ANGEL LOUISA NESS POV
Isang linggo ang lumipas...
Isang linggo na ang nakalipas at marami na akong natutunan sa mundo ng tao. Naiintindihan ko na rin ang ilan sa kanilang pananalita, noong una ay hindi ko alam kung anong uri ang mga nakikita ko.
Tumuon ako sa pagbabasang binigay sa akin ni Yumi. Oo, marami nga akong natutunan sa pagbabasa at hindi na ako baliw na pagsasabihan nila kung bakit ang lalim ng aking pananalita.
"Kakain na!!" sigaw sa amin ni Yumi sa kusina. Napatigil ako sa pagbabasa ng aklat kahit alam ko na ang iba sa mundo dito ay parin magbabago ang pananalita ko ng lalim.
"Nagbabasa ka pa rin, Ness? Kain mo na tayo bago mo ipagpatuloy yan." wika nito sa akin nang makita niya ako hawak ang aklat ko.
"Alam ko! Porket alam ko ang lahat. Kapag makabawi ako hindi kita tutulungan," tingin ko sa kanya, may halong inis kaya napataas nalang ito ng kilay at tumingin sa akin.
"FYI, Ness, tinulungan kaya kita! Kapag nagtatanong ka sa akin, sinasagot naman kita ng tama. Anong ikinakainis mo diyan?" taas kilay nitong sabi sa akin kaya napailing nalang ako.
"Ang ikinakainis ko yung pagtawag mo sa akin ng Ness, just call me Louisa or Angel," inis kong saad sa kanya.
"Wow, naka-English ang person, bet ko yan, te!" ngiti nito sa akin. Wow, ignorant, marinig ako naka-English.
"Pero bakit ka ba naiinis? Eh, yan naman ang pangalan mo, 'Ness,' kahulugan ay happiness. Ako nga, tinatawag mo akong Stormay, para akong kidlat sa kahulugan niyan." wika nito sa akin. Mag-aaway na naman ba kami?
"Eh, diyosa ka naman talaga ng kidlat kaya nga Stormay tinawag sayo!" sarkastikong kong wika sa kanya, ikinaiba naman ng timpla ng mukha nito.
"Sinasabi pa! Stop talking if you have nothing nice to say, Ness," diin niyang saad ng Ness kaya medyo nainis ako ng kaunti.
"I said don't call me Ness, I'm irritated by that name!" Inis na English ko. Oo, kaya ko nang mag-English kaya wala na sa akin ang pa-English-English niya. Ilang araw naming pagsasama ni Stormay ay naiirita ako sa kanya kasi kapag tinatanong, nag-e-English, porket siya yung una.
"Wow, English ka girl! Natuto ka lang, ume-English ka na." pang-iinis sa akin ni Stormay, saktong babatukan sana ng may nagsalita sa likod namin.
"Are you two fighting again?" Malamig na boses sa likod namin kaya napalingon kaming wala sa oras at si Yumi, andito na siya.
"No!" sabay naming sabi, ngumiti pa, pero sa kaloob-looban ko gusto kong mambatok ng kaibigan kung alam niyo lang.
"I'm just saying na porket marunong na kayo sa mga pananalita ng tao ngayon ay kaya niyo nang sabihin ang gusto niyo, look, hindi ko kayo pinahiram ng aklat para sa ganoon. You need some respect to yourself and also your friend." Sa sinabi ni Yumi sa amin ay napaisip ako.
Sumobra na ba ako? Oo, sumobra na ako! Hindi naman ako ganoon dati, ngayon lang. Lagi naman akong mapagpasensya sa mga diyosa na nakakasala sa akin, pero bakit sa babaeng ito kumukulo ang dugo ko.
"Ipagpaumanhin mo, Yumi, mukhang nadala ako sa inis, pagpasensiyahan mo na ako." paghingi ko ng tawad. No ako sa kanya, hahay kahit anong sakit sinasabi sa akin ay nginingitian ko lang, ganito talaga ako!
"Ngumingiti ka pa rin kahit pinapagalitan tayo, pero natural, you're a god of happiness kaya hindi ka talaga makakaramdam ng lungkot." Wika nito sa akin kaya ngumiti nalang ako kay Stormay at niyakap ito.
