ANGEL LOUISA NESS POV
Nakauwi naako sa bahay kaya bumungad saakin sina Yumi at Stormay nanonood naman ng k-drama. Ewan ko ba sa kanila napaka adik nila sa ganung movie e masyadong oa."Nandito naako,"matamlay na wika ko ikinalingon naman nila saaking gawi.
"Pagod huh?" Tingin saakin ni Stormay kumakain ng pop corn lagi naman kapag umuuwi ako, ganito talaga ang aabutan ko.
"Kumain kana ba Ness?" Tanong saakin ni Stormay, Ayy oo!
"Oo, kumain nako... Ewan ko sayo talaga Stormay napakahina ng utak mo. Matamlay nga diba? kaya walang kain tinatanong pa talaga!" Inis na Saad ko na narinig ko naman ang pagtawa ni Yumi parang pinagtatawanan kaming dalawa.
"Nagtanong lang naman baka kasi kumain kana! Ang highblood mo naman yata ngayon. Okay ba, Ness wag mo akong binabad mood nag alala na nga yung tao e." usal nito mukhang nagtatampo sa sinabi ko.
"Oo na hindi naako magtatanong kung magagalit karin naman." sa totoo lang gusto ko lang talaga asarin si Stormay, pero pikon agad.
"Loiusa, kumain ka muna bago ka matulog may pagkain sa mesa, hindi ko alam kung magugustuhan mo ang lasa... Si Stormay kasi nagluto para sayo." Bulomg nito saakin sa huli niyang sinabi.
"Sige na matutulog naako," pag akyat ni Stormay sa kwarto kaya medyo na kosensya ako sa ginawa ko.
Nag effort pa naman itonb lutuan ako, kaya pala nagtanong kumain na ba ako.
"Alam mo Louisa ganyan lang si Stormay, pero nag alala talaga siya sa kalagayan mo kaya nga tinulungan ko siyang maghanap ng trabaho para hindi ka naman masyadong mahirapan sa pagtratrabaho."wika saakin ni Yumi pumunta sa kusina upang kunin ang pinagluto niya para saakin.
"Ano masarap bah?"tanong nito saakin na ikinailing ko sa totoo lang ngayun lang nagluto si Stormay para saakin.
"Kakainin mo yan? Pero hindi yan masarap?" Sambit nito saakin ikinangiti ko nalang kinain ang niluto ni Stormay para saakin.
"Sumasarap kapag pinaghirapan Yumi," sagot ko.
Pinagpatuloy ko ang pagkain ko kaya napangiti nalang ito umupo sa tabi ko.
"Sasamahan din kitang kumain...Tama ka masarap kapag pinaghirapan." ngiting ani nito saakin siyang ikinangiti ko pinagsaluhan ang pagkain niluto ni Stormay para saamin.
Natapus naako sa pagkain naubos nga namin kahit matabang, pero ang luto ni Stormay ay may kasamang pagmamahal.
Papunta ako ngayun sa kwarto niya upang humingi ng tawad sa kanya.
"Stormay!! Stormay!! Galit kaba saakin?" Katok ko sa kwarto nito. Narinig ko naman ang yapak nito papunta sa may pintoan.
"Bakit?" Pagbukas na tanong nito saakin na siyang ikinangiti kong niyakap siya ng mahigpit.
"Sorry, sa ginawa ko. Nang aasar lang naman ako e, but salamat sa ulam niluto mo para saamin nagustuhan ko." Lambing na saad kong nakayakap parin sa kanya.
"Kinain niyo yun?" Gulat na tanong nito saakin.
Tumango nalang ako niyakap siya. Masarap naman talaga e lasang pagmamahal na may kasamang saya.
"Thanks Stormay, salamat. Kahit lagi tayung nagbabangayan at hindi magkasundo minsan... ay kaibigan parin kita. Salamat, don't worry gagawin ko ang lahat makabalik ulit tayo saating pinagmulan." usal ko sa kanya.
"Oo na, masyado kanang ma drama e,"pang aasar nito saakin na siyang ikinangiti ko nalang tinignan siya nakangiti rin.
"Thank you Stormay, baka kasi magpakidlat kapa!" Pang aasar kurin sa kanyang ikinatawa nalang namin pareho.
YOU ARE READING
Series1# MY LAST MISSION (COMPLETED)
DiversosThis is about a woman who has a unique mission in the world - to change the attitude and perspective of a man known as Ezekiel James Monteverde. The woman believes that if she can influence and instill change in Ezekiel's heart and mind, it may have...