CHAPTER 4

18 2 0
                                    

ANGEL LOUISA NESS POV


Naalimpungatan ako nang may yumuyugyog sa akin kaya agad akong napabangon at mukha agad ni Stormay ang bumungad sa akin.

"Hoyy girl! Wala ka bang balak gumising? Malalate ka na sa interview mo," ikinalaki naman ng mata ko. Ngayong araw pala iyon!! Mukhang nasubrahan ako sa pagbabasa kagabi.

"Stormay, wag ka nang mag-ingay, okay? Oo na, maliligo na ako kaya itahimik mo na yang bunganga mong parang manok, putak ng putak." Sinara ko ang banyo. Narinig ko naman ang pagsigaw nito, pero bahala na siya. Ang aga-aga, ang daldal.

Naligo na ako at nagbihis.
Nanghiram ako ng damit kay Yumi, formal attire para hindi naman ako masabihan na ano, interview nga diba? Kaya kailangan ng kunting fashion kahit hindi ko gusto ang damit na ito.

Nakikita kasi ang legs ko at isang polo naman ang suot kong damit, pero hindi ko na ito papansinin para sa huling misyon ko, kakayanin ko.

Bumaba na ako at muntik ko pa talagang makalimutan ang envelope na binigay sa akin kagabi ni Yumi, buti na lang naalala ko kaagad.

Makakalimutin na diyosa niyo.

Hindi ko alam kung bakit nagsinungaling si Yumi, nilagay sa profile ko na nakapagtapos ako ng pag-aaral dito, e hindi nga ako nakapag-aral at hindi nararamdaman na nag-aral ako. Ahh, bahala na si Batman.

Ang mahalaga ay sisimulan ko ang misyon ko.

Bumaba na ako sa hagdan kaya pupunta ako ngayon sa kusina nang makita ko silang dalawa na ayos na. Pinaghandaan talaga, oo, ang dami ko na talagang alam di tulad noong bago pa ako pumunta dito, lahat sinasabihan akong baliw, dahil sa pananalita ko at idagdag pa ang pananamit ko, iba iba sa suot ko ngayon.

"Ready na kami Louisa," sabay sabi ng dalawa, sasama pala ang isang ito.

"Kumain na tayo bago umalis," pag-aya sa akin ni Yumi kaya ngumiti nalang ako ng tipid at tumabi kay Stormay.

"Peace na tayo Louisa." Peace sign nito sa akin, ikinailing ko nalang. Nagsimula kaming kumain hanggang sa matapos.

I corrected the grammar, spelling, punctuation, and word choice to make the Tagalog more natural and accurate.

_

"Wait Louisa you need to use sandals," Paalis na sana kaming tatlo nang makita niya akong tsinelas ang susuutin ko, may kinuha siya sa drawer niya at binigay sa akin ang isang sapatos na hindi kataasang takong, 1 inch lang.

"Hindi ka sanay sa mataas na takong kaya iyan na lang, baka pagiwang-giwang ka pang maglakad mamaya." Wika nito sa akin kaya sinuot ko na iyon at pumara naman ng taxi si Stormay.

"Diba marunong na ako pumara ng taxi," hambog nito sa aming dalawa. Huminto ang taxi sa tabi namin nang makalabas kami kanina ni Yumi.

"Sumakay na nga tayo." pagsakay ko ng taxi, dahil gusto ko na talagang matapos ang misyon ko dito, sana naman madali lang matapos ang misyon ko.

Ilang oras ay nakarating kami sa isang malaking kompanya. Isang sikat, kaya kinakabahan akong bumaba ng taxi pero kailangan.

Pumasok kami sa loob ng malaking kompanya at bumungad sa amin ang front lady na nasa mesa naghihintay sa pagdating ng ibang mag-iinterview.

"Hello miss, isa siya sa mag-aapply secretary kay Mister Monteverde," turo ni Yumi sa akin ikinangiti kulang ng tipid kaya tumango nalang ito.

"What is the name please? And also can I see your reservation form para naman mapapunta na ito sa mag-iinterview sa kanya."  Wika nito sa akin. Inabot ko naman sa kanya ang form ko kaya pabuntong-hininga akong napatingin sa kawalan.