"Sorry, peace na tayo, Stormay. But you need to slow down your English, medyo naiirita kasi ako e," Paghingi ko, may halong pinapainis ito.
"Sorry din Nes-- ay este Louisa," wika nito sa akin, ikinatawa nalang namin pareho na tumingin kay Yumi, nakangiti.
"Ipagpaumanhin mo, Yumi, sa susunod di na mauulit." paghingi naming dalawa kay Yumi.
"Oh siya, baba na tayo baka lumamig na yung pagkain. Ang tagal natin dito." pagsasalita ni Yumi, ikinatango nalang namin. Kailangan ko pang hanapin ang lalaking iyon para matapos na ang misyon ko dito sa mundo.
Bumaba na kami papunta sa maliit na kusina ng bahay ni Yumi.
Maliit ang bahay ni Yumi, pero may tatlong kwarto, tig-isa talaga kami kaya nga hindi na kami mahihirapan, kasi may kauri naman kami na matagal nang naninirahan dito at naging magkaibigan pa.
"Lumamig na nga yung pagkain," busangot na wika ni Yumi na nakatingin sa pagkain.
"Ayos lang, makakain naman yan, e kakainin nalang natin. Sanay naman kami na malamig yung kinakain." Nakatingin na sabi ni Stormay sa pagkain, ngayon ay tumikim kaunti ng pagkain.
"Per-- hali ka na! Ayos lang e, kain na tayo," pagputol ko sa sasabihin nito. Pinaupo ko siya at pinagsandukan ng makakain.
Kumain kami ng magsalita ako.
May kailangan lang akong itanong kay Yumi at kailangan ko rin ng tulong niya. Ewan ko ba, natuto lang ako ng English, ume-English na ang person, baka mag-iba ako dito huh?
"Yumi, may itatanong lang ako?" tingin ko nito sa kanya kumakain. Huminto itong kumain, tumingin sa akin.
"Ano yun?" tanong nito sa akin. Nilunok ko muna yung kinain ko bago magsalita baka mabilaukan ako, alam niyo na!
"May kilala ka bang Ezikiel James Monteverde?" Tanong ko nito.
Alam kong sikat siya kasi napanood ko sa TV nung nasa presento pa ako, diba?
Alam ko na ang TV at kulungan, tapos computer, ang dami na talagang pinagbago ng mundo, napaka-elegant na!
"Yes, kilala ko siya! Sila lang naman ang pinakasikat na negosyante sa buong bansa. Sa pagkakaalam ko ay yung dad niya ay patay na, kaya sa kanya lahat binigay ang ari-arian nila." Sagot sa akin ni Yumi, tinignan akong may pagtataka.
"Bakit?" Pagtataka nitong tingin sa akin.
Sasabihin ko ba o hindi? Pero masama ang magsinungaling sa kaibigan.
"Don't tell a lie," tingin sa akin ni Stormay, nakatingin sa akin parang hinihintay ang tama kong sagot.
"Kasi, ahh, ehhh, siya ang misyon ko kung bakit ako nandito sa mundo ng tao, kaya kailangan ko nang magawa ang misyon ko para makauwi na kami ni Stormay." Walang preno sa bibig ko, sinabi sa kanila.
"Mukhang matatagalan ka pa para matapos yung misyon mo, o sabihin ko na rin na malabo. Ang lalaking iyon ay napakalamig, kala mo naman pinaglihi sa yelo, tapos kahit minsan hindi man lang nakita ng mga staff niya nakangiti, napakaseryoso, as if wala kang pag-asa na mapapabago ito." Sa sinabi ni Yumi sa akin, mukhang mahihirapan nga ako, pero hindi ko alam kung ano ang babaguhin ko sa kanya.
"Pero sa pagkakaalam ko, naghahanap siya ng secretary ngayon." Patuloy nito sa sasabihin, so may time na akong makalapit sa kanya kung magiging secretary niya ako?
"Yumi, gusto kong mag-apply bilang secretary niya kahit malabo.
Tulungan mo ako kahit ngayon lang, susubukan ko kahit mahirap, may kapatid na naghihintay sa akin kaya hindi ako pwede magtagal dito." Pagsusumamo ko nito sa kanya, may ngiti sa aking labi.
