Chapter 1
The Real Encounter
"May pasok na!" Masayang sigaw ko at bumangon na sa aking kama. 'Di ako masyadong nakatulog dahil ilang araw ko na 'tong naiisip. Makikita ko na ng harap-harapan si DJ! Hindi na ako makapaghintay! Ugh!
Sumasayaw ako habang kumukuha ng damit sa cabinet ko. "Makikita ko na siya... makikita ko na siya..." I said more.
Nilagay ko sa kama 'yon at kinuha na ang towel ko, maliligo na ako. Siyempre! Kailangan 'pag nakita niya ako ay sobrang 'ganda ko. Hindi iyong sakto lang.
Lumabas na ako ng kwarto para maligo. "Ma! 'Paluto ng breakfast please..." pagpapacute ko pa kay Mama. Tumango naman siya at tipid akong nginitian. Tumili ako. "Thanks, Ma! You are the best."
Hindi na siya nagsalita kaya pumasok na ako sa banyo. Pinakalinis ko talaga ang sarili ko, sinigurado ko talaga na lahat ng gilid ng katawan ko ay sinabon ko. At binanlawan ng maayos.
Pagkatapos maligo ay I wore my favorite: high-waisted white pants with black belt, and an polo pink shirt, tucked in, in my pants and also white shoes. Puro white pero trust me! I looked good in it. Nag ponytail ako at nag-iwan ng ilang strand ng buhok para maganda.
Kinuha ko ang tote bag ko, tote bag ginamit ko kasi mas maganda para sa style ko. Pagkatapos ay lumabas na ako para kumain ng breakfast. To be honest, lalakarin ko nalang ang school niyan dahil malapit lang ang bahay namin sa Ateneo.
"Energetic ka ngayon, ah?" Komento ni Papa at umupo sa center. Pinaggawa na din siya ng coffee ni Mama.
Ngumiti ako. "Excited lang ako para sa second sem namin, Pa." Sabi ko naman sakaniya. Napatango siya.
"May babayaran nanaman pala niyan." Sabi niya at tumingin kay Mama. "Free ka ba mamaya?" Tanong niya kay Mama. Tumango naman si Mama at nilapag na ang bagong lutong bacon and eggs.
Ngumiti naman ako at kumuha ng bacon and eggs. Hinabol pa ni Mama ang ketchup, nginitian ko siya. Natawa naman ito.
"Oo, bakit? Babayad na tayo?" Tanong naman niya.
"Oo, para wala na tayong iisipin. Grocery, meron pa ba?" Tanong pa ni Papa.
"Okay pa naman pero siguro kailan na mag stock ulit." Tumingin sa akin si Mama. "May papabili ka? For sure 'yung kapatid mo magpapabili ng laruan, ikaw?" Tanong niya pa.
"Snack nalang siguro, Ma." Sabi ko sa kanila pagkatapos kong nalunok ang pagkain ko.
"Maaga pa naman, ah? Kape ka muna bago umalis, Mavis." Sabi sa akin ni Papa. Umiling ako.
"I don't like coffee in the morning, Pa. Unless may exam, mas gusto ko kape no'n, baka kasi kapag nasanay ako na coffee lagi in the morning, mag-palpitate pa 'ko." Mahabang saad ko sakaniya.
Natawa si Mama. "'Yan! Dapat makinig ka sa anak mo! Ayaw mo pa kasing tigilan 'yang pagkakape mo tuwing umaga." Sermon pa sakaniya ni Mama. Napapikit lang si Papa at hindi pinakinggan si Mama.
For me, ok lang na kape lang si Papa tuwing morning kaysa naman sa ibang habits 'pag morning. For example: sigarilyo, worst alak na.
Nilunok ko na ang last bacon ko at tumayo. Uminom din ako ng tubig.
"Aalis ka na?" Tanong sa akin ni Mama.
Tumango naman ako. "May errands pa po kasi akong gagawin." Sabi ko naman. Wala naman silang nasabi kaya hinalikan ko na sila sa cheeks at umalis na.
I was even humming while walking to school.
Pumunta ako sa building kung nasa'n si DJ.
Nagtanong ako sa mga studyante doon. "Hello, dito ba ang room nila DJ?" Tanong ko sa matangkad na lalaki habang kunot-noong nakatingin sa akin dahil ginulo ko siya sa tulog niya.
BINABASA MO ANG
My Love From The Stage
عاطفيةMavis is a number 1 fan of Dominique Juarez or DJ. DJ is a famous singer and a writer, many people in the Philippines adored him, not until Mavis entered his life, everywhere he goes, Mavis is there, it's getting out of control. Until he can't take...