"Ok Miss Angel doon nalang kayo maghintay at tatawagin nalang kayo." pinakita niya sa akin kung saan ako maghihintay at nasa 20th floor ito kaya kahit takot sa elevator ay susubukan ko.

"Salamat." Pasalamat naman ni Yumi para sa akin. Hinila niya ako papunta sa elevator at pumasok kasama silang dalawa nakasunod sa akin. Malaki talaga ang naitulong ng librong binasa ko, dahil marami akong natutunan sa mga kakaibang bagay ngayon.

"Omy god nahihilo ako sa elevator na ito! Nakakasuka! Malayo pa ba Yumi?" hawak nito sa kanyang noo sadyang hinihilot pa ito habang ako nakasandal lang ako sa elevator kasi medyo nahihilo lang ako ng kaunti.

"Nasa 12th floor pa tayo kaya tiisin mo nalang Stormay dapat masanay ka na kapag tatagal ka dito!"  Usal sa amin ni Yumi at tama nga kailangan din masanay kami lalo't mukhang matatagalan ako sa misyong ito.

/TING/

"Ohh ayan pala e. Nandito na pala tayo!" Pagsabi sa amin ni Yumi ay bumukas agad ang pinto ng elevator kaya lumabas na kami. Kahit kinakabahan ay nikasan ko nalang ang loob ko nakatingin sa maraming nakapilang mga mag-aapply.

"Marami pala ang gusto maging secretary ni Mr Monteverde. Ayun sa mga narinig ko sa mga staff ay isa daw si Mr Monteverde ang mag-iinterview." Sa sinasabi sa akin ni Yumi ay tila nakaramdam ako ng pagkakaba. Makikita ko ang lalaking iyon? Hindi ko naman alam kung ano ang itsura niya?

"Kaya galingan mo nalang Ness." Agad ko naman pinandilatan si Stormay. Binanggit niya naman sa akin ang 'Ness' kaya nag-peace sign ito na tila alam mo kung bakit alam niya kung paano ako nakatingin sa kanya ng inis.

"Sorry I forgot best," mas mabuting ganoon nalang ang tawag niya sa akin kaysa Ness na iirita ako, hindi ko alam kung bakit?

"Hay nako kayong dalawa talaga, pumila ka na doon Louisa para di ka maunahan pa ng iba." Tulak sa akin ni Yumi ngayon ay nakatingin sa akin palakad sa may pila. Napahawak nalang ako sa aking dibdib. Nasubrahan naman yata ang damit nila e kasi mukhang kita na kaluluwa nila sa suot nila, may heels pang mataas ang takong.

"Hey girl mag-apply ka!" Maarteng wika nito sa akin. Alam kong masama ang ugali nito. Oo, makinis siya maganda at ang ganda ng hugis ng kanyang katawan, pero hindi mo talaga maikukumpara ang ugali ng isang tao.

"Oo." Tipid nalang akong ngumiti. Umirap ito sa akin kaya napatingin nalang ako sa dalawa ngayon ay pinapagaan ang loob ko, pero ang sakit pala sa paa kapag nakatayo ka lang no?

Ilang oras ay ako ang susunod kaya medyo kinabahan ako, e kasi kapag lumalabas ang mga babae na nagpa-interview sa loob ay umiiyak ito. May naririnig naman akong sigaw hindi ko naman maintindihan, mukhang mahihirapan ako nito ah.

"Miss De la Cruz." Tawag sa akin.
Oo, iyan ang apelyido gawa sa akin ni Yumi, kailangan kasi iyon para makakuha ako sa klaseng trabahong ito.

Pumasok ako sa loob na may kaba sa aking dibdib, di ko alam kung bakit ako kinakabahan? Hindi naman ako ganito? Hay buhay mamatay ako e!

Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang pigura ng isang tao nakatalikod. Nakatingin sa isang wall glass salamin kaya napatikhim ako, akala ko naman maraming mag-iinterview isa lang pala.

"Your name?" malamig na tanong nito sa akin. Hindi niya pa ako tinitignan kaya napabuntong-hininga ako na nagsalita.

"I'm Angel Louisa Ness De la Cruz." Sabi ko sa buong pangalan ko, pero hindi ko maikakaila nakaka-attract siya kahit nakatalikod lang pero, kailangan ko ng focus, hindi yung lumandi!

Ikaw Louisa nakapunta ka lang sa mundo ng tao na aatract ka na?