"Hahay, ano pa bang magagawa ko, dinadaan mo ako sa ngiti mo, e alam mo naman kahinaan ko ang klaseng ngiting yan. Dyosa ka talaga ng kaligayahan, kahit na ako ay napapangiti kahit tinitignan ka lang." wika nito sa akin, ikinalawak ng ngiti ko.
Tinignan ko naman si Stormay na walang pake sa naririnig.
"Mag-usap lang kayo, wag niyo akong pansinin," hirap nitong magsalita.
Syempre, ikaw kaya pagpuno yung bibig mo ng pagkain, hindi ka ba mahihirapan magsalita?
"Paano hindi ka pansinin e, kinain mo lahat, wala nang natira," inis na saad ni Yumi, kaya kamot batok naman si Stormay.
"Akala ko kasi tapos na kayong kumain kaya inubos ko nalang, sayang kasi e," Pagtatanggol nito sa sarili.
Napabuntong-hininga nalang kaming dalawa, kahit ang isang ito napaka patay-gutom!!
"Sorry," peace sign nito sa aming dalawa, ngayon nakatingin sa amin na may paglalambing.
"Oo na! Ang takaw!" Sabay naming sabi kaya napatawa nalang kami ni Yumi. Sabay pa talaga kaming nagsalita.
"Nagpapatawad nga kayo, pero nakakahurt naman kayo ng feelings ng 'takaw'," wika nito sa amin, hindi nalang namin siya pinansin, bumalik ulit sa seryosong usapan.
"Ok, gagawa nalang ako ng files mo para makapag-apply ka na agad, pero need some time para maihanda ko lahat ng kailangan mo." wika nito sa akin na siyang ikinatango kong binigyan ulit siya ng malawak na ngiti.
"Salamat, Yumi, hulog ka talaga ng langit! Akala namin ni Stormay, magiging palaboy nalang kami sa kalsada, pero salamat na dumating ka, dahil binigyan mo kami ng matitirhan kaya oras na makapasa ako sa aapplyan ko, don't worry, sayo ang sweldo ko." Ngiti kong wika sa kanya, ngayon ay nakangiti, nakatingin sa akin.
Hindi ko talaga mapigilan, hindi mangiti, konting dahilan epekto sa akin ang kasiyahan.
"Ano ka ba! Hindi na kailangan yun! Lahat naman tayo gustong tumulong sa mga kauri rin natin na nahihirapan." wika nito sa akin kaya napangiti nalang ako ng tipid.
"Salamat talaga, Yumi," yayakap sana ako nang magsalita ang bruhang si Stormay.
"Ngingiti lang ba kayo diyan? Alam mo Louisa, nahahawa ako sa ngiti-ngiti mo, pwede ba utang na loob, wag kang ngumiti baka kasi tawagin akong baliw sa kakangiti na walang dahilan." wika sa akin ni Stormay, ngayon ay nakatitig sa akin.
"Anong magagawa ko kung naaakit ka sa ngiti ko, right, Yumi?" Mapang-asar na sagot ko nito sa kanya, may halong pang-aasar.
"Mas mabuting diligan mo nalang ang mga bulaklak ko sa hardin, Stormay. Busog ka naman, diba?" pagsasalita ni Yumi, baka alam niya, mag-aaway na naman kaming dalawa.
Si Yumi ang diyosa ng mga bulaklak, kaya mahilig siya sa mga bulaklak at nakikipag-usap ito sa mga bulaklak.
"Oo, busog na busog ako! Kaya nga didiligan ko na, kaya please don't call me Stormay, para akong kidlat diyan e, just call me May," wika nito sa amin, ngayon ay tumayo sa mesa.
"Ano yun, petsa ng 'May'?" Mapang-asar na tawa ko sa kanya. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga nito, parang pinipigilan magalit sa akin, kapag mainitin talaga ang ulo.
"Lalabas na ako!! Magdidilig na ako, bye. Ikaw ang maghuhugas ng pinagkainan." Inis na turo nito sa akin kaya napatango nalang ako. Akala niya maiinis na naman ako.
Kaya lumabas ito at nagsimula na rin akong magligpit ng pinagkainan namin.
Magsisimula sana akong maghugas nang may umagaw sa akin ng pinggan.
