Chapter 14
Confrontation
"Kaarawan ni Scarlet ngayon pero kailangan kami kaagad sa kusina." Nagmamadaling sabi ko dahil biglang nag chat si Chef na marami daw kami gagawin this day dahil may mga bisita.
"Hindi ka pa makakapagluto ng Lemon Sponge Cake niya?" Umiling naman ako kay Mommy dahil ni pagligo nga hindi ko nagawa sa pagmamadali.
"Kailangan ko na umalis, My. Bye!" Tumakbo ako papalabas at mabilis na nagtawag ng tricycle. "Ateneo po!" Sabi ko dito.
Mabuti nalang at mabilis ang pagmamaneho ni Manong kaya mabilis kaming nakarating. Mag-aayos pa ako sa locker kaya nag bayad na ako ng 150 dahil wala na akong barya 'yun nalang.
"Nandito kana! Nagulat ako sa biglang chat ni Sir!" Nag papanic din na sambit ni Angel habang sabay kami naglalakad papunta sa locker.
Nilagay ko lahat ng gamit ko doon at nilagay ang uniform ko.
"Ok ba?" Tanong ko rito. Tumango naman ito at naglagay ng sakaniya nang mabilis.
"Bakit ba kasi biglaan. I don't like this!" Parang na pre'pressure na sabi niya. Tumango naman ako dahil ayaw ko rin naman ito.
Kakagising ko lang sa alarm ko ay 'yon ang nakita ko kaya kahit ano nalang kinuha konh damit at saglit na naghilamos.
Mabilis kaming pumasok sa kusin pagkatapos naming mag-ayos.
"Sorry for the trouble pero kailangan talaga kayo for today because you'll be the one to serve food to the visitors." Kumunot ang aking noo.
Pinagkrus ni Chef ang kaniyang kamay. Na para bang hindi kami nagkakamali ng dinig.
"I recommended this grade because you all had the highest potential to be the greatest grade of this year. So prove that to our visitor and our today's list..." tumuloy pa 'yon with further more explanations.
Kaso hindi ako kasama sa mga frying. Pinauna na ako sa baking dahil doon ako magaling. May appetizer, main course, and dessert ang pinagawa sa akin at ako lang mag-isa sa baking dahil naghihintay na daw sila.
At since huli pa naman ang dessert ay ako lang mag-isa. Which is only ok because I am great in this field. Custard ang pinagawa sa akin. And some strawberry cheesecake.
I did take my time there dahil huli pa naman ako kaya no'ng natapos ako ay sakto tapos na din sila kaya nilagay ko muna sa chiller pala lumamig ng konti dahil mas masarap 'yun.
And just after 10 mins ay kinuha na ang kanilang dessert. Sumilip pa ako sa maliit na bintana upang makita ang reaction nila. I'm with my other classmates. Para kaming nasa ratatouille na nakasilip pagkatapos i-serve ang dish na pinrepare.
Inuna nila ang custard.
Napangiti naman ako no'ng tumatango-tango sila.
"Good job, Mavis!" Narinig kong agad sabi sa akin ni Angel. Mas lumapad naman ang aking ngiti.
Susunod ang strawberry cheesecake. Tumatango-tango din sila.
"Iba talaga ang dessert ng isang Ms. Hernandez! Pasok lahat sa taste!" Si Angel kaya naman natawa ako at nakipaghigh-five sa kaniya.
Agad kaming bumalik sa pwesto no'ng bumalik si Chef.
"Congratulations! You did your job and the visitors loved it!" Ngumiti ito at pumalakpak kaya pumalakpak ulit kami. "Specially thanks to our baker, Ms. Hernandez. They liked the dessert more, bagay na bagay sa main course so also congrats with that! All of you did a great job!"
BINABASA MO ANG
My Love From The Stage
RomanceMavis is a number 1 fan of Dominique Juarez or DJ. DJ is a famous singer and a writer, many people in the Philippines adored him, not until Mavis entered his life, everywhere he goes, Mavis is there, it's getting out of control. Until he can't take...