"Where are you from?" Malamig nitong tanong sa akin.

Ganoon ba siya magsalita wala man lang kalambing-lambing sa boses para naman siyang yelo na pinagtakluban ng langit sa sobrang kalamigan.

"Ahhmm sa langit ayyy este saan ba iyon?"  Ehat the heck.

Ayy sorry marunong na pala ako magmura sorry bathaluman. Ang nababasa ko talaga, pero saan nga ba ako nakatira? Hindi ako nakapag-tanong kay Yumi kung anong lugar iyon?

"Are you fvcking playing with me little girl," paharap nitong sigaw sa akin ng malamig.

Nakita ko tuloy ang mukha nito sa personal di na rin masama, gwapo siya pero ang bad ng mouth niya!!

"No sir, pero ang bunganga niyo napaka bad kaya bawal magmura sa tulad kong diyosa." Ngiti ko sa kanya habang seryoso lang itong nakatingin sa akin. Napapakanindig balahibo, para akong papatayin ng buhay sa uri ng titig nito.

"Are you done talking Miss De la Cruz?" Malamig na tugon nito sa akin.
Ngumiti lang akong tumango, kahit anong tingin ko sa mukha niya wala talaga siyang ka-ekspresyon sa mukha.

Isa siyang tao namatay sa uri ng pag-uugali sa nakikita ko.

"Don't smile I hate it!" Malamig na usal nito sa akin.

Umupo ito sa isang upuan na ngayon kulang nakita, nakakawili-wili. Malamig naman nakatingin ito sa akin kaya sininyasan niya akong umupo kaya umupo na rin ako.

"Why you want become my secretary?" Seryoso tingin nito sa akin ikinangiti ko lang ng tipid bago lumunok ng kaunti.

Papatayin niya ba ako sa uri ng titig niya? Pero dapat maging matapang ako, mahirap itong misyong ito.

"Kasi may kailangan akong misyon na gawin sa---ay este gusto kong tumulong sa ma-gu-lang ko," Wala na akong masabi kaya magulang nalang, pero bakit nasasabi ko sa kanya ang dapat niyang marinig sa akin?

"Just answer my f*cking questions and don't you say any joke, not funny at all!" Seryusong bigkas nitong may halong inis, pero hindi iyon mahahatala sapagkat seryuso lang ito nakatingin sa akin.

Nanginginig tuloy ang paa ko.

"Pa-ra nga sa ma-gu-lang ko nga," Bakit ba ako nauutal? Don't tell me takot ako sa kanya? No! Ako ang diyosa ng kaligayahan kaya wala akong kinakatakutan kaya pala binigay sa akin ito ni bathaluman, dahil ang sama ng ugali at hindi man lang nakakaramdam ng awa sa mga sinisigawan niya.

"What is the name of your parent?" Malamig na wika nito sa akin.
Tumalikod ito sa pagkakaupo.

Ano gagawin ko? Hindi ko alam ano ang initial na pangalan ng magulang ko.

"Sir pwede po bang hindi ko nalang sagutin iyan, e. Kasi privacy ko po iyon." Magalang na usal ko.

Narinig ko naman ang pag-smirk nito. Oo, alam ko ramdam ko iyon ako pa ba?

"And why? Miss De la Cruz?" Usal nito pinaikot ang upuan kaya napaharap naman ito ulit sa akin.

Paano ko sasabihin e wala nga ako pamilya kung sasabihin ko naman ang pangalan ng pamilya ko e tiyak hindi siya maniniwala kasi puro goddesses ang nakapangalan sa kanila.

"I said why?" Sigaw nito sa akin malamig.

Naalarma akong napatayo at nasabi ang hindi ko dapat masabi:

"Goddess!" wika ko nakapikit. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga nito kaya dinilat ko ng dahan-dahan ang mga mata kong ngumiti ng tipid sa kanya.

"I said stop smiling!" Sigaw nito sa akin ng malamig. Nawala ang ngiti ko.

Bakit niya ako pagbabawalan ngumiti e ganoon naman talaga ako kahit anong pilit ko hindi ngumiti.

Ako nga ang diyosa ng kaligayahan ano ba?

Ang sabihin niya like ay masayahin ako at siya ubod ng yelo.

