ANGEL LOUISA NESS POV
Nandito ako ngayo nsa sofa nakaupo. Tumahan narin ako sa pag iyak, mukhang alas diyes nanga ng gabi at ngayon pa ako tumahan sa pag iyak. Lagi kong sinasabi sa isip na tama ba ang ginawa ko? Tama ba na saktan ko siya?
Para naman ito sa ikakabuti niya kaya ginagawa ko ito.
Masakit lang talaga sa puso, makakalimutan niya rin ako at deserve niya ng babaeng mamahalin siya ng boung puso."Ang lakas pala sumuntok ni Ezikiel napadapa ako hah," usal ni Yumi habang ginagamot naman ni Stormay ang panga nito.
"Bat mo kasi ginawa yon?" Tanong ni Stormay sa kanya. Oo si Yumi ay si Clark, nagpapanggap lang siya at isa iyon sa kapangyarihan niya na manggaya ng itsura ng tao.
"Wala akong choice at yon nalang ang tanging naisip ko--- Aray! yung panga ko!" Hawak nito sa kanyang panga may pasa. Kasalanan ko kasi ito. Napakadrama talaga ng buhay ko.
"Masakit ba Yumi? Sorry nadamay kapa," malungkot na saad ko na may kunting hikbi.
"Ayos lang ako Louisa, hindi ko lang naisip na susuntukin ako ni Ezikiel," wika pa ni Yumi na nakasimangot.
"Tanga kaba! Syempre susuntukin ka talaga niya, dahil hinalikan mo siya sa pisnge," batok sa kanya ni Stormay.
"Masakit hah! Kahit na, dahil ako naman yon!" Inis sa boses na sumbat ni Yumi kay Stormay.
"Baka nakalimutan mo, lalaki ka na nagpalit ng anyo kaya masasapak ka talaga non," pangatwiran ni Stormay sa kanya.
"Gamutin mo nalang yong pasa ko,wag kanang dumada,"
"Okay." Ginamot naman iyon ni Stormay bago tumingin saakin si Yumi na bakas sa mukha ang lungkot.
"Okay kalang ba? Ang tingin sayo ni Ezikiel ngayon ay masamang tao ka. . . Ayos kana ba?" Tanong nito saakin. Sasabihin ko bang oo kahit jindi naman ako okay?
"You hurt him so bad Louisa at kita ko yon kanina. Kung maglalaho ka man dapat alam niya yon," sambit nito.
"Pero hindi pwede yon Yumi. At alam mona yon. Alam kong makakahanap pa siya ng mas deserving na babae at hindi para sa akin." Smbit ko sa kanya.
"Ang tanong nagsisisi kaba sa ginawa mo?" Nagsisisi nga ba ako? Pinagsisihan ko ba ito?
"Hindi ko alam," wala gana sagot ko.
"So dapat mong pag isipan iyon Louisa," malungkot sa espresyon sa mukha ni Yumi. Ano ba pag-iisipan ko?
"Paano ko iisipin? Sa punto palang na maglalaho ako ay hindi ko na kaya ang pag iyak niya." Usal ko. Taksil talaga ang luhang 'to kahit anong pigil ko ay napapaiyak parin talaga ako.
"Ness may pagsubok talaga ang bawat tao," paliwanag ni Stormay ng matapos ito sa panggagamot.
"At baka nakakalimutan mo Stormay hindi ako tao. Isa lang ako dyosa na tumutulong, pero umibig sa tao at lumabag sa ating patakaran ng mga dyosa." Saad ko.
"Ito na ang aking tadhana na maglalaho sa mundong ito at sa kalangitan," lumuluhang sambit ko sa kanya.
"Pero Nes---"
"Tanggap ko na Stormay at hindi na magbabago ang desisyon ko," pinutol ko ang sasabihin niya dahil alam ko haggang dito nalang ako. Iniwan ko sila dalawa sa ibaba at pumunta sa aking kwarto. Ayaw kong pag usapan ang ganon, nangyari na ang dapat mangyari. Maglalaho ako kahit hindi ko gusto. At tadhana na'yon para saakin.
Sana mapatawad mo ako sa ginawa ko. At sana maintindihan mo kung bakit ko'to ginagawa sayo.
Humiga agad ako sa aking kama at pinikit ang aking mga mata. Sinusubukan kong kalimutan ang lahat pero di talaga kaya ng puso ko. Gusto kong umiyak, pero bakit nga ba ako iiyak kung plano ko naman talaga ito, diba?
YOU ARE READING
Series1# MY LAST MISSION (COMPLETED)
RandomThis is about a woman who has a unique mission in the world - to change the attitude and perspective of a man known as Ezekiel James Monteverde. The woman believes that if she can influence and instill change in Ezekiel's heart and mind, it may have...