"Ako na, Louisa, nakakahiya kung ikaw pa ang ipaghuhugas ko ng pinggan. Ako na! Magpahinga ka nalang." Ano naman ang silbi ko dito kung hindi ako tutulong, diba?
Kaya agad kong kinuha ang isang pinggan sa kamay nito at ngumiti na sumulyap sa kanya.
"Ayos lang, Yumi, kami nga ang mahiya sayo, dahil pinapakain mo pa kaming dalawa. Kaya para kaming prinsesa kaya, ako na! Para naman may trabaho din ako." wika ko sa kanya. Nagsimula na akong maghugas at naalala ang pangalawang paghuhugas ko, marami talaga akong nabasag na pinggan kaya labis akong nahiya sa ginawa ko.
Dahil sa sinabi ko sa kanya ay hindi na siya nangulit pa sa akin. Pumunta nalang ito sa kanyang kwarto upang ayusin ang papeles ko para sa application.
Sana naman makapasa ako sa interview?
Sana naman mabait sa akin ang taong tutulungan ko?
"Tapos ka na!!" pagsulpot sa akin ng bruha kaya tinignan ko lang siya, may pang-iinis.
"Nakikitang mong hindi pa, diba?!" Inis kong saad, kahit kailan ang babaeng ito nakakawala ng good mood, pero sorry siya, hindi ako basta lumulungkot kahit gusto ko rin namang maramdaman maging malungkot.
"Kaya nga sabi ko e," alis nitong sabi sa akin na ngayon ay umirap pa talaga.
Napabuntong-hininga nalang ako.
Ano naman kaya ang problema nito na naghahanap naman ng gulo sa akin?
Pagkatapos ko sa aking ginawa ay dumiretso agad ako sa kwarto ko upang magbasa ulit. Kailangan kong makapasa sa gagawing interview. Doon lang ako makakalapit sa kanya para matapos ang misyon ko dito.
May kama naman sa kwartong ito, kaso maliit, pero sa ganito masaya na
ako, basta may tulugan.Nagsimula na akong magbasa. Hindi ko namamalayan ang oras kaya mukhang nalibang ako sa pagbabasa, marami naman ulit akong natutunan kaya medyo makakaya ko na bukas.
Natigil lang ako sa pagbabasa nang may bumukas agad ang pinto. Nang una kong makita ang pinto na bumubukas, nagulat talaga ako at hindi makapaniwala. Lahat ng bagay na nakita ko sa bahay ni Yumi ay medyo nakakatakot at hindi kapani-paniwala.
"Louisa, tapos na ang papeles mo, pwede ka nang mag-apply bukas." Masayang sabi sa akin ni Yumi, may dalang brown envelope.
"Talaga, Yumi!! Salamat talaga, Yumi, you're the best friend ever." Masayang punta ko sa gawi niya.
Niyakap ko ito kaya tumugon lang ito bago kumalas at binigay sa akin ang brown envelope na hawak niya kanina.
Oohh, diba hindi niya ako tatanggihan!! Hahahaha.
"Bukas na bukas, pwede ka nang mag-apply. Nilagay ko na diyan na nakapagtapos ka ng pag-aaral at marami kang alam sa pagiging secretary, kaya galingan mo bukas." Wika nito sa akin kaya napangiti nalang ako, nakatingin sa envelope.
"Salamat, Yumi, pero kinakabahan ako bukas," kabadong wika ko sa kanya. Tinapik-tapik niya naman ang balikat ko, ngumiti, tinignan ako.
"Naniniwala ako sa'yo. Makakapasa ka! Kaya bukas, maaga ka dapat magising, sasamahan ka namin bukas." Tapik nito sa balikat ko. Tumango nalang akong ngumiti ng tipid at hawak ng mahigpit ang envelope na bigay sa akin ni Yumi.
Sana nga makapasa ako, kung makakapasa man ako, ay isa na itong napakagandang handog para sa akin.
Bathaluman, papasahin mo naman ako sa interview ko kahit first time ko.
Please!
YOU ARE READING
Series1# MY LAST MISSION (COMPLETED)
AcakThis is about a woman who has a unique mission in the world - to change the attitude and perspective of a man known as Ezekiel James Monteverde. The woman believes that if she can influence and instill change in Ezekiel's heart and mind, it may have...