"Oo na high blood agad," takip ko sa bibig ko nang masabi ko iyon. Nakita ko ang pagtaas ng kilay nito nakatingin sa akin ng masama.

"Don't waste my patience Miss De la Cruz," Sabi nito sa akin nakatingin sa akin ng seryuso tinignan ang envelope ko, suplado!

Bakit siya pa? Bakit?? Mamatay ako ng maaga sa kanya kapag magtatagal pa!

"Your graduated in famous school and you have no experience this work as secretary?" Nakatingin sa akin na tila dismayado.

Bakit kailangan bang may experience bago ako makuha bilang secretary?

"Bakit ba boss porket wala akong experience e ngayon lang ako nakapagtrabaho?" Kung alam mo lang mahirap talaga ang misyon sa akin binigay sa akin, kaya pala sabi ng bathaluman malalaman ko ang kasugutan kapag makikita kita.

"Ok boss aaminin ko sa iyo na malayo talaga ako sa mga test mo bilang secretary. Pero please ako nalang kunin mo, importante lang talaga at promise hindi ka magsisisi kinuha mo ako." Pagmamakaawa ko nito sa kanya na ngayon ay malamig lang ako tinignan.

"Did you know how to brew a coffee?" Tanong nito sa akin na ngayon ay hinihintay ang sagot ko,

Ano nga ba ang coffee? Naiinis na ako sa lalaking ito ang daming tanong!!

"Opo boss," sagot ko hindi naman totoo makisabay ka nalang Louisa para naman matapos na ito.

"Ok your hired! But make sure you stay away from me, I have law! If you don't follow my rule your be fired as soon as possible. Did you understand Miss De la Cruz? Wanting don't smiling in my company, I really hate it!! If you obeyed my rules say good bye to your work as my secretary" Wow na nosebleed ako sa English niya, e hindi ko pa gaano alam ang English, wow nosebleed ako sa lalaking ito.

"Wait lang boss hired na ako! Dahan-dahanin mo kasi kaka-English mo manonosebleed ako sa iyo, ano ba yan!" hilot ko sa sentudo ikinatingin niya sa akin ng masama.

"I don't care, I have no really care! If you don't understand what I am saying it's up to you? But if I have a question for you just say in correctly. I don't like woman saying that no a good answer so good luck little girl, you can go now!" Malamig na wika nito sa akin may seryuso pa sa kanyang mukha tumingin sa akin.

Ano daw? Nosebleed
na naman ako huhuhu.

"Kailan ako magsisimula boss?" Tanong ko maalala ko iyon kaya napangiti nalang ako ng tipid pero bigla rin iyon nawala na isa pala iyon sa rules niya...

"Now!!!" Salubong na kilay nito sa akin na may malamig na sagot lang. Napalunok ako ng ilang beses.

Paano ako magsisimula?

"Pero boss hindi ko alam kung paano ako magsisimula." Para naman akong walang alam dito.

Oo, totoong wala naman talaga akong alam sa pagiging secretary.

"Just do it what the secretary do!" Malamig na wika nito sa akin.

Bakit ba ako natatakot sa lalaking ito? Ang dami pang rules pati pag-ngiti ko ay hindi ako pinapayagan.

"Follow me! I show you your office, but don't talk!! And just follow me, I hate girl being talkative." Lumabas kami sa pinagi-interviewhan at nakita ko ang ilan sa mga babaeng nakapila na ngayon ay tulala sa lalaking kasunod kulang ngayon.

"I'm sorry may nakuha na si Mr Monteverde na maging secretary niya." Rinig ko anunsyo ng staff nito. Nakita ko naman ang dismayadong mukha nilang bumalik sa ulirat ng tignan lang sila ng masama ng lalaking ito.

"Get in." Malamig na wika nito sa akin na ngayon ay luminga na sa paligid na baka makita ko sina Yumi at Stormay, pero bigo ako! Wala sila kung saan ko sila kanina iniwan.

"Miss De la Cruz I said get in, are you f*cking not hear what am talking?" Galit sa boses nito may nagbabantang tingin kaya pumasok nalang ako sa elevator na pinindot na 40th floor, ang taas naman!

"My patience is really low Miss De la Cruz so acting like my secretary not a crazy woman." Ito naman English. Ilang ulit ko ba sabihin sa iyo na mahina pa ako sa English, my ghod!! Isa pang elevator na lalong nagpadagdag sa pagkahilo ko.

