kanyang labi.

"So tanggap na kami?!" Masayang talon ni Stormay na ikinatango naman ng bakla. Kakaiba naman yata ang trabaho na tatayo lang kami sa labas.

"Oo naman mga ganda, kaya dapat alas kwatro palang ay nandito na kayo," tumango naman kami bilang pag sang ayon kaya nag-apiran  kaming tatlo.

"Ohh mauna na ako sa inyo at may aasikasuhin paako sa loob. Mamayang 4:00 ay dapat nandito na kayo." Tango lang ang sinabi naminm

"Opo, salamat!" sabay na pasalamat naming tatlo bago naglakad na nakangiti.

"Buti nakuha tayo sa bago nating trabaho," masayang lintya ni Yumi.

"Oo nga e, nakakahiya na kay Lenna," saad pa ni Stormay.

"Ikaw lang ba! Ako rin naman e," saad ko.

"Hay nako mas mabuting umuwi mona tayo at ipagpaalam kay Lenna na may bago na tayong trabaho." Usal  ko pa sa kanilang dalawa na ikinangiti naman nila bago tumango. Sana okay lang ang lahat mamaya.

 

"Madam ito ba talaga ang solution namin?" Tanong ko sa bakla. Napakunot naman ito ng noo na tumingin saamin tatlo.

Series1# MY LAST MISSION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon