Chapter 28
Rumors
"Mavis!" Mangiyak-ngiyak na tawag sa akin ni Angel habang mabilis ang lakad papalapit sa akin.
Mabilis niya akong niyakap. "I missed you, gusto sana kita puntahan araw-araw kaso sabi ni Tita ay bigyan ka muna daw ng time para makapag-isip-isip." Hindi naman makatanggi doon dahil tama naman ang ginawa nila.
Ngayon handa na ako. Tapos ko ng iniyakan ang hiwalayan namin ni Unique. I am more focused on achieving my dream.
"Hindi ka pupunta sa concert ni Unique? Sa Friday na." Sabi niya sa akin habang naglalakad na kami papasok.
Napalunok naman ako. Nagtataka siya habang ako iniiwasan ko. I mean I cannot blame her because I told no one about our break up.
"Pag-iisipan ko. Feel ko magiging busy tayo." Palusot ko sakaniya. Napaisip naman siya at tumango.
"Nakausap namin siya kahapon," she trailed off. Mas lalo naman akong kinabahan. "He mentioned that he'll leave the entertainment industry. Alam mo na ba 'yon?" Tanong niya sa akin.
Bahagyang nanlaki ang dalawang mata ko. Gagawin niya nga?
"Oo naman." I shrugged.
Kung meron lang oscar ngayon month na 'to for sure kuhang-kuha ko na 'yon sa galing kong magsinungaling at mag act.
Mabuti nalang at hindi siya nakakapansin ng mali. The day started normal. Pero hindi ako mapakali sa narinig ko kay Angel.
Kapag umalis siya anong gagawin niya pagkatapos? I wanna know, I want to know what he is going to do after that! Pero sino ba naman ako ngayon 'di ba? I already ended our relationship. Wala na akong karapatan.
"Anj," napahawak ako sa bibig ko. "I don't feel well." Nasusukang sabi ko.
Nag-aalala naman siyang tumingin sa akin. Mabilis niya akong inexcuse kay Chief at idinala sa comfort room. I started vomitting and I don't even know why.
"First time mo ba ulit kumain? Baka hindi sanay ang body mo." Nag-aalalang sabi ni Angel. "Did you get your period." Nanlaki ang dalawang mata ko sa tanong niyang 'yon.
Hindi ako nakasagot! I started calculating in my head. And I didn't! Natakot ako. Kinabahan ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. .
"Mavis, did you and Unique... sa south korea ba?" She assumed.
Oo! Sa south korea, may nangyari din sa amin sa guesthouse niya but it was protected one.
"Hindi nakinig sa akin!? O my God." Napahawak siya sa buhok niya. "Gago talaga 'yun! Sabi niya alam niya 'yung ginagawa niya bobo naman pala." Umawang ang labi ko dahil hindi ko aasahan na manggaling mismo sakaniya 'yun.
"Ah-"
"Hindi niya pa alam 'no?" Tanong niya sa akin. Tumango naman ako. Kahit nga ako hindi ko alam! Ngayon lang. "Don't worry, I will not tell him."
"Wala na kami." Mabilis na sabi ko habang mahigpit na nakahawak sa damit ko.
"H-huh?" Naguluhan siya. "W-wala na kayo?" Paniniguro niya. Tumango naman ako kaagad.
"Ilang araw na. And now I am pregnant. Hindi ko alam." Umiling ako at humawak sa aking ulo. I am frustrated and disappointed to myself.
I can't even react. Hindi pa ako tapos mag-aral, and my is still mad at me tapos dadagdagan ko pa ang mga kasalanan ko? Pa'no na ang sasabihin ni Daddy? Si Mommy? That she's right? Na may mabubuo.
"Relax." Niyakap ako ni Angel. "Nandito lang ako, I will tell no one about this so relax." She assured me. Tumango naman ako kahit na nag-aalala parin ako.
BINABASA MO ANG
My Love From The Stage
RomanceMavis is a number 1 fan of Dominique Juarez or DJ. DJ is a famous singer and a writer, many people in the Philippines adored him, not until Mavis entered his life, everywhere he goes, Mavis is there, it's getting out of control. Until he can't take...