CHAPTER 23

20 2 0
                                    

ANGEL LOUISA NESS POV

Matapos ang usapan kanina ay nagsipunta na kami sa aming mga silid. Hindi ako makatulog sa sinabi ni Yumi kanina palagi ko naalala yon.

'Kapag nandito ka sa mundo ng mga tao. Hindi ka makakaranas ng kasiyahan Stormay, dahil hindi mo maibibigay ang hinihingi nila kasi isa tayung dyosa at tanging diyos lang ang makakagawa nun para saatin.'

'Ang tulad nating dyosa ay tanging diyos lamang ay makakabigay don. Mga patakaran iyon sa kalangitan, kasalanan ngang magmahal ng mga tao, diba?'

Yan ang mga binitawan salita ni Yumi kanina pang pumasok sa utak ko.

Di ako pwedeng magmahal ng tao.
Isa lang akong dyosa  tumutulong at haggang doon nalang yon, pero bakit ganito ang pakiramdam ko parang ang bigat?

Napalingon ako saaking likuran ng bumungad  naman saakin si boss na mahimbing ng natutulog.

Ewan ko ba! Bakit ako nakakarating dito sa kwarto niya.

Isang lingon  kolang nandito naako sa kwarto niya. Hndi ko talaga maintindihan kung bakit naglalaho ako kahit hindi naman ako gumagamit ng kapangyarihan.

Ang gwapo niya talaga!
Ang inosente niyang matulog. Saan ka siya pinaglihi ng magulang niya para maging ganito siya ka gwapo? Mas gwapo panga siya sa mga diyos don e.

"Makakahanap karin boss sa babaeng kaya kang mahalin ng boung puso. Wag mo akong mahalin masasaktan kalang," wika kong  hinahaplos ang pisnge nito. Hindi ko alam kong bakit ito ang lumabas sa bibig ko.

Bakit ang sakit? Dahil nga ba mahal ko na siya?

"Wag mo akong mahalin boss, masasaktan lang kita. Bakit sa dinami dami ng babae ay dyosa pa talaga ang minahal mo." usal ko sa kanya.  Tinignan ko ang kanyang perpektong mukha...Oo, e mahal ko na siya, pero hindi pwede yon.

Magkaiba kami...

"Ayaw kong saktan ka! Tinulungan lang kitang maging masaya at hanggang dun nalang yon, hindi  pwedeng lalagpas." pagtalikod kong bumalik agad ako sa aking kwarto.

Kaya ko pa ba? Makikita ko siya bukas! Simula ngayun ay iiwasan ko na siya..

Hindi ko na pala namalayan na tumulo na pala ang butil kong  luha saaking mga mata.

Ganito ba magmahal nasasaktan?

KINAUMAGAHAN

Nagising ako ng maaga ng kumatok si Stormay sa pintoan ko. Parang routine narin ito ni Stormay.
Kakatok siya sa pintoan ko at gigisingin ako parang alarm clock ko.

"Maliligo na Stormay!" Sigaw ko sa loob ng kwarto. Narinig ko naman ang pag alis nito kaya tulad ng kinagawian ay naligo at nagbihis.

Pagkatapos ko ay bumaba naako upang mag almusal. Totohanin ko ba ang sinabi ko iiwasan siya? Gagawin mo ba yon talaga Louisa?

"Good morning Louisa, kain na tayo?" Ngiti saakin ni Yumi  ikinangiti ko nalang  umupo saaking upuan.

"Mukhang kunti lang ang tulog mo kagabi ah?" tingin saakin ni Stormay parang sinusuri ako.

"Hindi ako makatulog kagabi," usal ko nalang sa kanilang dalawa nakatingin saakin.

"Tungkol ba iyon sa sinabi ni Yumi kagabi? Kaya hindi ka gaano ka nakatulog?" Tanong saakin ni Stormay ikinatingin nila saakin ng seryuso kaya kumuha nalang ako ng pagkain.

"Ano ba Ness! Sabihin mo nga saamin! Mahal mo ba ang boss mo?" Bulyaw na tanong saakin ni Stormay  ikinaiwas ko nalang ng tingin sa kanila  hinihintay ang sagot ko.

Series1# MY LAST MISSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now