SPECIAL CHAPTER

32 4 0
                                    

ANGEL LOUISA NESS POV

Wala ng sasaya sa buhay ko ngayon.
Yes, pinagbigyan ng bathaluman ang aking hiling and now I'm a ordinary people now, hindi naako isang dyosa, sabi kasi saakin ni bathaluman na regalo niya ito saakin. Dahil natuto akong maging isang matatag na diwata at kaya isugal ang lahat na pinag-iingatan ko sa loob ng dekadang taon ng dahil yon kay Kiel.

Flashback. . .

Dinala nina Yumi at Stormay ang aking abo sa bathaluman na hinihintay ang pagbabalik ko.
Binalik nila ako sa dati.

"Diyosa ng kaligayahan, ikaw ay nagkasala sa ating kalangitan pero ang pangako mo sa lalaking iyong iniibig ay hindi kayang baliwalain." Wika saakin ni  bathaluman ng  bumalik ako sa pagiging dyosa. Kasama ko sina Stormay at Yumi na bumalik sa kalangitan   at ngayon ay nakaluhod sa harapan ng bathaluman.

"At ikaw naman Yumi!"

"Po? Bathaluman?"

"Ikaw ay umalis sa mundo ng kalangitan ng dahil sa isang taong iyong iniibig, tama ba ako?"

"Opo mahal na bathaluman, pero kung gusto mong maparito lang ako sa kalangitan ay gagawin ko, hayaan mong makasama ni Louisa ang kanyang minamahal." Hindi naman ako makapaniwala sa narinig ko kay Yumi,.kaya niya yung gawin, alang alang saakin? Actually nanghihina pa ako ngayon, dahil sa  matinding kaparusahan talaga ang pagsuway ko sa kalangitan.

"Yumi, ano bang sinasabi mo?"

"Pati rin ako bathaluman kaya kong mawala ang katungkulan ko dito sa kalangitan na pinangako mo saakin,"

"Stormay, anong ba sinasabi mo? Tigilan niyo na'yan! Ito ang kaparusahan ko kaya nararapat na akuin ko'yon lahat." Pagtingin  ko sa kanilang dalawa habang  nakaluhod sa kataas-taasang bathaluman.

"Sige napo bathaluman, patawarin niyo na ako sa pag-alis ko sa kalangitan," wika pa ni Yumi sa bathaluman.  Naguguluhan naman  ako tumingin sa kanila.

"Anong bang sinasabi niyong dalawa?wag na kayong mangialam," diin sa boses ko. Ako ang may parusa bakit nila inaako iyon?

"Ness naghihintay si Kiel sayong pagbabalik. Apat taon na ang lumipas at ngayon naniniwala parin siyang babalik ka," Natahimik naman  ako sa aking narinig. Apat na taon? Talaga? Apat na taon? Ang tagal ko na siyang pinaghintay sa mundo ng mga tao.

"Louisa, matagal kang naging abo kaya ngayon kalang naging bou," usal saakin ni Stormay.

"Apat na taon?"

"Oo Ness, apat na taon na ang lumipas," bumagsak naman ang balikat ko sa sobrang nararamdaman kong kalungkutan.

"Ang tagal ko na pala siyang pinaghintay," luhang lumandas sa aking pisnge. Naramdaman ko naman ang pagyakap ng dalawa sa akin bago bumuhos ang mga luha ko sa harapan ng bathaluman.

"Ang tagal na pala!" Tumingin ako sa bathaluman na ngayon ay nakatingin saaming tatlo habang nakaluhod sa kanyang harapan.

"Mahal naming kataas-taasang bathaluman. Nagmamakaawa ako sayo gusto kong bumalik sa mundo ng mga tao," pagsusumamo ko.

"Hayaan niyo akong makabalik, maawa kayo hinihintay na ako ng mahal ko," naiiyak na pakiusap ko sa bathaluman.

"Sige na po bathaluman, hayaan mo na si Louisa na maging isang ordinaryong tao," pagmamakaawa naming tatlo sa kanya. Tinaas niya naman ang isa niyang palad na pumunta sa aming kinaroroonan at pinatong ang kanyang palad sa ulo ko.

"Yan ang gusto kong marinig sayo Diyosa ng kaligayahan," naguguluhan naman  ako sa  aking narinig. Ano ibig niyang sabihin?

"Ano ang ibig niyong sabihin?"

Series1# MY LAST MISSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now