"Boss malayo pa ba ang office ko?" hilot ko sa aking sentudo ng maramdaman parang nahihilo ako.

"Yeah," malamig na sagot nito sa akin. Napasandal nalang ako pinipigilan wag mahilo, ang taas naman ng building na ito, pero tawag ko noon dito palasyo hehehee.

Ilang Segundo lang ay bumukas ang pintoan ng elevator kaya pasuray-suray akong naglakad, dahil nga nahihilo ako! Tinignan ko naman si Mr Monteverde hindi man lang nahilo sa pagsakay niya sa elevator.

"Miss De la Cruz follow me! Not staring at me." Malamig na tugon nito sa akin ikinaiwas ko ng tingin. Nagdadalawa kasi ang tingin ko sa lalaking ito hindi man lang gumawang ngumiti.

"Hurry up!" Rinig kong sigaw nito sa aking likuran kaya napailing nalang ako, medyo hindi na ako nahihilo.

'Good morning sir'

'Good morning sir'

Mga ilan sa narinig kong bumabati sa kanya, pero sa kanya deadma lang hindi niya pinapansin kaya ngumingiti nalang ako kapag tinitignan nila ako.

"I said don't smile in my company Miss De la Cruz, I don't like people smiling in my company that is my rule and you need to follow." Inis sa boses nito saktong babatukan sana ito ng humarap ito kaya napababa agad ang kamay ko.

"Are you trying to hurt me?" Tingin nito sa akin ng malamig.
Isinawalang bahala ko nalang ang tingin na iyon umiling na ngumiti muna sa kanya ng tipid.

"Fck how many times I told you not smile, why your not listen Miss fck!!" Mura nito sa akin ikinawala ng ngiti ko at tumikim iyon.

Ano naman kung ngumiti ako? Remember ako ang diyosa ng kaligayahan kaya lagi akong masaya.

"Sorry boss di na mauulit." Yuko ko. Pinipigilan ko namang hindi ngumiti, e, syempre hindi ko talaga mapigilan hindi ngumiti. Nakasanayan ko na ang pagngiti sa mga taong nakakasalamuha ko.

"Make it sure Miss De la Cruz or else I will fire you as soon as possible." Diin nito sa akin. Binigyan lang ako ng malamig na tingin kaya tumango nalang ako.

Pagpasok namin sa isang pintoan, bumungad sa akin ang malawak na opisina kaya napalinga-linga ako sa paligid. Ito ba ang office ko? Ang ganda!

Nakita ko siyang naglakad papunta sa isang upuan, pangmayaman talaga, at ang table nito na sobrang kinis, kaso nga lang maraming nakatambak na papeles sa table nito.

"Done checking my office Miss De la Cruz?" Malamig na wika nito sa akin. So, it's mean sa kanya ang opisina ito? So, saan ang akin?

"Po? So boss, hindi akin ang malawak na opisina na ito?" Pranka kong wika sa kanya ikinasmirk lang nito sa akin, tinignan ako ng masama.

"Are you dreaming Miss De la Cruz? Your office is in there." Turo nito sa akin ng malamig. Napaharap nalang ako at tinignan iyon.

Ano pa ba ang maaasahan ko! E masamang nilalang ito kaya pala hindi nagtatagal ang secretary niya.

"Get out!!!" Sigaw nito sa akin ikinagulat ko sa pagsigaw nito. Tumingin lang ito sa akin ng malamig bago nilibot ang kanyang upuan kaya ang malapad niyang likod lang ang nakita ko.

"Pasalamat ka wala akong kapangyarihan ngayon kundi sinunog na kita ng buhay, dahil sa ugaling mong kasing yelo." Hinang wika ko.

Lumabas sa pintoan ng kanyang opisina at pumunta kung saan ang office kong tawagin nang basura. Ginawa ba naman basura ang office na ito.

Makalinis nga, gaganda rin naman ito e.

"Pag ako natapos sa misyon na ito, ipapatay kita pagkatapos!" Sabi ko sa isip ko.

Hay buhay dyosa nga naman, kailangan maging mapagpasensya sa kanyang nasasakupan. Kaya bumuntong hininga ako at ngumiti ng tipid bago nilinis ang office.

Series1# MY LAST MISSION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon